KABANATA 21

1.9K 79 8
                                    

PATRICIA

Sinadya kong gumising ng maaga kinabukasan upang mapakapag handa ng pagkain. Tulog na tulog pa si Hazel, marahil ay nang dahil iyon sa walang tigil niyang pag-iyak kagabi.

Hindi ko alam kong anong nararamdaman ko ngayon. Kung matutuwa ba ako dahil sa katotohanang inamin na sa akin ni prof. Devon na gusto niya ako, o malulungkot sa katotohanang may dalawang taong nasasaktan ngayon nang dahil sa'kin.

Si Kleinthon ay hindi ko pa nakakausap mula noong umamin siya. Ngunit alam ko na nasasaktan siya dahil alam niyang si prof. Devon ang gusto ko at hindi siya.

Si Hazel naman, alam kong mahal na mahal pa niya si Kleinthon. Dahil hindi niya ito iiyakan kung hindi na.
Bakit kailanga'ng magsabay sabay lahat ng ito? Ano ang uunahin ko?

Habang nagluluto ay hindi ko maiwasang maisip lahat ng pinag-usapan namin ni prof. Devon kahapon.

" Kaya kong kalimutan ang reputasyon ko at mas lalong kaya kong bawiin lahat ng desisyon ko para sa'yo. Please! Believe me, I think I..............already love you!"

Napangiti ako bigla nang biglang sumagi sa isip ko yung sinabi niya. It sounds sweet, at sana lang kaya ko ring sabihin kung gaanong nalulusaw ang puso ko dahil sa simpleng salita niya. Marinig ko nga lang ang boses niya ay lumalakas ang tibok ng puso ko, paano pa kaya yung sinabi niyang mahal niya ako.

"Mahal na mahal din kita." Wala sa sariling bulong ko.

"Sinong mahal mo?"

O_O

Kabado akong lumingon sa likuran ko nang marinig ang boses ni tita Hally. Hindi ko alam kung paanong nakapasok siya nang wala man lang akong narinig na tunog galing sa pintuan.

"T-Tita?" Kabadong anas ko.

"Sino ang mahal mo Patricia?" Seryosong tanong niya.

Bigla akong napipi, nawalan ng sasabihin. Nitong mga nakaraan lang ay pinaalalahanan niya akong wag munang makipag relasyon. Ngayon ay narito siya at sigurado akong hindi niya nagustuhan ang narinig niya.

"Hindi mo naman nakakalimutan ang bilin ko hindi ba?" Tanong niya.

"Tita wala naman po akong nobyo-----

"Pero may nagugustuhan ka? May manliligaw ka rin diba?"

Gusto kong isiping si Hazel ang nagsabi kay tita, tungkol doon kay Kleinthon pero baka nagkakamali lang ako. Ayoko rin namang mag-away kami.

"T-Tita......" Mahinang usal ko. Isang malalim at mabigat na hininga ang pinakawalan niya.

"Patricia wag mo sanang isipin na pinagbabawalan kita sa kung anong gusto at ikasasaya mo pero......... Ayokong matulad ka sa mama mo." Mahinahon niyang sabi, natigilan at napatitig ako sa kanya.

Alam rin niya ang tungkol sa amin ni prof. Devon!

"Pinasunod ko si Hazel dito para-----

"Pinababantayan niyo ho ba ako tita?" Pigil ko kay tita,natitigilan siyang tumitig sa akin. "Wala ho ba kayong tiwala sa'kin? Sa paningin niyo ay magiging katulad ako ng mama ko?" Sambit ko at namalayan ko nalang yakap na niya ako. Namasa ang mata ko sa hindi malamang dahilan. Basta ang alam ko lang....Nasasaktan ako.

"Hindi gan'on yun anak! Hindi ko lang gustong masaktan ka." Hinagod niya ang likod ko para patahanin. Bumitaw ako sa yakap niya.

"Alam ko naman ho 'yun tita. Pero sana naman po wag niyo po akong pag-isipan ng masama. Napag-isip isip ko na rin po na ayos lang kung matulad ako kay mama. Hindi alam ni mama na may asawa na yung taong mahal niya. At kung gano'n din po yung magiging kapalaran ko ay buong puso ko po iyong tatanggapin." Humihikbing anas ko.

"Patricia...." Sambit ni tita,bakas sa mukha ang pag-aalala.

"Wag niyo ho sanang iparamdam sa'kin na mahina ako tita, na wala akong alam tungkol sa mga bagay bagay. 17 na po ako at kahit na napakabata ko pa sa paningin niyo, alam ko ho ang ginagawa ko. Minsan na po akong nasaktan at natatakot na sumugal muli dahil takot ho akong maulit yung nangyari."

"Ayaw ko rin ho'ng tumulad kay mama pero gusto ko ring maranasan kung paanong maging masaya. Hindi ko naman kayo bibiguin sa pag-abot ng pangarap ko tita. Mahal ko kayo at gustong-gusto ko ho'ng suklian lahat nang sakripisyong ginawa niyo para sa akin. Gusto kong magtiwala kayo sa'kin tita, dahil kayo nalang din ho ang sandalan ko kapag may problema ako." Mahabang saad ko at mabilis na tinalikuran siya upang magtungo sa kwarto ko. Rinig ko pa ang pagtawag sa akin ni tita ngunit tuloy-tuloy lang ako sa paglalakad.

Nakasalubong ko ang nag-aalalang mukha ni Hazel. Marahil ay narinig niya ang lahat, ngunit nilampasan ko lang siya at tuluyang pumasok sa kwarto ko. Doon ko binuhos ang lahat ng sama ng loob ko.

Naiintindihan kong ayaw niya akong masaktan. Pero bakit pakiramdam ko napakababa ng tingin niya sa'kin! Dahil ba nasaktan na ako kay Yooki noon?

Ayaw ko rin namang maulit iyon....

----------------

Tulog ako ngunit gising ang diwa ko. Nakapikit ang mata ko ngunit rinig ko ang kaluskos sa paligid. Naramdaman kong medyo bumaba ang kanang bahagi ng kama ko, senyales na may umupo roon.

"Patty!" Tinig iyon ni tita. Hinaplos niya ang pisnge ko,ngunit nanatili lamang akong nakapikit.

"Naiintindihan ko ang sama ng loob mo sa'kin. Pero sana naman huwag nang tumagal pa ito,kase anak hindi ko kakayanin. Alam kong nasaktan kita sa mga nasabi ko kanina, hindi ko dapat iyon sinabi. Natatakot lang akong masaktan ka ulit anak, kaya kita pinipigilang makipag relasyon ulit. Pero sana huwag mong isipin na wala akong tiwala sa'yo. Nasabi ko sa iyong ayaw kong matulad ka sa mama mo at totoo iyon. Saksi ako kung gaano siyang nahirapan noon dahil sa nabunyag na katotohanan ng tatay mo. "

"Hindi ko halos matingan noon yung mama mo. At ngayon ayokong alisin ang paningin ko sa iyo,dahil ayokong bumalik ang sakit mo sa puso....."
Hinaplos muli ni tita ang pisnge ko at saka ako iniwan.

Napamulat ako at napabangon, nabibigla akong napahawak sa bandang dibdib ko. Hindi ko alam kung bakit bigla nalang akong naluha.

M-May sakit ako sa puso? Nakuha ko ang sakit sa puso ni mama? Mamamatay din ba ako?

Happy Reading!
Follow @lealezep for you
to be updated......


Professor's Crush Where stories live. Discover now