PATRICIA
"Bakit ka lumiban sa klase kahapon Pat-pat?" Tanong ni Ted sa akin habang kumukuha ng kanin. Napatingin ako sa kaniya at pilit na ngumiti. Sabado ngayon kaya walang pasok. Dito pumupunta si Ted sa tuwing walang pasok o wala siyang ginagawa, gusto niya raw kasing malaman kung ano ang pinagkakaabalahan ko sa tuwing walang klase.
"May nangyari lang sa labas at kailangan kong sumama. Kaibiga---kakilala ko kase yun."
"Mmm. Huwag mo nang uulitin 'yun." Maawtoridad niyang sabi. Tumango lang ako dahil alam kong wala akong laban sa kaniya. Kung magaling siya sa skwela at pakikipagdibate, mas magaling siya sa pagiging kuya.
Alam kong gustong magtanong ni Ted sa'kin at sa mga nangyari noong nasa Maynila pa ako. Pero alam ko rin na naiintindihan niya ako kung ayaw ko munang magkwento. Ayaw nila ang ugali ko paminsan-minsan dahil sinasarili ko ang problema ko. Ang nais ko lang naman ay malutas ko ang problema ko nang hindi nakaka perwisyo sa kanila. Alam kong marami silang inaatupag ngayon kaya ayaw kong makadagdag pa sa aasikasuhin nila. Ayaw kong madamay sila sa sarili kong gusot. Maayos ko rin naman ito. Sana nga,maayos ko nang mag-isa sa pagkakataong ito.
"Nakakagutom naman ang amoy ng ulam niyo!"
0_0
Lahat kami ay napatingin sa pinto nang marinig ang boses na iyon. Halos lumuwa ang mata ko sa nakita.
"Hazel?" Ngumiti siyang tumango-tango at naglakad papalapit sa amin.
"Oo ako nga, bakit gulat na gulat ka? Kamukha ko na ba si Angel Locsin?" Napangiwi ako sa sinabi niya. Nang makalapit ako ay sinalubong ko ang yakap niya. "Namimiss kita insan."
"Tsh OA." Natatawa kong hinagod ang likuran niya nang magsimula na siyang umiyak. Kahit kailan napaka OA niya talaga. Inis siyang bumitaw at sinamaan ako ng tingin.
"Bad trip ka!" Singhal niya sa'kin, kalaunan ay natawa rin at muli na naman akong niyakap.
"Ehem! Si lolo at lola rin nandito naghihintay sa yakap mo." Biglang masungit na nagsalita si Ted.
"Oh My God! I'm sorry." Natatawang bumitaw si Hazel sa'kin atsaka isa-isang niyakap sina lolo at lola. "Grabe bumabata ka yata lola! Angganda ganda mo talaga lola, no wonder kung saan ako nagmana." Maarte at proud na ani pa ni Hazel kaya muling napaubo ng peke si Ted.
"Hoyy! Anong inuubo-ubo mo diyan? Maganda naman talaga ako. Sus, gusto mo lang yata ng yakap ko eh! Naku naku come here na at nang maibigay ko na ang kahilingan mo." Akmang lalapit siya kay Ted nang lumayo ito.
"What the hell! Mandiri ka nga sa sarili mo Hazel. Sigurado akong hindi ka pa naliligo, ang bantot!" Animong nandidiri pang ani ni Ted na nakatakip pa sa ilong niya.
"Ang Arteee mo! Naligo ako kahapon kaya okay lang. Naglagay naman ako cologne kaya sigurado akong mabango ako ngayon. Idagdag mo pa ang mamahalin kong dress na nabili ko sa ukay ukay. Oh dzibah! Nagagandahan ka sa'kin ayaw mo lang aminin." Kahit kailan ay napaka putak ng bibig nito. Napadako ang tingin niya sa pagkain at nakangising lumapit sa mesa upang kumuha ng hipon. Nakakadiri kinamay niya pa talaga.
"Mmmmm ang sarap mo talagang magluto lolo! The best ka talaga. Akin na 'to lahat ah?" Natawa nalang si lolo at lola nang makitang nilantakan niya na ang pagkain sa mesa.
Mabilis akong napatingin muli sa pintuan nang pumasok si tita. Emosyonal aiyang ngumiti sa' kin at ganoon din naman ako. Noong nasa Maynila pa kami ay hindi kami ayos. Lumapit siya at niyakap ako ng mahigpit.
Ngunit ang ngiti sa labi ko ay mabilis na napawi nang may dalawang taong huling pumasok sa pintuan.Natahimik ang lahat nang lumapit sa akin ang isa at bigla akong niyakap. Kumuyom ang kamay ko at pilit siyang pinabibitaw sa akin at kita ko naman kung paanong natigilan siya sa ginawa ko.
"Anong ginagawa mo dito? Tita bakit nandito 'to?" Malamig kong tanong kay tita.
"A-Anak." Sambit niya. Nag-aalangan.
"Patty....." Si tita pero hindi ko siya tiningnan. Nanatili lamang ang paningin ko sa magaling kong tatay na nasa harapan ko.
"Anak? Hahahaha tang*na! Anak?" Natatawa akong napamura at hindi makapaniwalang tumingin sa kaniya. Nahagip din ng tingin ko ang asawa niya na may nag-aalangan at nag-aalalang mukha.
"Sino ka para tawagin akong anak? Ni hindi mo nga pinanagutan si mama nung nabuntis mo siya! Sa tuwing nakakasalubong mo 'ko, tinuturing mo 'kong parang hangin lang kahit kilala mo naman talaga ako! Kaya wag mo akong tawaging anak dahil hindi kita ama." Hinihingal kong ani dahil sa galit. Nakita ko kung paanong napuno ng pagsisisi ang mukha niya, pero wala akong pakialam. Lamang na lamang ang galit ko.
"I'm so sorry anak. Natakot lang ako no'n. Gustong-gusto kitang lapitan pero natatakot ako na baka iwanan ako ng asawa ko. But God knows how much I want to tell the whole world na anak kita." Nagsusumamo niyang ani. Muli niyang inabot ang kamay ko pero mabilis ko akong umiwas at umiiling iling sa galit.
"Hah! Bakit naman kita paniniwalaan? Niloko mo si mama! Nag-away kayo ng asawa mo kaya ginawa mong pampalipas oras si mama at binuntis mo pa nang hindi pinapaalam na may asawa ka na!" Muling sigaw ko.
Bigla akong napahawak sa dibdib ko nang biglang sumikip ito. Dahil sa grabeng emosyon ko ay biglang umatake ang sakit ko. Lahat sila ay naalarma, lumapit naman sa'kin si Ted upang saluin ako nang tutumba na sana.
"Diyos ko po! Hally hindi siya pwedeng masobrahan sa emosyon, bumabalik ang sakit niya kapag sumubra ang emosyon niya!" Dali-daling lumapit sa'kin si lola nang may natatarantang mukha.
"L-Lola m-masakit...." Daing ko habang nakahawak pa rin sa dibdib.
"A-Apo dadalhin ka namin sa hospital huwag kang pipikit pakiusap!" Naluluhang saad ni lola. May sinabi pa siyang iba pero hindi ko na iyon marinig ng tama.
Namalayan kong buhat na ako ni Ted at mabilis na gumaya sa labas upang ipasok ako sa kotse.
"Gorman I think it's better for her na hindi ka muna makita. May sakit siya baka kung mapaano siya kapag sumubra pa nang sumubra ang emosyon niya." Dinig kong sabi ng babae pero hindi ko makilala ang boses na iyon.
Ayokong pumikit katulad ng sinabi ni lola pero hindi makayanan ng mata ko. Narinig ko ang pagbusina ng sasakyan bago ako tuluyang lamunin ng kadiliman.
Kadiliman na lubos kong kinakatakutan...
A/N: Hello everyone! Sorry for the late update..☺️✌️Madami kasing modules and also dinala ni mama yung phone kaya wala akong magamit. Hope you understand!
YOU ARE READING
Professor's Crush
RandomPatricia Solmayor. A woman who doesn't care about the world especially in love. For her, it is better to live without love. But her perspective changed when she met her professor. Sometimes there's a strange to her feelings, especially when she lo...