KABANATA 1

3.5K 101 4
                                    

PATRICIA

Walang nagsalita sa amin ni Prof. hanggang sa makarating kami sa grocery store. Pumunta siya sa kanang gawi ng store at ako naman ay pumunta sa kaliwa, kung saan naroon ang mga pagkain. Kumuha ako ng mga cup noodles at mga ramen. Kumuha din ako ng juice at iba pang drinks.

Pupunta na sana ako sa counter para magbayad, ngunit nang kapain ko ang bulsa ko ay doon ko napagtantong wala pala akong dalang pera. Napabuntong hininga ako at naisipang bumalik na lamang sa apartment at kunin ang pitaka ko. Pero nang tinangka kong ibalik ang mga pagkaing kinuha ko, biglang may nagsalita.

"Pumunta ka na sa counter. I'll pay that, masyado ka yatang lutang ngayon." Prof. Devon said.

"A-hh...h-ha?" Naiilang na sambit ko.

"I said I'll pay that, wag mo nang ibalik. Next time you should make sure na Kompleto na ang kakailanganin mo para hindi ka na bumabalik pa." Malamig na saad niya.

Napakamot na lamang ako sa ulo ko dahil sa kahihiyan. Wala akong choice kundi ang hayaan na lamang siyang bayaran ang mga pinamili ko. Kaysa naman bumalik pa ko sa apartment, masyado nang malalim ang gabi at delikado iyon para sa akin.

"Ahm babayaran ko na lang pagdating natin don Prof." Naiilang na sabi ko sa kalagitnaan ng paglalakad namin pabalik sa apartment.

Hindi siya nagsalita bagkus
nagpatuloy lamang sa paglalakad. Sumunod na lamang ako sa kanya at hindi na rin nagsalita pa.

Pagkarating namin sa apartment ay mabilis kong kinuha ang pitaka ko at inabot ang bayad sa kanya. Pero tiningnan niya lang ako ng walang emosyon sa mukha.

"What's that?" Malamig na anas niya.

"Ahm bayad ko po Prof." Nahihiyang sabi ko sa kanya.

Sino ba naman ang mahihiya sa ganitong sitwasyon? Kung hindi dahil sa kanya, marahil ay pabalik pa ako sa grocery store ngayon. Sinabayan niya pa talaga ako hanggang sa makarating kami ulit dito sa apartment. Hindi ko maiwasang magtaka kung bakit ginagawa niya ito. Pero mukhang ganon lang naman talaga siya sa lahat. Ayokong bigyan ng kahulugan ang mga bagay na ginagawa niya, dahil mahirap nang umasa. Naiisip kong ganon din naman siya kay Cheryl. Siguro.

Hindi tinanggap ni Prof. ang bayad ko, bagkus ay tinalikuran pa nga ako nito eh. Hindi ko na lang din pinansin. Ayaw ko non? Nakalibre pa ako hehehehe! Nakakahiya ka Patricia! Agad na awat ko sa sarili ko.

Dumiretso ako sa kusina ko at nag-init ng tubig para sa cup noodles na kakainin ko. Napatingin tuloy ako sa kabuuan ko. Halatang kulang sa timbang, at hindi na rin naman ako magtataka kung bakit. Palaging cup noodles ang kinakain ko, tapos inom pa nang inom ng softdrinks. Kaya siguro ganito na lamang ako ka payat. Hindi ko nga rin nasusunod ang tamang oras ng sa pagkain eh. Minsan halos alas diyes na ako nag-aagahan, dahil late na ako kung gumising. Minsan din ay ang pananghalian ko sa hapon ko na nakakain.

Tamang tama at nainit na ang tubig kaya naman inilagay ko na ang noodles at hinaluan ito ng seasoning nang lumambot. Nagsimula na din akong kumain.

