KABANATA 11( Meet His Mom)

2.1K 107 6
                                    

PATRICIA

"Your ex's wedding will be next day right?" Basag ni prof. sa katahimikan.
Napatingin naman ako sa kanya at tumango.

"Pano mo po alam?" Tanong ko at bahagyang nginuya ang kinain kong pizza.

"I'm invited." Simpleng sagot niya na ikinagulat ko.

"Ha? Magkakilala po kayo?" Takang tanong ko. Bigla naman siyang napapikit bigla. May mali ba sa sinabi ko?

"Will you please stop calling me po? My name is Devon not po. And besides nasa labas tayo ng paaralan, kapag nasa labas tayo pwede mo kong tawagin sa kung anong gusto mong itawag sa'kin. Just don't call me prof or po, nakakatanda masyado." Wow! Ngayon ko lang yata siya narinig na nagsalita ng mahaba.

Tumango-tango ako."Sige tatawagin kitang Kulafu." Seryosong sabi ko. Bigla naman siyang nabulunan at nagmamadaling uminom ng tubig. Sinamaan niya ako ng tingin at ako naman ay nagpipigil ng tawa.

"What?!" Asik niya,masama parin ang tingin.

"Ang sabi mo pwede kitang tawagin sa kung anong gusto kong itawag sa'yo. Kulafu, Kulafu ang itatawag ko sa'yo. Bwahahahhahaha!" Tumatawang sabi ko,ngunit natigilan ako nang mapagtantong nakatitig siya sa'kin. Nakakailang ang titig niya.

"B-Bakit?" Naiilang na anas ko. Umiwas naman siya ng tingin.

"Ano nga ulit yung tanong mo kanina?" Sa halip ay yon ang tugon niya.

"Ahh oo. Magkakilala kayo ni Yooki?" Tanong ko, salamat at nakayanan ko ulit maging casual.

"Not him, his mom. Magkapartner sila sa negosyo ng dad ko." Sagot niya at tumango ulit ako. Kaya pala.

Saglit kaming nathimik nang muli na naman siyang magsalita.

"Do you still love him?" Alam kong si Yooki ang pinapatungkolan niya. Napatingin ako sa kanya at bumuntong hininga.

"Hindi naman basta-basta mawawala iyon." Sagot ko.

"So you still love him?" Inulit mo lang eh!

"Ewan ko. Ang alam ko lang, di na tulad ng dati." Tugon ko nang nakatingin sa mismong mata niya.

Walang nagsalita sa amin ulit kaya, matinding katahimikan ang namutawi. Parang may kuryente sa pagitan ng titigan namin. Nakatitig siya sakin at ganon din ako sa kanya, kaya aaminin kong napaka awkward talaga.

Ako na ang umiwas ng tingin dahil hindi ko na makayanan ang titig niya. Parang anytime pwede niya 'kong kainin at lusawin doon sa mga titig niya..

Biglang may tumunog sa gitna ng katahimikan at nasisiguro kong cellphone niya iyon. Madali niya itong kinuha at nakakunot ang noong sinagot.

"Yes? Why, what happen? Shit!" Nag-aalala siya ngayon at nagmadaling tumayo. Napatayo rin tuloy ako.

"Anong nangyari?" Aligagang tanong ko.

"I have to go, Divine needs me." Tugon niya at mabilis na lumabas. Ako naman ay nag-aalala, kahit pa papaano ay magkaibigan kami ni Ms. Divine. Mabuti siya sakin kaya nag-aalala ako sa kung anong nangyari sa kan'ya.

Baka napano siya!

Lumabas din ako at nadatnan ko pa si prof at halatang hindi siya mapakali.
Hindi ko alam kung bakit basta ko nalang siya nilapitan.

"Pwedeng sumama?" Alalang tanong ko. Matagal bago siya nag salita.

"Ofcourse." Tugon niya at Pumasok naman ako sa sasakyan niya.

Tahimik lang kaming bumyahe at kapansin-pansin rin ang pagmamadali niya. Maya-maya pa ay narating na namin ang Hospital.

Ano kayang nangyari kay Ms. Divine? Sana okay lang siya.

Professor's Crush Where stories live. Discover now