KABANATA 2

2.8K 77 4
                                    

PATRICIA

"You know what Cheryl? I envy you." Napatigil ako sa paglalakad nang marinig ang tinig na iyon. Nasisiguro kong si Kelly iyon. Isa sa mga kaibigan ni Cheryl.

"Why?" Natatawang turan naman ni Cheryl sa kanya.

"Kase ang lakas mo kay Prof. Devon. Naku Cheryl ah, konti nalang talaga iisipin ko nang may relasyon kayo ni Prof." Maarteng sagot naman sa kanya ni Kelly.

" We're not in relationship.... Well not yet hahahahaha!" Kompyansadong sabi pa ni Cheryl.

Napabuntong hininga na lamang ako dahil sa sinabi niya. Hindi naman talaga malabong may relasyon sila ni Prof. Devon dahil close sila masyado. Pero para sa akin parang wala naman.

" But Cheryl. Ang dinig ko may girlfriend daw siya." Napatigil ulit ako sa sinabi ni Susan, isa rin sa mga kaibigan ni Cheryl.

'May girlfriend siya?'

"C'mon Susan! Uso kaya ang hiwalayan ngayon. Duhh!" Sagot naman sa kanya ni Cheryl.

Hindi na ako magtataka kung maghihiwalay si Prof. Devon at yung girlfriend niya dahil kay Cheryl. Dahil iyon talaga ang kadalasang nangyayari kapag umandar ang pagiging malandi ni Cheryl.

Nagpatuloy na lamang ako sa paglalakad, at hindi na sila pinansin pa. Pero di ko sinasadyang mapabaling ang tingin sa taong nasa gate. Kilala ko na siya sa postura palang alam kong siya talaga iyon.

'Ano naman kayang ginagawa niya rito?'

Nakapamulsa siya at parang may hinihintay. Akmang lalampasan ko na sana siya, ngunit huli na para makaiwas ako ng tingin. Nakatingin na rin siya saken at ang kaninang blangko ay napalitan ng pagkagulat sa mukha.

Nag-iwas ulit ako ng tingin.

"Pat!" Napahinto ako dahil tinawag niya ako sa nickname ko.

"Pat? Dito ka nag-aaral?" Galak na galak na sabi niya.

Tumango lang ako at akmang aalis nang mahuli niya ang papulsuhan ko.

"Pat. Mag-usap muna tayo." Nagsusumamong sambit niya

"Tungkol saan?" Walang emosyong turan ko.

"Sa a-atin. Mag-usap tayo tungkol sa atin. Hayaan mo kong magpaliwanag, please?" Sinabi niya iyon na para bang naghihinakit.

"Pasensya na may pupuntahan pa ako." Tugon ko at mabilis na inagaw sa kanya ang kamay ko, saka ako nagmadaling umalis.

Gusto niyang mag-usap kami? Para saan? Noong ako yung gustong kumausap sa kanya hindi siya sumisipot. Abnormal ba siya?

Mabilis akong pumara ng taxi at sumakay para makauwi sa apartment ko. Sobrang dami ko nang iniisip ngayon, kailangan ko ng pahinga.

Nakarating ako sa apartment ko nang ilang minuto lang. Wala naman kaseng traffic, at tuloy - tuloy ang pagpapaanadar ng taxi. Pagkapasok ko palang sa kwarto ko, bumungad na agad sa akin si tita Hally.

"Patty!" Tuwang tuwa na turan niya. Lumapit naman ako para yumakap sa kanya, miss na miss ko na siya.

Si tita Hally ang may ari ng buong apartment na ito. Siya rin ang bumuhay sa akin mula nung namatay si mama. Siya ang nagsilbing ina ko, dahil wala naman siyang anak. Maaga rin siyang na biyuda.

"Tita miss na miss na kita!" Mahigpit ko siyang niyakap.

"At ako hindi? Eh noong isang linggo pa sana ako dadalaw sayo. Eh ang kaso hindi ko maiwan ang lola Henya mo." Ani niya at hinaplos ang buhok ko.

"Kumusta na po pala si lolo at lola doon? Hindi po ba sila nahihirapan?" Tanong ko sa kanya at kumalas sa yakap niya.

"Naku! Iyang lola mo panay ang banggit sa pangalan mo. Tapos si lolo mo naman pinapauwi ka na. Ang sabi ko naman, hindi pa pwede kase nag-aaral ka at hindi ka pwedeng lumiban sa klase mo." Napakadaldal talaga nitong si tita.

Napangiti ako bigla. Sila lang talaga yung inspirasyon ko sa pag-aaral. Sila yung nakapagpa wala ng pagod ko. Kase pinapakita at pinaparamdam nila sa akin na mahal nila ako, at importante ako sa kanila. Kaya nga mahal na mahal ko rin sila eh.

"Naku ikaw talagang bata ka! Magbihis ka nga doon para hindi matuyo iyang pawis mo sa likod." Biglang asik ni tita.

Napaka maalaga ni tita pagdating sa akin. Ayaw niyang nililipasan ako ng gutom, at ayaw niya ring pinagpapawisan ako. Palagi niya akong ipinagluluto ng masarap na pagkain, kaya palagi rin akong busog kapag siya ang kasama ko.

"Kung nandito pa ang mama mo, magagalit yon sayo. Eh maski lamok nga, hindi niya hahayaang dumapo sayo." Sabi ni tita habang nagluluto sa kusina.

Totoo ang sinabi niya. Napaka maalaga rin ni mama saken, at ayaw niya ring nagkakasakit ako. Kaya nga hanggang ngayon hindi ko matanggap na wala na siya. Namatay kase siya sa sakit sa puso.

" Miss na miss ko na nga po siya eh." Malungkot na sambit ko.

"Aba! Bakit? Nandito naman ako ah! Hindi ka ba masaya na nagkaroon ka ng maganda, sexy at mabait na tita?" Nagtatampo kunwaring asik ni tita Hally.

Natawa naman ako sa kanya. "Siyempre kontento po. Namimiss ko lang talaga si mama,pero masaya naman ako. Kase nandito naman kayo nina lolo at lola." Nakangiti munit madamdaming sabi ko.

Kahit anong mangyari. Hindi ko ipagpapalit sa kahit na anong bagay ang pamilya ko. Kase hindi ko alam kung paanong mabuhay ng wala sila sa tabi ko. Mawala na ang lahat sa akin wag lang ang pamilya ko.

Nagdaldalan pa kami ni tita bago siya umalis. Kailangan niya pa raw kaseng puntahan sina lolo at lola. Nakaramdam naman ako ng awa kay tita. Kase tinitiis niya ang mahabaang byahe para lang alagaan ako at sina lola. Kaya nga gusto ko talagang makapagtapos nang sa ganon naman, ay hindi masayang ang lahat ng pinaghirapan ni tita. Gusto kong gantihan ang kabutihang nagawa sa akin ni tita.

"Ingat ka tita." Mahinang Saad ko.

"Oo sige. Ikaw wag kang magpapagutom ha?" Nakangiting saad niya rin sa akin.

Tiananaw ko pa ang pag-alis niya at malungkot na bumalik sa kwarto ko. Kalauna'y napangiti na rin ako nang makita ang niluto niya para saken. Lahat ng iyon ay paborito ko.

Kontento ako sa kung anong meron ako ngayon. Sobra-sobra pa nga eh.
Wala akong pakialam kung lumaki o lalaki pa akong walang tatay. Dahil nandito naman si tita Hally, ang nagsilbing nanay at tatay ko. Hindi mapapantayan ng kahit na sino ang sakripisyong ginawa niya para sa amin. Sa akin. Nandito rin naman ang lolo at lola ko, mahal na mahal din naman ako ng mga ngayon.

Matapos kong kumain ay nagpasya akong lumabas muna para gumala mag-isa. Ngunit paglabas ko natananawan ko sa di kalayuan si Prof. Devon. May kasama siyang babae, maganda at maputi. Para siyang anghel kung titingnan.

Hindi ko alam kung bakit may bahagyang kumirot sa dibdib ko, nang makita kung ngitian ng babae si Prof. Devon. Pagkatapos ay yumakap pa siya rito, at hinalikan siya sa pisngi bago nagpaalam.

Iyon ba yata yung girlfriend niya!

Aksidenteng tumama ang paningin ko sa salamin ng kotse,at doon nakita ko ang kabuuan ko.

Napabuntong hininga ako at sumulyap ng kaunti sa babaeng papalayo na. Matapos ay tumingin ako sa suot ko.

Masyado siyang maganda. Samantalang ako heto at nagmumukha nang barbecue stick. Walang wala akong panama sa kanya.



Professor's Crush Where stories live. Discover now