KABANATA 30

1.7K 52 1
                                    


PATRICIA

"Hoy Patricia sa'n ka ba galing kanina? Nag-discuss yung bago nating  professor kanina at sabi niya pa na may magaganap na recitation tomorrow." Ani sa akin ni Miggy habang si Ivan naman ay binigyan ako ng silyang mauupuan.

Tapos na ang klase nang lumabas ako sa cr. Nang pumunta din ako sa classroom ay wala na akong taong nadtnan doon. Dito na lamang ako dumiretso sa  sa cafeteria dahil alam kong nandito sila.

"Nag cr, tinawag kase ako ng kalikasan eh." Pagsisinungaling ko.

"Ang tagal mo namang umihi girl, 45 minutes talaga?" Muli akong napalingon kay Miggy nang magsalita na naman ito. Medyo napahiya ako pero agad din namang nakasagot.

"A-Ah kase yung zipper ng pantalon ko kanina ay nagloko." Gusto kong matawa dahil sa kasinungalingang dahilan ko.

"Huh? Paanong nagloko?" Si Dimple

"Bigla ay ayaw niyang sumara, doon ko lang napansin naipit pala sa tela kaya ayun pahirapan ako sa pagtanggal." Minsan talaga ay ang sarap palakpakan ng sarili ko. Masasabi kong ang galing kong magdahilan dahil napaniwala naman sila.

"Ahh, naku ganyan din ang sa akin. Kaya nga nagpa palda nalang ako kase ilang beses nangyari sa zipper ko iyan." Si Dimple ulit na ngumiwi pa.

"Uyy yung birthday party ni Miggy huwag niyong kalimutan." Biglang sabat ni Ivan kaya nabaling ang tingin namin sa kaniya.

"Anong party? Simpleng salo-salo lang naman. Hindi kami mayamang katulad niyo para sa party!" Sagot Miggy sa kaniya.

"Naku dadaan muna ako sa mall. Bibili muna ako ng regalo mo." Pumapalakpak na turan naman ni Dimple. Nakita ko ang pasimpleng paglingon at pagngiti ni Miggy.  Muli namang nabaling nang marinig ko ang pagmamaktol ni Ivan.

"Eh pa'no naman kung birthday ko? Bibilhan mo rin ba ako ng regalo?" Nakanguso niyang sabi.

"Aba'y kailangan talagang umiksena ka 'no?" Mataray na angil ni Miggy.
Napailing nalang ako. Tsk! Seloso.

"Kung meron ka, meron din dapat ako. Ikaw lang ba ang kaibigan ni Dimple? Ako din naman ah!" Singhal naman ni Ivan.

Napabuntong hininga na lamang ako at hindi sinasadyang mapabaling ang tingin sa taong nasa kabilang table. It was Devon together with Ms. Marisse.
Hindi ko maiwasang mainis sa babaeng guro nang makita kung paanong niyang padausdusin ang kamay niya sa braso ni Devon.
Hindi ba siya nahihiya? Skwelahan 'to, cafeteria pa. Alm niyang maraming nakatingin pinagpapatuloy niya pa rin ang paglalandi niya.

Mabilis akong umiwas ng tingin sa kanila bago pa ako makita ni Devon. Baka kung anong isipin niya. Baka isipin niyang nagseselos ako dahil magkasama sila. Hindi no! Seriously Patricia?

"Patricia hindi mo ginagalaw ang pagkain mo. Hindi ka ba nagugutom?" Tanong ni Dimple,kaya napatingin ako sa pagkain ko. Spaghetti, sandwich, fried chicken at dalawang softdrinks. Kahit katiting lang ay wala akong nakain.

"A-ah nawala kasi yung gana ko bigla eh. Kanina ay nagutom ako ngayon hindi na." Sabi ko dahil iyon naman ang totoo. Nagliwanag ang mata ni Dimple, at hindi na ako naghintay pang hingiin niya ang pagkain. Ibinigay ko na sa kaniya lahat dahil alam kong matakaw siya.

"Thankyou!" Masaya niyang sabi at nilantakan ang pagkaing ibinigay ko. Panay ang bungisngis niya habang ngumunguya.

Muli ay pasimple kong nilingon ang table nina Ms. Marisse at Devon. At ganoon nalang ang pagka dismaya ko nang makitang nakangiti sila sa isa't-isa. Para akong tinutusok ng karayom sa puso habang nakatingin lamang sa kanila.

Professor's Crush Where stories live. Discover now