Chapter 18

1.3K 71 8
                                    

JANE'S POV

Asan ba si Julia? Pagkatapos niya magwalk-out sa conference room hindi na namin siya nakita. Sabi nung isang estudyante nakita daw niya si Julia na pumasok sa dorm. Kaya pumunta kami nila Kath, DJ at Miles sa Dorm at kinausap si Manong Guard.

"Manong Guard, paki-check nga po sa computer kung pumasok si Julia Barretto.", pakiusap ko kay Manong Guard.

"Anong buong pangalan?", tanong ni Manong Guard.

"Julia Francesca B. Baldivia.", sabi ni Miles.

Itinype ni Manong ang pangalan ni Julia sa computer pero walang lumabas.

"Wala namang Julia Baldivia na nakatira dito eh.", sabi ni Manong Guard.

"Ano po kuya... Julia Barretto nalang po.", sabi ni DJ.

Itinype ni kuya ang pangalang JULIA BARRETTO sa computer at may lumabas.

"Ayan. Nag-login siya kanina, check niyo nalang sa loob.", sabi ni Manong Guard.

"Salamat po.", sabi namin at pumasok na kami.

Patakbo kaming umakyat papuntang 4th floor at pagpasok namin sa kwarto nila Julia, napansin kong walang tao at may isang cellphone na may crack sa screen ang tumutunog sa sahig. Nilapitan ko ito. Nakita ko ang numerong 495.

Biglang pumasok ang isang babae at sinisigaw ang pangalan ni Jane.

"Jane! Jane!", sigaw ni Barbie Imperial, ang bago nilang kaklase.

"Oh bakit Barbs?!", tanong ni Jane.

"Si Julia. Nakita ko si Julia sa may swimming pool kanina, nasa clinic na siya ngayon.", hingal na hingal na sinabi ni Barbie.

"Kath! Miles! DJ! Halika na sa clinic. Andun daw si Julia.", sabi ko.

Pagdating namin sa clinic nakita namin si Julia na umiiyak at nakaupo sa sulok ng kama.

"Julia!", sigaw ko at nung lalapit na ko sa kanya.

"Wag! Wag niyo kong lalapitan.", takot na takot sa sabi ni Julia.

"Julia. Kami 'to. Mga kaibigan mo.", sabi ni Kath.

"Hindi! Alam kong isa sa inyo si Sofia! Papatayin niyo ko. Umalis kayo dito. Umalis kayo!!!", sumisigaw na sa takot si Julia.

"Julia. Hindi kami multo. Maniwala ka.", sabi ni Barbie.

"Hindi ako maniniwala sa inyo! Alam kong gusto niyo kong patayin, lumabas na kayo dito!", pagkatapos sabihin iyon ni Julia, bigla niya kaming binato ng mga unan.

Napansin kong lumapit si Kathryn kay Julia at sinampal ito.

"Julia ano ba?! Kami 'to!", sabi ni Kathryn kay Julia.

Unti-unting tumingin si Julia kay Kath at napayakap siya rito.

"Kath. She almost killed me.", umiiyak na sabi ni Julia.

"Huh?", tanong ni Kath kay Julia.

"S-si Tita Sofia. Kath please. Tulungan mo ko! Wag nyo kong iiwan.", sabi ni Sofia.

"S-sofia? Nasundan niya tayo?", tanong ni Miles.

"Oo nasundan niya tayo.", sagot ni Julia.

BARBIE'S POV

Hi! Ako si Barbie Imperial at ako ang bago nilang kaklase. Alam ko ang kwento nila dahil ikinwento sakin ng mama na kumare ni Ninang Marj, ang mama ni Julia. Nag-enroll ako dito sa eskwelahang ito para tulungan sila.

Mansion of the Haunted 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon