Chapter 3

2.2K 79 14
                                    

Hello Readers! ✌️

At dahil CLASSES ARE SUSPENDED dito sa Cavite ngayon, maga-update ako. 😁

Nakakalungkot kasi next school year GRADE 10 na ko. 😪

Ay sorry eto na, simulan ko na 😜

______________

JANE'S POV

Bakit nga ba ako nandito sa malambot na kamang ito. HA?! Don't tell me... Dinala ako dito nung nakakatakot na lalaki na tingin nang tingin sakin kagabi nung nasa mall kami. Hindi pwede to! Buti sana kung si Axel, dahil kami naman.

(Jane ko! Nananaginip ka lang.), sabi ni Timothy (author).

Ay sorry Timothy. Pasensya na, nananaginip nga pala ako.

[A/N. Hahaha dahil crush ko si Jane, dapat may KO! ;) okay, back to the story.]l

Tumayo na ako mula sa pagkakahiga dito sa malambot na kama. Asan ba kasi ako?! Nung tumayo ako umagaw sa atensyon ko yung malaking pinto na nasa gilid. Tinungo ko yun at pinasok ko. Sa pagpasok ko sa pintuang yon, sumalubong sa akin ang mga puntod. Tinignan ko isa-isa ang mga pangalan, nakasulat sa mga puntod yung mga pangalan nung mga nasawi naming kaklase. At meron din naman iba na may pangalan namin nila Kathryn at naka-open pa yung hukay.

"Michelle Vi-", hindi ko natapos ang aking pagbabasa dahil may tumawag sakin mula sa likod. At nakita ko si Kit at Nash.

"Kit? Nash?", niyakap ko sila. Lalo na si Nash na parang kapatid ko na kung ituring.

"Jane. Pakiusap... Bilisan nyo na. Nalalapit na ang araw na tuluyan nang kukuhanin ni Sofia ang kaluluwa namin para mabuo ang figure niya sa class picture nila.", paliwanag ni Nash.

"Anong ibig mong sabihin? Paano? Nasaan ang maglulutas sa problema na 'to? Nash, Kit... Kailangan namin nang tulong niyo.", naluluha kong sabi sa kanila.

"Jane... Kayo ang makakahanap niyan, gusto man naming tumulong pero we're sorry. Wala kaming alam basta ang alam lang namin ay nandito sa mansyong ito ang tatapos sa misteryo.", sabi ni Nash.

"Kit!!!!! Nash!!!!", tawag ng isang boses middle aged na babae.

"Sino yun?", tanong ko.

"Si Darla yun, ang yaya ni Sofia at mayordama ng mansyong ito. Bilisan mo Jane! Magtago ka dun sa hukay dyan. Dun sa dulo, Hindi ka niya pwedeng makita.", pagwawarn ni Kit.

"Sige, salamat. Babalik ako.", sabi ko sa kanila. Tumakbo ako papunta sa dulo at humiga sa isang hukay. Kay Miles yata 'to. Nung narealize kong wala na sila tumakbo ako pabalik sa kwarto at humiga sa malambot na kama at... Nagising na ako. Pawis na pawis ako.

"Guys, gising na si Jane.", sabi ni Julia Barretto sa mga kasama namin.

"Ohh Jane, bakit puro lupa yang damit at kamay mo? Tsaka umiyak ka ba?", tanong ni Loisa.

"Yung panaginip ko...", mahinang sabi ni Jane pero sapat na para marinig ng lahat.

"Anong nangyari?", tanong ni DJ.

"Nagising ako na nakahiga sa isang malambot na kama. Nung tumayo ako, pumukaw sa atensyon ko yung malaking pintuan na nasa gilid. Pumasok ako at ang nakita ko ang may puntod na may-", pinutol ni DJ ang sinasabi ko.

"Na may pangalan ng mga namatay nating classmates? At may nakabukas na hukay para sa pangalan natin? Wag kayong mag-alala Loisa at Maris, wala kayong pangalan dun.", sabi ni DJ.

"Paano mo nalaman?", tanong ko kay DJ.

"Napuntahan namin yun dati.", sagot niya.

"Pero nagkakamali ka, andun na din ang pangalan nila Loisa at Maris. Damay na sila dito.", sabi ko sa kay DJ.

"Bumalik tayo sa panaginip ko, ayun na nga. May mga pangalan natin yung puntod. Habang binabasa ko isa-isa yung mga pangalan may tumawag sa'kin mula sa likod. Sila Nash at Kit. At sabi nila kailangan daw nating bilisan dahil nalalapit na ang araw na tuluyang kukunin ni Sofia ang kaluluwa nila para mabuo ang pigura niya sa class picture. Nasa mansyon lang daw na ito ang sagot.", kwento ni Jane.

Inilabas ni DJ ang class picture at tinignan. Kalahati na nga ng katawan ni Sofia ang nasa picture. Itinago namin ang class picture at tumuloy na sa paggapang.

"Ano ba Maris, wag mo ngang hawakan paa ko!", sabi ni Karen.

"Huh? Anong hinahawakan? Eto ako oh. Tsaka hello?! Wala kayang tao sa likod mo.", sabi ni Maris.

Lumingon si Karen at tama nga si Maris, walang tao sa likod ni Karen.

"Ahhhhhhhhhhhhhhhhhhhh!!!!!!!!!!!!", mahabang sigaw ni Karen. Nagulat kami sa nangyari. Hinihila si Karen pero nahawakan agad ni Enrique yung kamay niya.

"Karen, wag kang bibitaw.", sabi ni Enrique. Hinihila namin si Enrique para mas lumakas ang pwersa ng paghila namin kay Karen.

"Yes. I won't.", sabi ni Karen. Pero sobrang lakas nung someone or something na humihila kay Karen kaya hindi namin nakayanan ang lakas niya at tuluyan siyang nahila hanggang sa nawala na siya sa paningin namin.

Gumapang kami pabalik para hanapin si Karen, hanggang sa makalabas na kami sa butas. Paglabas namin sa butas biglang sumara ng malakas yung pinto.

"Ahhhhhhhhhhhh!!!! Guys tulooooooooong!!!!!", rinig namin ang malakas na pagsigaw ni Karen. Hinanap namin ang pinanggalingan nung sigaw. At dahil tuloy-tuloy ang sigaw ni Karen nasundan namin ang pinanggagalingan nung sigaw niya. Nakarating kami sa isang malaking pinto.

_______________

Hahahaha! Kahapon pa dapat tong UD na to ehh kaya lang nadelete. 😪

Ayun, nakakainis. Readers! Panget ba ko? Hahahaha 😁

Sorry high ehh. ✌️

-handsome prince/prinsipetimoteo

Mansion of the Haunted 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon