PATRICIA
Marahan kong iminulat ang mata ko pero pulos itim pa rin ang nakikita ko. Muli akong pumikit, dahan-dahan muling nagmulat at sa pagkakataong ito ay mayroon na akong liwanag na nakikita.
"G-Gising na siya lola!" Napangiti ako nang marinig ang tinig na iyon. Kahit nakakarindi iyon sa tenga masarap iyon sa pakiramdam dahil kay Hazel nanggaling 'yun.
Inilinga ko ang mata ko at doon ko napagtantong nasa hospital ako. May kung ano-anong nakakabit sa kamay at sa bandang ilong ko at hindi ko matukoy kung ano iyon. Wala naman akong alam sa mga gamit sa hospital eh.
"Apo, huwag ka munang gumalaw makakasama iyon sa'yo." Nginitian ko si lola nang sabihin niya iyon.
"Ayos lang ako lola." Mahina kong sabi. Tuyong-tuyo ang lalamunan ko, naramdaman ko na rin ang pangangati nito.
"Uminom ka ng tubig insan para mabasa naman ang lalamunan mo. Dalawang linggo ka nang nakahilata diyan sigurado akong nauuhaw ka na."
Gulat akong napatingin kay Hazel nang sabihin niya 'yun. Dalawang linggo? Ang akala ko ay isang araw lang akong nakatulog, umabot pala ng dalawang linggo.
"Si Gorman ay hindi ko muna hinayaang pumunta rito-----
"Hindi ko siya hinahanap tita."
Napabuntong hininga si tita nang putulin ko ang sasabihin niya. Mayroon siyang inilapag na plastic bag sa mesang malapit sa'kin at alam ko na agad na pagkain iyon."Kumain ka na muna, para magkaroon ka ng kahit kaunting lakas." Wika niya at isa-isang inilapag ang mga pagkain. Isa-isa ko iyong tiningnan, paborito ko lahat nang yun.
Hinanap ng mata ko si Ted ngunit wala siya, ganoon din si lolo. "Nasaan si lolo at si Ted?"
"Nasa labas apo, kausap ang doktor." Si lola ang sumagot sa'kin.
Hindi ko alam pero may napapansin ako sa kanila. Paranoid lang ba ako o sadyang tama ang nakikita ko. Malulungkot ang mga mukha nila na para bang may malaki silang problema. Hindi ba dapat maging masaya sila dahil gising na ako?
Bumukas ang pintuan at iniluwa no'n si Ted kasunod niya si lolo. Nagulat pa sila nang makitang gising na ako, kalaunan ay ngumiti rin sila pero halatang pilit lamang 'yun.
"Anong sabi ni Doctor Fe?" Tanong ni tita kay Ted. Hindi siya sinagot ni Ted bagkus ay tumingin ito sa' kin.
"Kumain ka na hindi mo ginagalaw ang pagkain mo. Kailangan mong lumakas para makapasok ka na sa lunes. Maraming schoolworks ang hindi mo naipasa kaya kailangan mong humabol." Ngumiti ako kay Ted pero agad ding nawala nang mapansing hindi niya ito tinugunan.
"M-May problema ba?" Tanong ko sa kanilang lahat. Natigilan si tita maging si Hazel at lola. Si Ted naman at si lolo ay bumuntong hininga nang magkatinginan.
"W-Wala naman insan. Kumain ka na muna binili ni tita yung paborito mong hipon na paksiw." Maraming hipon ang inilagay ni Hazel sa plato ko at marahan iyong binigay sa'kin.
May problema. May malaking problema sila pero ayaw nilang sabihin sa'kin. Naiintindihan ko naman 'yun, baka ayaw nila akong mag-alala kaya ayaw nilang sabihin.
Kumain ako ng tahimik habang sina lola at insan ay nakatingin lang sa' kin. May-maya pa ay tinawag sila ni tita sa labas kaya nagpaalam sila sa'kin.
Curiosity kills me kaya dahan dahan akong tumayo mula sa hospital bed ko. Kahit nanghihina pa ako ay narating ko ang pintuan na bahagyang nakaawang. Doon nakita ko sila kausap ang doktor,lahat sila ay namomroblema ang mukha.
"As soon as possible, you need to find a heart donor. Her heart is very weak now. She didn't feel it because of the medicine she takes, pero durog na durog na ang puso niya sa loob. Kung hindi kayo makakahanap ng heart donor, it will cause fatal that may lead to death."
YOU ARE READING
Professor's Crush
RandomPatricia Solmayor. A woman who doesn't care about the world especially in love. For her, it is better to live without love. But her perspective changed when she met her professor. Sometimes there's a strange to her feelings, especially when she lo...