"Patty, halika na at baka mahuli tayo sa orientation." Pinagbuksan ako ni Ted at inalalayang maupo sa front seat. Napangiwi ako sa pagiging gentlemen niya, paniguradong swerte ang magiging girlfriend niya.
"Wala ka pa bang nobya Ted?" Tanong ko sa kaniya sa kalagitnaan ng biyahe.
"M-hmm, ayoko wala akong oras para riyan." Saad niya habang ang paningin ay nasa unahan. Hindi na ulit ako nagtanong dahil nakafocus siya sa pagmamaneho.
"Novelochi College of the Philippines." Basa ko habang nakatingin sa malalaking building. Napakaganda ng papasukan kong school.
"Angganda diba? Dito tayo sabay na papasok palagi. Magkaiba ang building natin pero palagi pa rin tayong magkikita." Nakangiting ani sa akin ni Ted.
Muli kong pinagmasdan ang mga naglalakihang gusali ng paaralan. Hindi ko akalaing may ganito pala ka sosyal na paaralan dito bayan namin. Mariin akong pumikit. Pakiramdam ko ay ito na ang bagong simula para sa akin. Ilang buwan akong nagkukulong lang sa kwarto dahil sa paulut-ulit na pag-atake ng sakit ko. Pero ngayon, nandito ako sa harap ng papasukan kong paaralan. Napaka sarap lang sa pakiramdam na...... Matutupad ko na ang pangarap ko. Masusuklian ko na ang lahat ng paghihirap sa akin ng pamilya ko.
"Good morning everyone! My name is David brown. I'm a professor of five courses. I'm going to orient all of you now of what we will be doing for the whole year." Anunsyo ng lalaking may katangkaran at sumisigaw ng kagwapuhan. Naka suot siya ng salamin at bagay na bagay sa kaniya ang apelyido niya. 'Brown' umakma ito sa kulay niya.
"Remember this is first year of college. Kung ano man ang nakaugalian niyo sa high school ay magbabago na ngayong college. College subjects and courses might be hard but I suggest to all of you, do your best to get a high grades. Do everything for you to get a very stable job in the future." Ani niya nang may seryosong mukha.
"Do not be lazy." Anas niya. Napatingin naman ako ng bahagya sa mga estudyante na nakikinig. Pawang nakaharap ang mga muka nila sa harap kaya iyon nalang din ang ginawa ko.
"Ang pagiging tamad ay kawalan ng interes. Kung tatamad-tamad kayo, ibig sabihin no'n ay wala kayong interes sa kinabukasan niyo." Dagdag na ani ni Mr. Brown, walang nagsalita o umangal dahil totoo naman ang sinabi niya.
Marami pa ang inanunsyo at pinaalala sa amin ni Mr. Brown bago kami pinakawalan. Dalawang oras din ang itinagal ng orientation kaya medyo kumalam ang tiyan ko sa gutom.
Agad kong iginala ang paningin ko sa building ng mga 2nd year college para hanapin si Ted, pero bigo ako hindi ko siya nakita. Napabuntong hininga ako at napagpasyahang maghintay nalang sa gate.
5 minutes na ang nakalipas pero wala pa ring Ted na lumabas. May nakita akong nagtitinda ng fishball kaya doon ako pumunta. Hindi naman iyon malayo sa school kaya tumuloy ako doon dahil nagugutom na talaga ako.
"Ate magkano ho?" Patungkol ko sa fishball.
"Dalawang piso kada isa ija." Sagot ng tindera na tinanguan ko lang. Tutuhog na sana ako nang mabitawan ko folder. Inipit ko lang ito sa siko ko kaya medyo nadulas at nahulog.
Yumuko ako para kunin iyon ngunit naunahan ako ng lalaki. Nang mag-angat siya ng tingin sa akin ay nagulat ako nang mapagtanto kung sino ito. Ganoon din siya, natitigilan at nagugulat din akong tiningnan.
"P-Patricia?" Hindi makapaniwalang usal niya. Nakabawi ako sa gulat kaya agad ko siyang nginitian.
"Yooki......" Mahinang sambit ko sa pangalan niya. "It's been a long time."
"Anong ginagawa mo rito? Nasa Manila ka diba?" Naguguluhan niyang sambit.
"Mahabang kwento eh. Kumusta ka na?" Turan ko at ipinagpatuloy ang pagtusok ng fishball. "Kain ka." Alok ko sa kaniya.
YOU ARE READING
Professor's Crush
RandomPatricia Solmayor. A woman who doesn't care about the world especially in love. For her, it is better to live without love. But her perspective changed when she met her professor. Sometimes there's a strange to her feelings, especially when she lo...