PATRICIA
Napahawak ako sa dibdib ko nang kumirot ito. Agad akong dinaluhan ni Devon nang mawalan ako ng balanse, sinalo niya 'ko. Ngayon hindi lang kirot kundi matinding sakit na ang nararamdaman ko. "Ahh a-aray!" Daing ko nang mas lalong lumala ito.
"Hey what's wrong? I'll take you to the hospital!" Sa boses niya ay nag-aalala siya. Hindi ko na masyadong nakita ang mukha niya dahil hinang hina na ako, namalayan ko nalang na umangat na 'ko.
Buhat buhat niya 'ko hanggang sa parking lot at isinakay sa kotse niya. Sumakay na rin siya at mabilis na pinaandar ang kotse. Hanggang sa makarating kami sa hospital ay dumadaing pa rin ako sa sakit. Bumaba siya at muli akong binuhat dahil hindi ko na rin kayang maglakad mag-isa dala ng panghihina.
"Nurse!" Sigaw niya habang tumatakbo. Naalarma ang mga nurse at mayroon na ring lumapit na doktor. Tinurukan nila 'ko ng kung ano kaya hindi ko na namalayan ang sumunod na nangyari dahil nilamon na 'ko ng antok.
----------
Nagising ako at katulad nung nakaraan, ganoon pa rin ang bumaungad sa' kin. Pulos itim kaya muli akong pumikit at sumubok muling nagmulat. Nang unti-unti nang luminaw ang mata ko lumingon kaagad ako sa bandang gilid ko. Naroon si Devon, seryoso ang mukhang nakatingin sa'kin.
"Glad you're awake." Wika niya, pero walang nakuhang tugon sa'kin. Hindi ko pa yata kayang magsalita.
Alam na niya ang tungkol sa sakit ko....
Sinubukan kong tumayo pero nanghihina pa rin ako. Kumilos siya at tumayo papunta sa gawi ko saka ako tinulungang bumangon. Inabutan niya ako ng mineral water at siya na rin mismo ang nagbukas nun.
"S-Salamat..." Sambit ko.
Tahimik siya at nakatayo lang sa gilid ko. Malalim ang iniisip. Medyo nailang pa 'ko dahil nakatingin lang siya sa' kin nang hindi nagsasalita. Tumikhim ako tiningnan siya pabalik kaya nagtama ang paningin namin.
"Ano ang iniisip mo?" Tanong ko sa kaniya.
"Why you didn't tell me." Matagal bago siya sumagot. Umiwas ako ng tingin ngumiti ng matabang.
"Bakit hindi mo tanungin sarili mo?" Mahina ngunit sarkastiko kung sabi.
Nanatili naman siyang tahimik kaya nagpatuloy ako."Ilang beses kong tinangkang sabihin sa iyo pero umiiwas ka. Ilang beses akong sumubok muli pero sinasabi mo na wala kang pakialam sa kung anong rason ko. Dahil paulit-ulit na 'kong nabibigo, hindi na ako nag-abala pa. Kase nga........wala ka nang pakialam" Dagdag ko. Nakita kong napakuyom ang kamao niya pero wala siyang sinsabi.
"Totoong nagalit ako sa' yo nung nalaman kong may nangyari sa inyo ni Hannah. Sino ba namang hindi magagalit kung harap harapan mong nakikita yung taong mahal mo na nakahubad sa kama kasama ang ibang babae. Kahit naman fiancée mo siya no'n, sinabi mong ako ang mahal mo. Manliligaw na kita no'n kaya masakit yun sa'kin...... Pero mahal na mahal kita kaya pinatawad na agad kita no'n."
"You forgave me?" Tanong niya. Tumango ako at ngumiti. "Then why you still left?" Dagdag niya kaya natigilan ako at napaiwas ng tingin.
"Noong panahon na 'yon, alam ko na ang tungkol sa sakit ko. Ang totoo ay hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa' yo. Pumunta ako doon sa unit mo para sana sabihin sa'yo pero nadatnan ko kayo ni Hannah. Ginawa kong excuse yung nangyari para makaalis." Nakangiti kong paliwanag. Nagtiim bagang siya at matalim akong tiningnan.
"Ayokong pati ikaw mahirapan sa sitwasyon ko Von. Kahit hindi ko naman alam kung pipigilan mo 'ko o hindi ayaw ko pa ring malaman mo. Ayoko kong makadagdag sa problema mo." Ani ko.
"Problema?" Takang tanong niya kaya ngumiti ako ulit.
"Sinabi sa' kin ni Hannah." Saad ko kaya umiwas siya ng tingin.
(Flashback)
Naglalakad ako ng wala sa sarili matapos malaman ang resulta ng check-up ko. Nakuha ko ang sakit ni mama at hindi ko alam ang gagawin ko. Natatakot ako sa kung anong pwedeng mangyari sa'kin. Mamatay rin ba ako katulad niya?
"Oh there you are, Patricia. Hello!"
Natigilan ako nang madatnan ko na naman sa labas ng apartment building si Hannah. Ngumiti siya ng matamis sa'kin pero agad din niyang iwinala iyon at tinaliman ako ng tingin."I really hate you. Do you know that? Hadlang ka sa kasal namin ni Devon. Nakakahiya ka, estudyante ka pa lang lumalandi ka na at sa professor mo pa." Mariin niyang sabi kaya umakyat ang init sa ulo ko. Tinaliman ko siya ng tingin at ipinakita sa kaniya kung gaano ako kagalit. Pero hindi man lang siya natinag bagkus nginisihan niya pa 'ko.
"Sumusobra ka na Hannah. Alam kong ikaw ang Fiancée niya, pero hindi ba't sa lagay nating ito ikaw ang nakakahadlang saming dalawa?" Napataas ang kilay niya sa tanong ko.
"Fiancée ka lang Hannah, ako ang mahal niya." Mariin kong sabi. Natigilan siya at muli akong tinaliman ng tingin."You don't how much I love him! Ginawa ko ang lahat para makuha ko siya. Nag-aral ako sa kung saan siya nag-aral para lang makita ko siya araw-araw. Ginaya ko lahat ng mga ginagawa ng naging girlfriend niya para mapansin niya rin ako. Ginawa ko rin ang lahat para paghiwalayin sila. Pero hindi ko aakalaing isang estudyante lang ang makakalaban ko sa puso niya ngayon at ikaw yun! I hate you so much!" Sigaw niya sa'kin. Lumuluha na siya ngayon at kahit galit ako, nakaramdam pa rin ako ng awa para sa kaniya.
"Mahal na mahal ko rin siya Hannah. Gagawin ko ang lahat para manatili siya sa'kin kahit buong mundo pa ang humusga sa'kin wala akong pakialam. Ganoon ko siya kamahal sana maintindihan mo." Malumanay kong sabi sa kaniya. Marahan niyang pinunasan ang mga luha niya at muling tumingin sa'kin.
"Nararamdaman mo lang ba ang iisipin mo? Sa kaniya hindi mo iisipin?" Tanong niya.
"Anong ibig mong sabihin?" Takang tanong ko.
"Akala mo ba tatanggapin niya na ikasal sa'kin kahit hindi niya naman ako mahal kung walang rason? He has a reason why he deal with my dad Patricia." Turan niya.
"A-Anong deal?" Naguguluhan kong sambit.
"Pabagsak na ang kompanya nila. At ang daddy ko lang ang makaktulong para hindi yun tuluyang bumagsak. Kaya nakiusap ako kay dad na ipakasal kami kapalit no'n ang malaking shares na ibibigay ni dad sa kanila. That's why he accept my dad's offer because he loves his family so much." Nakangiti niya pang kwento pero mapait na ngiti iyon.
"I love him so damn much and I don't want him to suffer kaya ko yun hiniling kay dad. Kasi alam ko rin na hindi papayag si dad na magbigay nang walang kapalit. If you continue having a relationship with him, do you think mananatili pa ang shares ng dad ko? Kapag nalaman 'to ni dad, icacancel niya ang kasal at babagsak ang kompanya ng pamilya ni Devon." Seryosong sabi niya sa' kin kaya napayuko ako.
"You need to choose Patricia." Huling sabi niya bago ako nilampasan at iniwan.
Nagmadali akong umakyat sa unit ko at doon umiyak. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Sasabihin ko ba itong tungkol sa sakit ko? Umiling kaagad ako sa naisip.
Malaki ang problema niya ngayon, ayokong dumagdag pa sa iisipin niya.....
(End of flashback)
Ngumiti ako muli ng mapait nang maalala iyon. Katulad ng sinabi ni Hannah namili ako. At pinili kong iwan siya para hindi na siya mahirapan pa ta madagdagan ang kaniyang problema.
"Naiintindihan mo na ba ngayon?" Nakangiting tanong ko sa kaniya.
"Mahal na mahal lang kita kaya pinili kong lumayo at iwan ka."______________________________________
______________________________________
:)
YOU ARE READING
Professor's Crush
RandomPatricia Solmayor. A woman who doesn't care about the world especially in love. For her, it is better to live without love. But her perspective changed when she met her professor. Sometimes there's a strange to her feelings, especially when she lo...