Chapter 5

2K 91 13
                                    

Last chapter na po ito...

Pasensya na po kung tatapusin ko agad ang MANSION OF THE HAUNTED 2.

Okay, the last chapter of the story... BEGINS!

_______________

Maris' POV

Hindi kami pwede magstay lang, we need to find the way to solve this mystery. Dire-diretso kami sa paglalakad nang may mabangga si Miles na isang vase.

"Ohh sh*t.", sabi ni Miles.

Inilawan ni Jane yung nabasag ni Miles at may nakita kaming susi... I mean MGA susi. Ang dami, siguro mga 20 keys ito. Pero saan naman kaya namin ito gagamitin? Pang-kulangot? Joke. Hmmms, paano?!

"Para saan kaya 'yan?", tanong ni Karen.

"Pangsaksak sa'yo nang manahimik ka na.", pambabara ni Kath.

"Ano ba! stop it you two! That won't help.", sabi ni DJ

"Halika na guys! We have reached the end of this hole. Balik na tayo sa lagusan at humanap tayo ng bagong papasukan.", sabi ni Julia Barretto.

Jane's POV

Medyo malayo na ang nalakad namin. Ang sakit na din ng mga paa namin hangga't sa wakas narating din namin ang labasan ng butas. Pumasok ulit kami sa lagusan at gumapang nanaman. Sinabit ko sa zipper ng bag ko yung mga susi. Nagpatuloy kami sa paggapang, at may nakitang butas si Ate Kim pero nakalock ito.

"Guys! May butas dito ohh. Kaya lang naka-lock!", sabi ni Ate Kim.

"Yung susi...", sabi ko sa sarili ko.

Kinuha ko yung susi at ginamit ko yun para ipangbukas sa pintuan ng butas. Sa sobrang dami ng susi, sinubukan ko yun isa-isa. At yun, sa wakas! Nabuksan ko na din sa wakas. Unang pumasok si DJ sa loob at sinundan naming lahat. Isa itong operating room. Hindi yung OPERATING ROOM na pang-ospital ahh, yung parang may mapa ng bahay at kung ano-ano pang may kinalaman sa pamamalakad ng bahay na ito.

"Baka meron tayong matuklasan dito.", sabi ni Karen.

"Oo meron, matutuklasan natin kung pano ka kukunin ng multo.", pambabara muli ni Kathryn.

"Guys look at this!", pagtawag ni Quen sa atensyon naming lahat. May hawak siyang nakarolyo na papel, at pagbukas namin nito. Mapa! Mapa ng mansyon, pati ng lagusan.

"San mo nakuha yan?", tanong ni Loisa.

"Nalaglag na lang bigla sa harapan ko.", sagot ni Quen.

May mga marka ng pentel pen ang bawat lugar. Naka-star ang lugar kung nasaan kami ngayon, susunod na papasukin namin ay ang butas na malapit dito. Dahil may marka dun na number two. Lumabas na kami mula sa butas na yun at dinala namin ang mapa.

"Jane! We need your help. Kailangan mo silang makausap.", sabi ni DJ.

Nagpahinga kami saglit sa tabi na sinubukan ko muling matulog. Nagising na lang ako bigla na nakalublob sa bath tub. Nakalubog ang buong katawan ko pati ang ulo ko sa bath tub. Umahon ako ng naghihingalo dahil sa hirap huminga sa ilalim ng tubig. Pag-alis ko sa bath tub may narinig ko sa labas na nag-uusap, at parang pamilyar yung may-ari ng boses na yun. Tama! Si Sharlene nga! Dali-dali akong lumabas at nakita ko si Shar, magkausap sila ni... Alexander.

"Sharlene!", tawag ko sa kanila.

"Jane!!!", tawag din ni Shar sakin at naiiyak na tumakbo at niyakap ako. "Kamusta ka na?", tanong ko kay Sharlene.

"Hirap na hirap na kami dito Jane. Araw-araw unti-unti kaming nanghihina. Parang paulit-ulit kaming pinapatay ni Sofia at pinagmamalupitan ni Darla.", paliwanag ni Sharlene.

"Tama si Shar, Jane. Kailangan na naming makabalik sa katawan namin sa lalong madaling panahon.", sabi ni Alexander.

"Oo Alexander, malapit na. Ginagawa na namin ang lahat. Etong mapa...", sabi ko sa kanila. Pagkakita nila sa mapa, ngumiti sila ng malapad.

"Jane, sa wakas. Tatlong butas na lang ang hindi niyo pa napapasukan. Ito *turo*, ito *turo* at ito *turo*.", sabi ni Alexander.

"Maraming salamat naman!", sabi ko sa sarili ko.

"Pag natapos niyo nang pasukin yan lahat, pumasok kayo sa pinakadulong butas. At bumalik ka dito, nang kasama sila.", sabi ni Sharlene.

"Paano ko sila maisasama dito?", tanong ko sa kanila.

"Sa huling butas na papasukan niyo kuhanin niyo ang isang taling mahaba at yung 10 yellow na kandila. Itali niyo yun sa isa't isa at para mapagdugtong-dugtong niyo ang sarili niyo bilang isa. At sabay-sabay kayong matulog. Makakabalik ka dito sa panaginip mo na kasama sila. At sa 10 dilaw na kandila, makikita na kayo nila Sofia at Darla...", paliwanag ni Alexander.

"What do you mean na makikita? Ibig sabihin, hindi nila ako nakikita ngayon?", tanong ko.

"Oo Jane. Hindi ka nila nakikita ngayon.", sagot ni Sharlene.

"Tapos pag nakita na kayo nila Sofia at Darla, yun na yung pagkakataon para matalo niyo sila nang tuluyan.", sabi ni Alexander.

"Maraming salamat sa sinabi niyo Sharlene at Alex. Babalik na ko. Wag kayong mag-alala, malapit na.", sabi ko.

Bumalik ako sa bath tub at nilublob ko ulit ang buong katawan ko. Saka ako nagising.

"Guys, malapit na.", nakangiti at naiiyak kong sabi sa kanila.

"What do you mean na malapit na?", tanong ni Julia Barretto.

"Malapit na natin silang maibalik sa katawan nila. Naka-usap ko sila Sharlene at Alexander. Sabi nila tatlo na lang daw ang hindi pa natin napapasukang butas, at ayang magkakasunod na naka-lock. Sa huling butas na papasukan natin, kukunin nating yung mahabang tali doon at yung sampung dilaw na kandila. Pagkatapos nun, pupunta tayo sa pinakadulong butas at papasok tayo dun. Itatali natin sa isa't-isa ang tali at sisindihan ang kandila. Sabay-sabay tayong matutulog. At makakapasok din kayo sa panaginip ko. Sa pamamagitan nung dilaw na kandila dun tayo makikita nila Darla at Sofia saka natin sila lalabanan.", mahabang paliwanag ko.

"Sa huling butas na naka-lock? Edi halika na. Dun din naman tayo pupunta diba?", sabi ni Loisa.

Sumang-ayon naman kami pero sinubukan ko lahat ng susi, walang nag-match at hindi ito bumukas. So kailangan talaga namin pasukin yung dalawa pa bago sa pangatlo. Hays!

_______________

Joke lang! Hahahahaha di pa 'to last chapter. 😁

Pagkatapos nila sa mansyon, mas marami ang mangyayari sa school nila. Papasok na ang ibang characters. 👋✌️

Ayun... Leave a vote and comment, thanks 😜

-handsome prince/prinsipetimoteo

Mansion of the Haunted 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon