KABANATA 14 (Explain)

2K 95 10
                                    

PATRICIA

"Nakita mo ang tatay mo doon Patty?" Seryosong tanong sa akin ni tita. Tumango ako at mapait na ngumiti, bumuntong hininga naman si tita at mabilis akong niyakap.

"Balang araw pagsisisihan niya rin ang pagtalikod niya sa inyo. Ang pagtakas sa responsibilidad niya." Hagod hagod ni tita ang likod ko habang sinasabi iyon.

Ikwenento ko sa kan'ya lahat ng nangyari sa kasal ni Yooki maliban sa isa..... Maliban sa halik.

Paniguradong hindi matatanggap ni tita kapag nalaman niya ang tungkol sa halik. Lalo na't alam niyang propesor ko ang humalik sa akin.

--------------

"Sang-ayon ka ba doon Tricia?"

"H-Ha?" Natutuliro kong tiningnan si Kleinthon. Nakalimutan kong may kausap pala ako at kanina pa siya nagsasalita.

"Ang sabi ko, sang-ayon ka ba doon?" Nakakunot ang noong ulit niya. Nahihiya ko siyang tiningnan sa mata.

"P-Pasensya na h-hindi ko narinig ang sinabi mo." Mahinang sambit ko. Natigilan naman siya at seryoso akong hinawakan sa noo gamit ang likod ng palad niya.

"May sakit ka ba? Kanina ka pa lutang, may problema ba?" Nag-aalalang anas niya,umiling naman ako agad.

"Hindi ayos lang ako. May iniisip lang." Pilit ngiting tugon ko at matagal naman bago siya tumango.

Ang totoo ay hindi ko makalimutan ang tungkol sa halik ni Prof. Devon kagabi. Iniisip ko kung ginawa niya lang ba iyon dahil medyo nalasing siya sa wine pero imposible iyon. Dahil ako mismo nakailang baso pero wala masyado akong tama. Siya, isang baso lang ang ininom niya kaya hindi siya malalasing.

Bakit mo ako hinalikan? Gusto mo rin ba ako o sadyang alam mong may gusto ako sa'yo kaya mo pinaglalaruan ang nararamdaman ko?

Napapaisip naman ako bigla. Kailangan ko siyang makausap. Simula kase noong gabing iyon ay hindi ko na siya nakita pang lumabas man lang sa unit niya.

----------------

Kinahapunan nang matapos ang klase ay pumunta ako sa office niya ngunit wala na siya roon. Naisipan kong umuwi ng apartment at alam kong nandoon siya dahil naroon ang kotse niya. Huminga muna ako ng malalim bago tuluyang kumatok sa pintuan niya nang makarating sa unit niya.

*Knocks*

Ilang segundo pa akong naghintay bago tuluyang bumukas ang pinto. Ngunit ang inaasahan kong magbubukas ay si prof. Pero babae ang bumungad sa akin. Isang napakagandang babae na may makinis na kutis, at mas matangkad siya saken. Nakatapis lang siya ng puting tuwalya, na parang bagong ligo. May sapin din ang buhok niyang umalingawsaw ang bango, dahil sa shampoo.

"Hi! Who are you?" Nakangiting anas ng babae sa'kin. Hindi agad ako nakasagot at ganoon nalang ang gulat ko nang lumabas mula sa cr si prof. Devon. Nakatuwalya rin siya at walang pang-itaas, halatang bagong ligo. Nagulat din siya nang makita ako at nagtataka namang nagpalipat-lipat ng tingin ang babae sa amin.

Hindi ko napigilan ang sarili ko at mabilis na nilisan ang unit niya. Pumasok ako sa unit ko at doon umiyak. Sobrang sakit.

Bakit niya ako hinalikan kung may nobya naman pala siya? Para saan yung halik?

Wag kang tanga Patricia! Wala lang yung halik sa kanya, walang ibig sabihin at trip niya lang yun. Wag kang mag-assume!

Napakasama niya! Magsama sila ng babae niya!

