- - - -PATRICIA- - - -
"Patricia!" Inaasahan ko na nang tawagin ako ni Yooki kinabukasan ng matapos lahat ng activities namin. Nakasalubong ko siya sa tapat ng elevator kanina at batid kong sinundan niya ako rito.
Nakatayo lamang ako sa harap ng dagat habang nilalaro ang buhangin sa mga paa ko. Hinarap ko si Yooki at nakangiti na siya nang makalapit sa'kin.
"Hindi ka dapat nandirito. Baka magalit si Krishna." Pabuntong hiningang sambit ko. Agad namang gumuhit ang lungkot sa mukha niya.
"Hindi siya magagalit, nagpaalam ako." Mahinang saad niya.
Napatingin ako sa hotel malapit sa gawi namin, at nakita ko naman doon si Krishna. Nasa veranda siya at nakatingin rin sa amin. Ngumiti pa siya nang bahagya nang mag tama ang paningin namin,pero hindi ko iyon tinugunan.
" Hindi ko inaasahang makikita kita noong nag book kami ni Krishna rito." Wika niya at nanatili naman akong tahimik. "Malapit na ang kasal namin, at wala na akong.....kawala."
O_O
Nagulat ako sa sinabi niya.
Anong walang kawala? Ibig ba niyang sabihin gusto pa niyang hindi matuloy ang kasal nila?
Malungkot niya akong tiningnan at saka pilit na nginitian.
"Gusto ko sanang malaman mo Pat na... Minahal talaga kita ng sobra. You're my first greatest love at mananatili ka sa puso ko, kahit pa ikakasal na ako." Malungkot na saad niya at namumula ang mata, nagbabadya na iiyak siya. Mabilis ko siyang inilingan.
"Alam mo rin kung gaano kita kamahal Yooki....pero sana wag mo nang iwanan si Krishna. Kase sa nakikita ko, mahal ka talaga niya..." Senserong sambit ko at natigilan naman siya kalaunan ay ngumiti.
"Thank you for understanding Pat!" Sambit niya at niyakap ako.
Nakita ko si Krishna sa veranda na nakangiti na rin. Ngiti na walang halong kaplastikan.
Humiwalay ako ng yakap kay Yooki at nginitian siya. Alam ko namang kahit anong galit ko, hindi ko na maibabalik ang nakaraan namin. Masyado nang maraming nagbago sa pagitan namin. Hindi na kami pwede, at isa pa......may iba na akong gusto na hindi rin ako gusto.
Ang lungkot ng lovelife ko tsk!
"Thank you Pat! Wag ka sanang mawala sa kasal namin, invited ka Pat." Nakangiti munit naiilang na sambit niya.
"Titingnan ko." Nakangiting tugon ko at ginantihan niya rin ng mas magandang ngiti.
Pabalik na ako sa kwarto namin ni Mrs. Gambia nang makasalubong ko si Krishna sa second floor.
"A-ah Pat, gusto sana kitang makausap." Nahihiyang saad niya.
"Sige"
"Gusto ko sanang ibigay to!" Inilahad niya sa'kin ang isang maliit at makulay na envelope. Tinanggap ko naman iyon.
"Wag mo sanang iisipin na inimbita kita para asarin. A-ano kase gusto ko sanang maging k-kaibigan ka ulit." Naiilang pang sabi niya, napatitig naman ako sa kan'ya.
Kaya ko nga bang kaibiganin siya ulit?
Bumuntong hininga ako. " Walang problema, titingnan ko kung makakapunta ako." Malumanay na saad ko.
" Tama ka Pat, kinaibigan kita noon dahil gustong-gusto ko si Yooki. Pero Pat, hindi rin naging madali para sa'kin na gawin ang ganon." Ngayon ay umiyak na siya at may pagsisisi sa mukha." Hindi ako nakakatulog ng maayos sa gabi kase, iniisip ko kung gaano kasama yung ginawa ko." patuloy niya at nanatili naman akong tahimik na nakikinig.

YOU ARE READING
Professor's Crush
RandomPatricia Solmayor. A woman who doesn't care about the world especially in love. For her, it is better to live without love. But her perspective changed when she met her professor. Sometimes there's a strange to her feelings, especially when she lo...