PATRICIA
Isang napakagandang umaga para sa akin ang araw na ito. Araw ngayon ng sabado kaya walang pasok. At hindi ko maitago ang tuwa ko, sa katotohanang hindi kasintahan ni prof. Devon si miss Divine. Ang buong akala ko kase ay magkasintahan sila. Ang sweet kase nilang tingnan.
Nakangiti kong binuksan ang maliit na ref sa kusina ko, at kumuha ng freez meat doon. Kahit pa paano marunong din naman akong magluto.
Ngunit nang tingnan ko ang lalagyan ng mga sibuyas ay wala na itong laman. Napabuga na lamang ako ng malakas na hangin.Kailangan ko na namang lumabas.
Napakamot ako sa ulo ko at mabilis na kinuha ang bag ko'ng may lamang pitaka. Lumabas ako sa unit ko at pumunta sa may kanto, kung saan may tindahan.
"Pabili po!" Medyo may kalakasang sabi ko sa nakatalikod na tindera. Awtomatiko naman siyang humarap at nakangiti'ng tiningnan ako.
"Ano ang bibilhin mo?" Nakangiting tanong ng tindera sa akin. Ngumiti din ako sa kan'ya.
"Sibuyas at bawang po! Tapos dagdagan niyo na rin po ng suka at toyo." Nakangiting paliwanag ko sa kan'ya ng aking bibilhin. Ngumiti siya at tumalikod sa'kin.
Napabaling ang paningin ko sa lalakeng bigla na lamang tumabi sa'kin. Nakangiti na siya ng lingunin ko. Ngiti'ng manyakis sabay dila sa pang-ibabang labi niya.
" Hi! Ako si Erhol. Ikaw?" Inilahad niya ang kamay niya sa'kin. Ngunit tiningnan ko lamang iyon at mabilis na binaling ang paningin ko sa tindera.
Nagbayad ako at kinuha ang mga pinamili ko saka ko binalingan ang lalake.
"Hindi........ Ako......... Interesado!" Madiing sabi ko at tinalikuran siya.
Dinig ko pang suminghal siya at nagmura. Pero wala akong pakialam. Ang ayoko sa lahat iyong bastos at walang galang sa mga babae. In short manyakis. Sa inis ay nagmadali akong umuwi sa unit ko,ngunit hindi ko inaasahang madadatnan ko si prof. Devon doon, nakataas ang kilay na nakatingin sa akin at bahagyang nakakunot ang noo. Pagkuwa'y naka pamulsa itong tumalikod sa akin. Hindi ko tuloy maintindihan kung bakit bigla na lamang ako nangingiti.
"O. M. G! Prof. Devon hi!" Hindi ko inaasahang maririnig ko ang tinig ni Cheryl. Awtomatiko akong napalingon, at ganoon na lamang ang gulat niya nang makita ako.
"What are you doing here?" Maarte ngunit nagtatakang sabi niya.
"Nakatira ako dito Cheryl." Sagot ko. "May problema ba doon?" Dagdag ko at binigyan niya naman ako ng nanghuhusgang tingin. Pagkuwa'y lumapit sa'kin.
"May gusto ka ba kay prof.?" Tanong niya at natigilan naman ako.
"Ano bang sinasabi mo?" Hindi ko ipinakitang nagulat ako sa tanong niya. Ngumisi naman siya sa'kin.
"Iba ka pala talaga magkagusto, pati sa tinitirhan sinusundan mo." Nakangising sabi niya at sinuyod ang kabuuan ko, na para bang mayroon siyang nakikitang mali sa akin.
"Cheryl. Nauna akong tumira dito, at kailan ko lang din nalaman na dito rin nakatira si prof." Pangdedepensa ko sa sarili.
"At isa pa....... Ano naman ang problema kung nasa iisang lugar kami nakatira? Wala akong nakikitang masama doon Cheryl." Dagdag ko.
Wala naman talagang masama kung nakatira kami sa iisang lugar. Kung sa iisang kwarto siguro oo, pero wala talaga akong makitang mali na nandito kaming pareho. OA lang talaga at Mapanghusga 'tong si Cheryl.
"And you think paniniwalaan kita? Alam mo siguro' ng nakatira si prof. dito kaya dito ka na rin tumira. What a flirt!" Turan niya kaya naman uminit ang ulo ko.
YOU ARE READING
Professor's Crush
RandomPatricia Solmayor. A woman who doesn't care about the world especially in love. For her, it is better to live without love. But her perspective changed when she met her professor. Sometimes there's a strange to her feelings, especially when she lo...