----------------

Lumipas ang ilang araw at hindi ko na pinagtuonan ng pansin ang tungkol sa halik na iyon. Oo at hindi iyon nawala sa isip ko, pero pilit ko na iyong kinakalimutan. Galit na galit pa rin ako kay prof. Devon dahil sa ginawa niya. Oo nga't hindi naman niya ako girlfriend para magalit, pero hindi naman yata tama'ng halikan niya ako kahit may nobya siya.

"Patricia.....pinapatawag ka ni prof. Devon. Punta ka raw sa opisina niya." Isang hapon ay kinausap ako ni Jimmy, ang PIO namin.

"Sabihin mong pupunta ako." Saad ko ngunit ang totoo ay hindi ako sisipot. Bahala siya.

Nangyari nga ang inaasahan ko. Pinuntahan ako ni prof. Devon sa unit ko dahil hindi ako sumipot sa opisina niya.

"Anong ginagawa niyo rito?" Walang emosyon kong sambit ngunit sa loob loob ko ay kinakabahan na ako.

"Can we talk?" Seryoso niyang wika.

"Nag-uusap na po tayo." Walang gana kong tugon. Bumuntong hininga siya at bahagya akong itinulak para makapasok at....

O_O

ISINARADO ANG PINTO!

"B-Bakit mo isinara? A-At bakit ka pumasok!" Aligaga pero masungit na sambit ko. I heard him chuckled.

"Bakit hindi ka pumupunta sa tuwing ipinapatawag kita? Are you mad at me?" Seryoso niyang tanong. Umiwas ako ng tingin at hindi sumagot.

"Tell me! What's wrong?" Muling ungot niya dahilan para mapatingin ako sa kanya.

"Eh ano naman Kung hindi ako sumisipot? Hindi naman big deal iyon. Atsaka isa pa mukhang hindi mo naman kailangan ng tutulong sa iyong mag check ng papers dahil may girlfriend ka naman. " Walang gana kong tugon,kita ko namang natigilan siya. Natigilan din ako. Seriously Patricia? Nagmumukha kang dismayado dahil may girlfriend na siya. Masyado kang halata!

"Okay. That girl, her name is Hannah. She's just a frien------

"Sasabihin mong kaibigan mo lang siya. Pero pareho kayong walang suot!" Galit na pigil ko sa kanya at pareho kaming natigilan dahil doon.

Patricia! Ano itong inaasta mo ngayon? Hindi ka naman niya girlfriend para magalit sa kanya.

"Pero hinalikan ka niya kaya may karapatan kang magalit." Wala sa sariling bulong ko.

"Okay I'm sorry if I kissed you. Hindi ko lang napigilan." Hindi ko inaasahang sagot niya.

Narinig niya pala iyon? Akala ko mag-isa lang ako! Nakalimutan kong may kasama pala ako.

>>___<<

"Kalimutan mo nalang 'yon. Hindi naman na big deal sa akin 'yon!" Walang emosyon kong sabi ngunit natigilan nang mapagtantong seryosong seryoso siya.

"Bakit?"

"If it's not big deal to you, then for me it's big deal." Mariin niyang sabi.
"It's big deal, because you're my student and I'm your Professor."

"Kaya nga bakit mo ko hinalikan? Alam mong estudyante mo 'ko, kaya bakit mo ako hinalikan?" Anas ko. Sa loob loob ay nasasaktan dahil hindi niya pala nakakalimutang estudyante niya ako.

"You don't really have any idea." Sabi niya at basta nalang umalis. Naiwan naman akong tulala at iniisip ang huli niyang sinabi.

' You don't really have any idea.'

' You don't really have any idea.'

' You don't really have any idea.'

Nagpaulit-ulit iyon sa utak ko.
Idea? Wala talaga akong idea dahil hindi ko kailanman nababasa ang laman ng utak mo!

Nakakainis! Binigyan na naman niya ako ng panibagong iisipin!

A/N:Hello sa inyo! May nagbabasa pa ba? Comment naman kayo.... Medyo mababa lang ang update dahil pagod po ako...

Sorry for the late update! Medyo nabusy lang ako dahil inuna ko ang modules ko.

Belated merry Christmas pala sa inyo! Vote and comment atsaka pa follow na rin for you to be updated...








Professor's Crush Where stories live. Discover now