JULIA'S POV
"Sophia, hindi siya si Tita Min. Siya si Kathryn!", sabi ni DJ.
"Tama na po. Please... Maawa ka sa'kin.", pakikiusap ni Kathryn.
"Ayoko, papatayin kita. Pero... pahihirapan muna siguro kita.", sabi ni Sophia, at hinila nito si Kathryn palayo sa kanila.
"KATH!!!!!", sigaw naming lahat.
Mabilis na tumayo sila DJ, Jane, Juls at Miles. Tumakbo sila at umaasang mahahabol nila si Kathryn. Please! Sana mahabol nila ito. Hindi namin pwedeng gawin ang ritual hangga't hindi kami kumpleto. Hindi titigilan ng sumpa ang mga wala dito.
DANIEL'S POV
"Kath! Asan ka?! Bie!!!"
"Kathryn!", sigaw ni Julia.
"Kath!!!!", sabay na sigaw nila Miles at Jane.
"Guys, sa tingin ko kailangan natin maghiwa-hiwalay.", suhestiyon ko. At sumang-ayon naman silang tatlo.
Naghiwa-hiwalay kami. Para akong nasisiraan ng ulo, hindi ko makita si Kath. I need to find her. I need to save her. I cannot imagine my tomorrow without Kath. Kailangan ko siya mailigtas. Kanina pa ako hanap ng hanap pero wala...
"Kath, please! Nasaan ka?"
"KATHRYN!!!"
"Bie!!!!"
Nasa kadulo-duluhan na ako ng mansyon at nakarinig ako mula sa ilalim ng sahig na isang napakalakas na sigaw ng babae at parang nalagutan ng hininga. Napansin ko na parang naka-angat yung tile at pagka-angat ko dun sa tile ay may butas at may hagdanan pababa. Patuloy ako sa pagbaba, pero habang nababa ako parang malakas ang pakiramdam ko na may hindi maganda akong madadatnan dito sa ilalim. Pagkababa ko, ang dilim.... Kinuha ko ang cellphone mula sa aking bulsa at inilawan ang paligid. Napansin kong puro dugo ang nasa paanan ko at nang igalaw ko ng ilaw, nakita ko ang kalat-kalat na lamang loob, isang sapatos na walang kapares at cellphone... Teka lang, parang kilala ko kung sino ang may-ari ng cellphone na ito. Pinindot ko ang button at bumukas ito. Tama nga ako... Ang wallpaper ng cellphone ay picture naming dalawa ni Kath. At ang sapatos na nasa sahig na balot na balot ng dugo ay kay K-Kathryn din.
"Bie....", lumuhod ako at hindi ko naramdaman na unti-unti na palang tumutulo ang mga luha ko.
"Hayop ka Sophia! Hindi pa ba sapat ang mga kaibigan namin? Maayos kaming pumunta dito pero pinatay mo kami. Ano pa ba? Hindi pa ba sapat ang mga kinuha mong buhay?!"... "Hindi pa ba?! Ha?! Ngayon ka magpakita sa'kin Sophia. Hindi ako natatakot sa'yo, lumabas ka! Tatapusin na kita!", halos pumiyok-piyok na ako kakasigaw. Bakit si Kathryn pa?! Sana ako nalang.
"DJ! DJ! Are you there?", narinig kong pagtawag mula sa ibabaw.
Narinig ko ang mga yabag. Mga yabag ng mga kaibigan namin, nakita kong pababa sila Miles at Juls.
"Dan...", hindi na nila natapos ang sasabihin nila nang makita ang sabog sabog na lamang loob, sapatos at cellphone ni Kathryn sa sahig.
"Daniel, is this true. Tell us! P-patay na ba si Kath?", hindi ako nakasagot sa tanong na iyon at bigla nalang tumulo ang mga luha ko muli. Hindi ko matanggap, parang hindi mag-sync in sa utak ko na patay na ang pinaka-mamahal ko.
"DJ....", umiiyak at yumakap sakin sila Miles at Juls.
"Kath....", paulit-ulit naming sinasabi.
"A-asan nga pala si Jane?", tanong ko.
"Wala na rin si Jane DJ. Kanina narinig ko siya sumigaw.", malungkot na kwento ni Miles. Pagkabalik namin sa bilog, nagtaka sila. Hinanap nila sila Kathryn at Jane.
"Wala na sila...", mahina kong sabi.
"Huh? Pakisabi nga ulit.", sabi ni Loisa.
"WALA NA SILA KATHRYN AT JANE!", pasigaw kong sabi.
"A-ano?! Wala na si Kath at Jane."
"Oo Loisa.", sagot ko. Lumapit siya sa akin at hinawakan ako sa magkabilang balikat, "Daniel, magpakatatag ka.", tumutulo ang luha na sabi ni Loisa.
Nakita kong si Karen ay isa sa mga pinaka-apektado, kaya nilapitan ko sya,
"Karen, are you okay?", tanong ko.
"No Daniel. I cannot accept that my bestfriend is already gone. Kahit palagi kaming nagtatalo, kahit nag-away kami dahil sa'yo, hindi ko pa din kayang tiisin si Kath, Daniel, sabihin mong biro lang ito.", humahagulgol na sabi ni Karen.
"If I could. Kung pwede lang nga gawing biro ang lahat, pero hindi eh. Ang realidad ay realidad. Mahal ko si Kath. Mahal na mahal. I already miss her very much. But I cannot change the fact that she is already dead. She won't ever come back.", umiiyak ko ring sabi.
Lahat na kami dito ay umiiyak, nagpapanic... Hindi naman alam ang gagawin namin dahil namatayan nanaman kaming dalawang kaklase. Dalawang kaklase na tumulong sa amin para makaligtas. Bie at Jane, sana kahit sa huling pagkakataon, tulungan niyo muli kami....
_______________
Hindi pa tapos guys! Sana wag kayo magalit sa'kin dahil dalawa sa mga favorite nyong characters ang namatay. Pero wag kayong mag-alala, mamatay man sila o mabuhay, mababasa nyo pa din sila sa next chapters. :) sana patuloy niyo pa din po itong basahin.
-prinsipetimoteo. :)
![](https://img.wattpad.com/cover/21824946-288-k994355.jpg)
BINABASA MO ANG
Mansion of the Haunted 2
HorrorBabalik ang magkakaklase sa mansyon... May babalik... May dadagdag... May susunod pa bang mamamatay? O talagang buo na silang lalabas?