KABANATA 28

1.7K 63 4
                                    

PATRICIA

Marahan kong pinunasan ang mga luha ko habang nagmamaneho pa si Ted para di niya mapansin.

"Ingat ka Ted." Sinikap kong huwag lumamya ang tinig ko upang hindi isipin ni Ted na hindi ako nag-enjoy sa lakad namin.  Ginulo niya ang aking buhok at ngumiti ng matamis.

"Sige kita nalang tayo bukas. Matulog ka ng maaga!" Habilin niya bago umalis.

Pumasok ako sa bahay at malamyang naglakad papasok sa kwarto ko. Tahimik ang bahay dahil wala pa sina lola, marahil ay nasa bukid. Ibinagsak ko ang sarili ko sa kama at sinulyapan ang Bintana. Hindi ko akalaing nakita ko siya.

Gusto kong lapitan  siya kanina ngunit ukopado ang kalsada. Gusto kong lapitan siya upang yakapin pero bakit hindi ako nakagalaw kanina?
Hindi ko malimutan ang mga luhang kumawala sa mga mata niya habang nakatanaw sa akin.

Para akong tanga'ng nakatulala sa kawalan. Iniisip kong paano ko siya makikita ulit, kung paano kong ipapaliwanag ang pag-alis ko.
Matalino siya kaya alam ko na alam niyang hindi lang ang nangyari sa kanila ni Hannah ang dahilan ng pag-alis ko.

Paano kapag nakaharap ko siya ulit? Paano kung nagalit siya sa akin?

--------------

"Napapadalas na yata ang pagyayaya mo sakin doon sa steak house ah? Sabi ko na nga ba't magugustuhan mo rin iyon Patty eh. Ang astig talaga ng taste ko." Turan ni Ted habang nagmamaneho papuntang steak house.

Gusto kong makonsensya dahil ang totoo, niyayaya ko siyang pumunta sa steak house para madaanan namin ulit  ang coffee shop. Nagbabaka sakali kase akong makita ko si Devon ulit doon. Umaasa rin ako na makausap ko siya at mapaliwanagan.

Pero hindi nangyari ang inaasahan ko. Paulit-ulit kong niyayaya si Ted pero paulit-ulit din akong nabibigo. Sa araw-araw na pagdaan namin sa coffee shop, ay wala maski anino ni Devon doon. Pero kahit ganoon ay sinubukan ko pa rin ng sinubukan. Para hindi na rin magtaka si Ted, pumupunta ako mag-isa doon, hanggang sa umabot na sa bandang napagod ako. Sumuko ako at huminto kakapunta doon.

"Anong problema mo Patty? First week of school palang ay nakarinig akong nagcutting ka raw?" Kunot noong tanong ni Ted habang nasa hapag kami. Nag-angat ako ng tingin sa kaniya pagkuwa'y umiwas din.

"Pumunta ka ulit sa coffee shop hindi ba?"  Natigilan akong napatitig sa kaniya. Bumuntong hininga naman siya bago nagsalita ulit.
"Kasal na si Yooki Patty, tigilan mo na masasaktan ka lang ng paulit-ulit."
Aniya, kaya mabilis kong inilapag ang tinidor ko.

"Hindi si Yooki ang ipinunta ko doon Ted. Matagal na akong naka move-on sa kaniya, nasa Manila palang ako." Natigilan naman siya sa sinabi ko.

"Huh? Eh sino? Alangan naman yung matabang may-ari ng coffee shop? Naku, malala na yata iyang puso mo at pati mata mo ay naapektuhan." Umiiling niyang sabi, binatukan ko naman siya.

"Arrray!" Singhal niya.

"Sira! Ibang tao ang ipinunta ko doon. Bska kase sakaling bumalik siya doon ay makausap ko siya kaso wala." Mapait kong ani.

"Sino ba 'yan?" Usisa niya.

"Sa akin nalang muna iyon." Saad ko at tumango-tango naman siya.

"Okay..... Nga pala simula ngayon ay bawal ka nang um-absent, nagkakaintindihan ba tayo?" Tinanguan ko lang siya bilang tugon.

"Good." aniya at nagpatuloy sa pagkain.

------------------

It's been two weeks simula noong huli kaming nagkausap ni Ted. Madalang nalang kase kaming magkita dahil 2nd year siya at ako naman aya 1st year of college. Pareho kaming busy kaya walang time makapag-usap. Iyon na din ang huling dalaw ko doon sa coffee shop, hindi na ako umulit pa dahil ayaw kong mabigo ulit na makita siya.

Professor's Crush Where stories live. Discover now