JANE POV
Naglalakad ako sa isang misteryosong hallway ngayon. Ang hallway ng mansyon. Maya-maya biglang sumulpot ang isa sa mga bestfriends ko na nakakulong ang spirit sa mansyon hanggang ngayon. Si MICHELLE.
"Jane... Tulungan niyo kami. Ayaw na namin dito sa mansyong ito, gusto na naming makabalik sa katawan namin.", naluluhang sabi ni Michelle. Biglang dumating sila Chie, Kristel at Myrtle.
"Michelle? Bakit mo kausap yang mang-iiwan na yan?" sigaw ni Chie.
"I am asking her for help! Tsaka hindi naman tayo iniwan ni Jane ehh!" pagtatanggol sa akin si Michelle.
"Hindi iniwan? Lumabas siya ng mansyon dahil natakot siya. Duwag siya Mich! Duwag!" sabi ni Kristel.
"Hindi natakot si Jane. Nakita ko siyang bumili ng flashlight sa labas. Pero pagbalik niya sarado na ang gate. She even tried to open it pero pinigilan siya nung driver ng bus dahil sa policy!" sabi ni Michelle.
"Is that true Jane?" tanong ni Chie sa akin.
"Oo Chie." sagot ko.
"We're so sorry Jane. Sa totoo lang kailangang-kailangan talaga namin ng tulong niyo. Gusto na ulit naming makasama kayo!" sabi ni Myrtle.
"Oo. Kakausapin ko sila." sagot lo.
Nagising ako mula sa panaginip na iyon. Pawis na pawis ako at tinignan ko sa ipad ko kung anong oras na... 4:45 AM, 15 minutes nalang babangon na din ako. Tumayo na ako at naghanda na para mamaya. Kaming magkakaklase ay nagdorm na sa school at kasama ko si Loisa at Maris mga bago naming kaibigan, at eto yung listahan kung anong room kami.
ROOM 401- BERNARDO, KATHRYN / LUSTRE, NADINE / SOLANO, AINA
ROOM 402- PADILLA, DANIEL / REID, JAMES / GARCIA, JOSHUA
ROOM 403- CHIU, KIM / DELA PAZ, INGRID / OCAMPO, MILES
ROOM 404- GIL, ENRIQUE / PEDROSA, MANOLO / BENEDICTO, JACOB / TORRESS, AXEL
ROOM 405- OINEZA, JANE / RACAL, MARIS / ANDALIO, LOISA
ROOM 406- MONTES, JULIA / BARRETTO, JULIA / SALVADOR, JANELLA
ROOM 407- CELIS, KIRAY / REYES, KAREN / BARANDA, NICHOLE / VISITATION, CESS
ROOM 408(Special Students)- MATSUNAGA, DANIEL / RUSHTON VICKIE / GONZAGA, ALEX
"Loisa, Maris. Gumising na kayo! Baka malate tayo.", paggising ko kanila Loisa at Maris.
Bumangon din naman sila agad.
"Whoa Jane. Ang aga mo yata nagising ngayon ahh.", sabi ni Loisa.
"Che! Maligo na nga kayo. Buti na lang tapos na ako. Tapusin ko lang tong group project natin.", sabi ko.
Ayun, tinapos ko na yung project namin kasi konti na lang naman ehh. Tapos yung dalawa nag-ayos na. After 20 minutes lumabas na din kami at dumiretso sa cafeteria mag-breakfast. Libre lang kasi ang pagkain namin dito kasama sa tuition fee namin. Naka-buffet ang breakfast, lunch and dinner, pero iba-iba syempre ang meals. Ehh breakfast, kaya kumuha ako ng sausage, scrambled egg, fried rice and milk. Grabe busog na busog ako. Pero hindi sa pagmamayabang mayaman kami lahat dito kaya kahit mahal ang tuition, sige lang maganda naman turo ehh. Lumipat na din kami ng school kasi pinasara na yung dati naming school. Pero inirequest namin sa pulisya na wag munang tanggalin ang mga bangkay at yung bus dun sa mansyon. Kasi nakita din naman nila yung nakasulat dun sa salamin ng bus at pina-check sa paranormal expert. Ayun, naniniwala na din.
"Loisa, bakit ang hina mo yata kumain ngayon?", tanong ko kay Loisa.
"Kasi naaalala ko sila Michelle at Liza. Diba bestfriend namin silang dalawa ni Maris.", sagot ni Loisa.
BINABASA MO ANG
Mansion of the Haunted 2
HorrorBabalik ang magkakaklase sa mansyon... May babalik... May dadagdag... May susunod pa bang mamamatay? O talagang buo na silang lalabas?
