PATRICIA
Magandang tanawin, preskong hangin, malamig na temperatura at tahimik na paligid. Ito ang bubungad sa akin tuwing gigising ako sa umaga.
Napangiti ako nang maramdaman kong may yumakap sa akin mula sa likod."Agahan na Patpat, halika't nagsangag ako ng kape." Ani niya habang nakayakap pa rin sa akin.
"Susunod ako lola." Saad ko sa kaniya.
Mahina lamang itong tumango at ngumiti bago ako tinalikuran. Kahit kailan ay napaka hinhin ni lola.Medyo naninibago ako kahit na tagarito naman talaga ako. Iba pala talaga kapag nagtagal ka sa siyudad, pagbalik mo sa probinsiyang pinanggalingan mo ay maninibago ka.
Narito ako sa kwarto ko at nakatanaw lamang sa ibaba sa pamamagitan ng may kalakihan kong bintana. Napakaganda ng piniling kwarto ni lola para sa akin. Napagpasyahan niyang ilipat ang kwarto ko at ipaayos noong nalaman niyang uuwi ako. Kahit kailan ay napakamaalaga talaga ng mga matanda sa akin, napangiti akong muli dahil doon.Habang nakatanaw sa bukid ay nawala ang ngiti sa labi ko. Bigla na lamang kasing may naukit na pigura. Isang itsura ng lalaking nasasaktan dahil iniwan ng mahal niya.
Mariin kong pinunasan ang luha ko, heto na naman ang sakit. Naalala ko na naman ang hitsura niya noong iniwan ko siya, napaka miserable.Walang gabing hindi ako umiiyak ng tahimik. Walang araw na hindi ko nakikita ang pigura ng mukha niya. At walang araw na hindi ako natutulala sa tuwing maalala kong iniwan ko siya ng walang paalam. Kung paanong ginawa kong basehan ang nangyari sa kanila ni Hannah.
Naiisip ko pa lang na natuloy ang kasal nila ni Hannah ay nasasaktan na ako. Pero anong karapatan kong masakatan eh ako yung nang-iwan? Ngunit lahat ng ginawa ko ay matagal ko nang pinag-isipan. Para iyon sa aming dalawa, para hindi siya masaktan kung sakali mang tama ang hinala ko tungkol sa sakit ko.
Ang sakit ko.
Ang sabi ng doktor ay umaayos ito, ngunit pabigla-bigla ay bumabalik ito sa dati. Hindi naman daw kailangan bg heart donor, pero kapag tumagal raw ito at mas lumala posibleng ikamatay ko.
Ayokong mamatay.
"Pasensya na ngunit ganoon pa rin ang resulta Ms. Solmayor....... Mas lalo lang nanghihina ang puso mo dahil sa madalas mong pagka stress." Bumagsak ang balikat ko dahil sa sinabing iyon ni Doctor Mathias, personal kong doktor.
Paulit-ulit iyon. Parati akong pumupunta sa hospital dahil iyon ang bilin sa akin ng doktor. Paminsan-minsan ay sinasamahan ako ni lola, minsan rin ay hindi dahil may kailangan siyang asikasuhin sa lupang pag-aari namin sa bukid. Sa pabalik-balik kong punta doon ay walang nagbabago. Ganoon pa rin palaging malungkot ang uwi ko dahil sa parati kong naririnig na mahina ang puso ko. Na kaunting stress lang ay mas humihina ito.
Pinipigilan kong umiyak gabi-gabi, ngunit hindi ko talaga maiwasan dahil parati kong naiisip ang taong mahal ko. Ang mukha ng taong iniwan ko at pinangungulilaan ko.
Miss na miss ko na siya.
"Pat-pat! Mayroon akong ipapakita sa'yo." Mahinhing saad ni lola habang nakikinig ako ng radyo.
"Ano 'yun la?" Nakangiting pilit kong tugon. Inilahad naman niya sa akin ang isang sobreng puti, binuksan ko naman ito.
Patricia Solmayor was now officially enrolled in Noveloche College.
Nagugulat kong tiningnan si lola na ngayon ay nakangiti ng galak pero sa mahinhin pa ring dating. Pilit akong ngumiti dahil hindi ko alam kung makakayanan ko pang mag-aral, napansin naman niya ang mukha ko.
"Walang masama kung susubukan mo apo." Mahinhin niyang ani atsaka hinaplos ang mukha ko.
"Ilang beses ko ho bang sabihin sa inyo na wala nang saysay kung mag-aaral pa ako." Nagsisimula na namang uminit ang ulo ko.
"Pakiusap apo, huwag mo sanang sirain ang buhay mo. Sana palagi mong isipin na nandito pa rin kami. Hindi namin kakayaning makita kang patuloy na nilulugmok ang sarili mo." Pabuntong hininga at nakikiusap niyang ani.
