JULIA'S POV
[10 years later...]
Nagising ako mula sa isang panaginip. Naalala ko nanaman sila, saktong 10th year death anniversary nila ngayon. 10 years na din ang nakalilipas magmula nang huli kaming nagkita ng mga kaklase ko dahil ipinagbawal muna kaming magkita-kita ng mga magulang namin, at ngayon may reunion kami at dadalawin namin ang puntod nila sa mansyon. Kasama ko ang asawa ko na si Iñigo at ang anak namin na si Sophia.
***
GROUP CHAT
Kathryn: Guys mamaya na...
Barbie: Oo nga. Akalain niyo yun, it's been 10 years.
Enrique: Basta punta kami ni Liza sa meeting place ng mga 2 PM.
Julia B: Sure sure. See you later.
Julia M: Okay Guys. IMYALL! <3
Nadine: Sige guys.***
Andito na kami nila Iñigo sa meeting place namin at malapit na daw sila dito. Nagsigawan kami nang magkita-kita kami, naiyak ako dahil naalala ko yung mga masasaya at masasakit na karanasan namin nung high school.
KATHRYN'S POV
"Katkat, anak. Eto na milk mo.", bitbit ko ang anak namin ni DJ sa braso ko at pinapadede siya.
"Akalain niyo Kath, ang dami niyong away ni DJ kayo rin pala ang magkakatuluyan.", sabi ni Karen.
"Oo nga eh, sampid ka pa nga nun eh. HAHAHAHAHA! Joke lang.", natatawang sabi ko.
"Siraulo ka.", natatawang binatukan ako ni Karen.
"Wifey, be careful. Baka mahulog si Nadia.", sabi ni James kay Nadine. Buntis ngayon si Nadine para sa unang anak nila ni James.
Hay... Ang bilis nga talaga ng panahon, may mga pamilya na kaming sarili ngayon."Mommy are we visiting my body?", nagulat kami lahat sa tanong ng anak ni Julia na si Baby Sophia.
"S-sophia. What do you mean?", nagtatakang tanong ni Julia.
"Diba I am Lola Sophia. And Lola Sophia is me?", tanong muli ni Baby Sophia.
"Saan mo nakuha yan Sophia?", tanong ni Julia.
"From her po.", sagot ni Baby Sophia at itinuro ang bakanteng upuan sa likod ng van.
Di nalang namin pinansin si Baby Sophia at nagpatuloy na kami sa biyahe. Dumating kami sa mansyon ng 4 PM at pinuntahan namin ang mini cemetery sa likod ng mansyon.
"Guys, we missed you already.", naluluha kong sabi. Isa-isa naming pinatungan ng mga bulaklak ang mga puntod nila.
"LOLA SOPHIA!"
Narinig naming sigaw ni Baby Sophia at pumunta sa isang sulok. Hinabol namin siya ng tingin at nagulat kami nang biglang tumirik ang mata niya at biglang hinimatay.
Tumakbo kami papalapit sa kanya ng biglang....
"WAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHH!!!!!"
*****
'Ilang bangkay, natagpuan sa isang mansyon....'
--THE END--
__________
Ayan, after 2 years natapos ko na rin ang story na ito.
Thank you sa thousand reads, hundreds of votes, and comments.
Ginawa ko lang 'to dahil wala akong magawa pero nagulat nalang ako na ang daming reads na.
Maraming maraming salamat sa suporta niyo sa MANSION OF THE HAUNTED.
Sana basahin niyo din yung iba kong story. :)-prinsipetimoteo.:)
BINABASA MO ANG
Mansion of the Haunted 2
رعبBabalik ang magkakaklase sa mansyon... May babalik... May dadagdag... May susunod pa bang mamamatay? O talagang buo na silang lalabas?