Nakasalampak ako sa kama ko dahil sa pagod. Hindi ko maiwasang maisip si Prof.,dito nga talaga siya nakatira. Kase kung hindi, bakit ko siya nadatnan ng pangalawang beses? Nakasabay ko pa pauwi.

Kinabukasan maaga parin akong nagising dahil sa alarm clock ko. Medyo masakit ang ulo ko dahil sa puyat, tinapos ko pa kase ang study ko kagabi eh. Mabilis kong tinapos ang morning routine ko at nagmadaling umalis.

Tama lang ang dating ko dahil mga ilang minuto lang nang dumating ako ay nagsimula na ang klase. Sulit na naman ang pagpupuyat ko dahil perfect score na naman ako sa science namin.

Pero nang bandang paalis na ako, hinarangan ako ni Cheryl. Nagtataka ko naman siyang tiningnan.

"Bakit?" Takang tanong ko sa kanya.

"May kailangan ka?" Ulit ko dahil hindi siya nag salita.

Hindi pa rin siya umimik bagkus ay pairap niya akong tinalikuran.
Bumuga na lamang ako ng malakas na hangin dahil sa inasta niya. Alam ko ang dahilan niya kung bakit siya ganyan. Marahil naiinis na naman siya dahil lumamang ako sa kanya sa quiz.

"Congratulations Patricia! You did  well!" Papuri sa akin ni Mrs. Gambia.
Ngumiti lamang ako sa kanya at nagpasalamat.

Nasa cafeteria ako at mag-isang kumakain dahil wala naman akong kaibigan. Ganito ako palagi nag-iisa, dahil ayaw ko naman ng kasama. Kumbaga ayaw kong makisalamuha ng mga taong hindi naman totoo ang ipinapakita saken. Maaga akong naulila sa nanay ko dahil maaga siyang kinuha ng panginoon. Ang tatay ko naman ay may sariling pamilya. Kumbaga nabuo lang ako sa pagkakamali. Mula bata ako hindi ako kailanman nagtangkang lumapit at humingi ng atensyon sa tatay ko. Mayaman siya at sikat pagdating sa negosyo, kaya ayaw kong manghimasok sa maganda niyang buhay. Ayaw kong mapahiya siya dahil lang sa may anak siya sa labas. Kilala naman ako ng tatay ko, pero parang wala lang naman ako sa kanya. Ayos lang naman saken iyon, tanggap ko na'ng bastarda lang ako. Sinabi ko rin sa sarili ko na kailanman hindi ako manghihingi ng atensyon sa kahit na sino. Kung ayaw nila sa akin, ayaw ko rin sa kanila.
Hindi ko kailangan ang mga taong pasakit lang naman ang idudulot sa akin.

Bumalik ako sa classroom at wala pa masyadong tao roon. Umupo lamang ako sa silya ko at nagbasa ng aklat.

Mayroong pumasok ngunit hindi ko na iyon pinansin. Hanggang sa narinig kong tumikhim siya,kaya naman sinulyapan ko siya.

"I heard you got perfect score in your quiz with Mrs. Gambia? " Sir Devon ask.

Nagtaka ako sa prisensya niya, kaya naman tiningnan ko ang orasan ko. Ala una pa lamang at hindi pa niya oras sa pagtuturo. Kaya naman bakit siya nandito?

"Ah o-oho." Iyon lamang ang nasabi ko sa halip na magtanong kung bakit siya nandito.

"Congrats!"

Hindi ko inaasahang sasabihin niya iyon. Actually normal lang naman ang e-congrats ng guro kapag naka perfect. Pero para sa akin, kapag si Prof. Devon ang pumupuri o kumakausap sa akin may kung anong parte sa akin na hindi normal. At iyon ay ang hindi ko maintindihan sa sarili ko. Siguro ay dahil gusto ko siya o sabihin na lamang nating mayroon akong espesyal na pagtingin sa kanya.

'Mayroon akong gusto sa propesor ko.'

Professor's Crush Where stories live. Discover now