Hindi ako kumibo hanggang sa mawala ulit siya sa paningin ko. Nagpaalam siyang magluluto ng tangahlian.
Muli kong sinulayapan ang sobreng hawak ko saka bumuntong hininga. Gusto kong mag-aral ulit pero nanghihina ako sa tuwing maiisip ko ang kundisyon ko. Sa palagay ko magiging pabigat lang ako sa pamilya ko, iyon pa naman ang ayaw ko. Ayaw kong maging pasanin.
Halos araw-araw rin akong nakakaramdam ng guilt dahil sa ugali ko. Nitong mga nakaraan ay pabago-bago ang emosyon ko dahil sa sakit ko.Parati ko kaseng nasisigawan si lola at lolo kapag umiinit ang ulo ko. Hindi ko naman sinasadya,kusa kong nagagawa at nagagalit ako sa sarili ko dahil doon.
Isang araw nga noon ay pinilit ako ni lolo'ng sumama sa sapa para manguha ng sapang pasayan,ngunit mainit ang ulo ko noon kaya nasigawan ko siya. Sumama ang loob ni lolo kaya hindi na niya ako kinikibo ngayon. Hindi ko na rin sinubukang kibuin si lolo dahil baka mas lalo ko lang siyang mapagbuntungan ng problema ko.
May mga araw rin na halos maubos ko ang gamit sa kwarto kakabasag ko sa mga ito. May minsan ding napagbuntungan ko ang radyong paborito ni lola, ibinalibag ko ito at nabasag. Si lola naman ay walang ibang ginawa kundi ang pagaanin ang loob ko. Palagi niyang iniintindi ang ugali ko at palagi niyang pinapaalala sa akin na mahal niya ako. Dapat ay magalit siya sa akin ngunit hindi niya ginawa, bagkus ay niyayakap niya ako at pinapatahan. Sobrang sama ko at parati ko silang pinapakitaan ng galit ko kahit hindi dapat dahil wala silang ibang ginawa kundi ang tulungan akong gumaling. Nais nilang malunasan ako kahit alam naking pareho na malabo nang mangyari iyon.
Sina tita at Hazel ay nagpaiwan kung nasaan kami dati. Sa Manila kung saan naroon ang apartment na pag-aari ni tita at siyang pinagkukunan niya ng pangtustus sa amin.
Buhay pa ako pero pakiramdam ko, dahan-dahan akong pinapatay ng sakit ko. At mas lalo pa akong nanghihina sa tuwing maiisip kong hindi ko na masusuklian ang lahat ng sakripisyo ni tita sa akin.
Ang pangarap namin ni Hazel na ngayo'y malabo nang matupad.Marahan kong pinunasan ang luha ko at tumingala sa kisame. Sana ay may lunas pa. Sana bigyan ako ng Diyos ng himala. At sana.........sana kapag nangyari iyon ay hindi pa huli ang lahat. Sana makita ko pa rin siya.
Sana hindi niya ako kamuhian dahil sa pag-alis ko. Sana kahit pa paano ay namimiss niya rin ako.
Ayaw ko mang maging selfish, ngunit minsan ay hinihiling ko rin na sana ako pa rin ang mahal niya at sana.......hindi siya nagpakasal kay Hannah.
---------------------
Kinabukasan ay pumunta ako sa bayan kung saan naroon ang pinakamalapit na private hospital, kung saan ako parating nag papa check-up.
"Ms. Solmayor, kanina pa ako hindi mapakali rito sa upuan ko. Hinihintay ko talaga ang pagdating mo." Saad niya na siyang ikinakaba ko ,hindi ko alam ngunit pakiramdam ko hindi ko magugustuhan ang maririnig ko.
"B-Bakit ho Doc. Mathias? May problema na naman ho ba?" Kabadong anas ko. Natatakot naman ako araw - araw sa kung anong posibleng marinig ko kapag nagpapa-check up, pero bakit parang mas natatakot ako sa posible kong marinig ngayon.
Sana ay magandang balita ang marinig ko. Sana mali ang iniisip ko....
A/N❤️: Hello everyone! May nagbabasa pa ba?
I'm so happy na mayroon pang nagco-comment nang "Author please update na." akala ko ay wala nang nagbabasa, meron pa rin palang naghihintay nito.
Pasensya na kung medyo magulo na ang takbo nito. As I've said beginner po ako.
Sa mga naghintay ng update ko, sorry po sa sobrang tagal mag-update ako. Sobrang dami ko po kaseng modes hehe! Hope y'll understand!😔☺️❤️
YOU ARE READING
Professor's Crush
RandomPatricia Solmayor. A woman who doesn't care about the world especially in love. For her, it is better to live without love. But her perspective changed when she met her professor. Sometimes there's a strange to her feelings, especially when she lo...