KABANATA 39

1.8K 64 3
                                    

PATRICIA

Nakaupo ako sa isang woodchair sa harap ng dagat  habang nakatanaw sa papalubog na araw. Ang ganda, ang payapang tingnan. Masarap sa pandinig ang mga huni ng ibon at nakakamangha ang naglalakihang puno. Teka, nasaan nga ba ako? Anong lugar ito at bakit ako napunta rito?

Tumayo ako at nagpalinga-linga. Naligaw lang ba ako o ito na talaga ang sinasabi nilang......

Kabilang buhay.

'Hindi na ba ako makakabalik?'

"Makakabalik ka pa."  Muntik na akong mapatalon nang may nagsalita mula sa likuran ko. Mabilis ko itong hinarap at bumungad sa akin ang isang babae. Napaluha ako nang makilala kung sino ang nasa harapan ko ngayon.

"M-Mama?"  Ngumiti siya at tumango.

"Kumusta anak ko?" Hindi na ako nagsayang ng oras. Mabilis akong tumakbo at niyakap siya ng napakahigpit.

"M-Mama? Ikaw ba talaga 'yan?" Hindi ako makapaniwalang kayakap ko na siya ngayon.

"Ako ito anak. Ano at nagdududa ka? Nakalimutan mo na ba ang aking hitsura?" Natatawa niyang biro.  Sa sandaling iyon ay napabitaw ako sa kaniya. "Oh bakit? Ano ang problema anak?"

"P-Patay na ba a-ako ma?" Naramdaman kong mas uminit ang mga mata ko at nanubig. Ngiti lamang ang isinagot niya at inalok ang kamay sa'kin. Inabot ko iyon at saka kami naglakad patungo sa kung saan.

"Gusto mo na bang magpahinga?" Aniya. Hindi ako nakasagot agad.

"Doon sa mundo lahat ng sakit ay mararanasan at mararamdaman mo, pero dito hindi anak." Ani niya nang sandaling huminto kami sa tapat ng isang pintuan. 

"Dito walang kang maririnig na masasakit na salita. Ang maririnig mo lang ay ang mga kumakantang ibon at paghampas ng mga alon  sa dagat. Dito wala kang mararamdamang sakit dahil inalis na iyon, nasa labas ka palang ng pintuan."  Nakangiti niyang kwento at hinawakan ang dalawa kong kamay.  "Pero ikaw........hindi ka pwede rito anak." 

"B-Bakit naman ma?" Natitigilan kong tanong.

"Kapag pumasok ka sa pintuang ito ay hindi ka na makakalabas pa. Hindi ka pwedeng pumasok dito anak dahil marami ka pang gagawin sa buhay."  Nakangiting paliwanag niya.
"Babalik ka doon kung saan ka nanggaling at haharapin mo lahat ng pagsubok na ibibigay sa'yo ng Diyos."

"Alam ko namang hindi ka mahihirapan dahil malakas ka anak. At palagi lang akong narito para gabayan ka at tingnan ang kalagayan mo kahit nasa malayo." Bumitaw ako sa kamay niya nang sabihin niya iyon.

"Kung hindi ako pwede diyan, sumama ka nalang sa'kin ma. Gusto kong makasama ka at alam ko gano'n din sina tita. Tara na ma, hindi na natin kailangang pumasok sa pintuan na 'yan." Nakangiti at tila rapper kong sabi sa sobrang bilis. Ngumiti at umiling siya.

"May mga bagay na pwedeng mangyari, pero hindi natin gusto. May mga bagay na gusto natin pero hindi pwedeng mangyari. At hindi pwedeng mangyari ang gusto mo anak."

"Bakit? Sino bang nagsabi no'n? Ayaw ba nila akong maging masaya? Yun lang naman yung hiling ko, gusto kong makasama ka ma!"  Umiiyak kong anas. Hinawi ni mama ang mga buhok na nakakalat sa  aking mukha at inayos iyon.

"Iyon ang kagustuhan ng Diyos anak. Mahal tayo ng Diyos kaya niya tayo binibigyan ng pagsubok upang matutunan nating lumaban. Upang matuto tayong bumangon muli kung sakaling tayo ay lulubog." Nakangiting ani niya. Hinaplos niya ang magkabilang pisnge ko at pinahiran ang luha doon gamit ang kamay niya. "Balang araw ay malalaman mo din at maiintindihan kung ano ibig kong sabihin anak. Balikan mo ang mga taong mahal mo at nagmamahal sa'yo." Umiling iling ako dahil hindi ko matanggap.

Professor's Crush Where stories live. Discover now