JANE'S POV
Di pa din ako makapaniwala sa nangyari kanina. Eto sa tabi ko si Loisa, naiyak. Hindi pa din sya makapaniwala na nangyayari na sa kanya yung naranasan nila dati. Na miski ako ay mararanasan ko na din. I can't believe it, wala pa kaming 3 days dito sa mansyon, apat na agad ang namatay. At alam kong hindi na sila maibabalik kagaya nung dati. Si Ate Vickie, si Nichole, si Manolo at si Ate Ingrid, sabay-sabay silang nawala sa amin at sana sa mga susunod na pagsubok na darating, hindi na kasing lala nito.
"Loisa tumahan ka na...", sabi ko sa kanya.
"Hindi ko kaya Jane. Bawat segundo naaalala ko yung nangyari kanina, nahihirapan ako Jane.", sagot ni Loisa.
"Pero walang magagawa ang iyak mo. Kailangan mong maging matapang.", payo ko kay Loisa.
"Pero hindi lahat ng tao kasing tapang mo Jane! And for your information, hindi ako umiiyak dahil naduduwag ako kundi dahil nahihirapan akong tanggapin yung nangyari kanina! Kaya kung wala lang sa'yo yung nangyari kanina pwes ako apektado!", pasigaw na sagot ni Loisa.
Nagulat ako sa ini-asal ni Loisa. Hindi sya ganyan, hindi ako sinasagot ni Loisa. Kaya hinarap ko ulit siya at kinausap.
"Hindi yun ang ibig kong sabihin!", sabi ko kay Loisa.
"Wala kang dapat i-explain Jane. Dahil kung iniisip mong duwag ako, pwes nagkakamali ka! Dahil kung laro man ito at isa lang dapat ang matira, Jane tandaan mo. Ako yung matitira! Hindi na ako papayag na agawin mo sa akin ang natitirang pag-aari ko, ang buhay ko.", sagot muli sa'kin ni Loisa.
"Loisa, hiram mo lang ang buhay na yan. Kung oras mo na, oras mo na! Tanggapin mo yun! At anong inagaw? Wala akong inagaw sa'yo!", sabi ko.
"Wala ba talaga Jane?! Isasalaysay ko sa'yo isa-isa para malaman mo."
LOISA'S POV
"Wala ba talaga Jane?! Isasalaysay ko sa'yo isa-isa para malaman mo."
*FLASHBACK*
Sa wakas! Tapos na ko sa activity sa math. Makababa na nga, I'm sure nasa canteen na sila Maris. Pero tatawagan ko nalang.
Calling Mariestella...
Maris: Hello Loisa!
Loisa: Maris, asan kayo?
Maris: Uhm, ano... Nasa canteen, tapos mo na activity mo?
Loisa: Oo. Ahh sige, sunod ako dyan. Bye!
Maris: Okay bye.
Nagpaalam na ako pero nung ilalagay ko na sa bulsa ko, napansin kong hindi pala naipatay ni Maris yung call kaya pinakinggan ko muna sila.
"Tangina talaga yung uto-utong yun. Hahahaha!", sabi ni Maris.
"Hahaha sino nanaman Mariestella?!", tanong ni Nichole.
"Si Loisa. Hahahaha! Akala nya sya pa din bestfriend ko. Si Jane na kaya. Uto-uto si tanga.", biglang tawa na sabi ni Maris.
Nung narinig ko yun, inend ko yung na call at biglang tumulo ang mga luha ko. Para akong pinagbagsakan ng langit at lupa. Napaupo na lang ako sa kinatatayuan ko at umiyak nang umiyak. Tinanong ako ng mga kaibigan ko kung bakit pero hindi ko nalang sila sinagot.
*END OF FLASHBACK*
"All this time Jane! Pinipilit kong isingit ang sarili ko sa inyo! Pero hindi ko na nararamdaman yung saya kapag kasama ko kayo! At ito pa..."
*FLASHBACK*
Pumasok na si Ms. Del Valle sa classroom namin. Nagsitayuan kaming lahat at ginreet sya.
BINABASA MO ANG
Mansion of the Haunted 2
HorrorBabalik ang magkakaklase sa mansyon... May babalik... May dadagdag... May susunod pa bang mamamatay? O talagang buo na silang lalabas?