PATRICIA"M-May problema h-ho ulit Doc?" Pag-uulit ko sa kaniya. Nagulat naman ako nang umiling siya at ngumiti sa akin.
"Hindi, hindi iyon! Gusto kitang makausap dahil according sa mga check-up test ko sa'yo, medyo gumaan ang problema sa puso mo." Galak niyang paliwanag na nagpatigil sa akin.
"H-Ho?" Hindi makapaniwalang usal ko.
"Ms. Solmayor. Nalulungkot ako noong nalaman kong medyo lumala ang sakit mo sa puso. Bilang doktor, masakit rin sa amin na malamang nahihirapan ang pasenste namin. Para kase sa amin ay walang silbi ang pagiging propesyonal na manggamot namin kung mas lumalala lang ang sakit ng pasyente namin." Marahan siyang bumuntong hininga na kalaunan ay napalitan ng matamis at galak na ngiti.
"Halos siyam na buwan kang pinahirapan ng sakit mo Ms. Solmayor. Ngayon ikinagagalak kong sabihin sayo ang resulta ng check-up mo noong isang araw lang." Huminto muna siya at saka binuklat ang folder na hawak niya.
"Malala at halos naisipan ko nang sabihin sa'yo na maghanap ka ng heart donor. But it looks like there's a miracle happen, dininig ng Diyos ang dasal natin Ms. Solmayor. Nakitaan ng pag-asa ang puso mo......... But Ms. Solmayor please! Nakikiusap ako sa iyong sundin lahat ng sasabihin ko sa iyo. Lahat ng irereseta kong gamot ay iinumin mo at kailangang regular ang pagpa-pacheck up mo. Walang labis at walang kulang, sundin mo ang natitirang pag-asa mo." Mariin niyang sabi. Napatango ako at halos hindi maitago ang tuwa, ngunit kailangan ko iyong pigilan dahil bawal maghalo-halo ang emosyon ko.
Marami siyang ibinilin sa akin. Tatlong reseta at kailangan kong inumin iyon sa tamang oras. Tatlong reseta lang ngunit napakamahal. Pero bahala na, ang importante ay ito ang magpapalakas sa puso ko. Ang tatlong reseta na iyon ay may iba't- ibang gamot.
Panay ang pasasalamat ko sa kaniya. Kung hindi dahil sa kaniya ay marahil matagal na akong pinaglalamayan o di kaya'y nakaburol na. Siya ang doktor na hindi kailanman sumuko sa akin."Oh maaga kang umuwi, kumusta ang check-up mo?"
0_0
Nagulat ako nang si lolo ang bumungad sa akin. Tatlong araw kaming hindi nagkibuan dahil nasigawan ko siya. Alanganin man ay sinagot ko si lolo.
"O-Opo......" Ngumiti siya at ginulo ang aking buhok.
"May sakit ka at pabago-bago ang emosyon mo. Ako dapat ang nakakaintindi sa'yo. Pasensya na apo, dahil imbes na intindihin kita ay pinairal ko ang sama ng loob ko." Nangilid ang luha ko dahil sa sinabi ni lolo. Agad akong yumakap sa kaniya ng napaka higpit.
"Pasensya na po lolo. Hindi ko po sinasadyang sigawan kayo." Mahinang tinapik-tapik ni lolo ang aking likuran at bahagyang ginulo ang buhok ko.
"Halika't dalhan natin ng pananghalian ang lola mo." Ininiabot sa akin ni lolo ang isang basket na may katamtamang laki, dala naman niya ay medyo malaki at puno.
Nang makarating kami sa bukid ay nagugulat kaming tiningnan ni lola.
"A-Anong? Diyos ko po bakit mo isinama ang apo mo rito Antonio?""Isinama ko siya dahil maiiwan na naman siyang mag-isa. Pat-pat halika't ilapag mo na yan dito." Nakangiti at tuwang-tuwa pang tawag sa akin ni lolo. Nakangiti akong sumunod, bagay na ikinagulat ni lola.
"Pa-pat......? Tama ba itong nakikita ko?" Niyakap ko si lola, bago ibinigay sa kaniya ang folder ng check-up result ko. Nagugulat niya akong tiningnan matapos niyang basahin ito.
"Diyos ko po maraming salamat! Himala ba ito? Antonio basahin mo nga ito...." Kinuha naman ni lolo ang folder atsaka nagugulat rin akong tiningnan.
"Maayos na ang puso mo?" Gulat man ay nakikita ko ang saya sa mga mata nilang dalawa.
YOU ARE READING
Professor's Crush
RandomPatricia Solmayor. A woman who doesn't care about the world especially in love. For her, it is better to live without love. But her perspective changed when she met her professor. Sometimes there's a strange to her feelings, especially when she lo...