JULIA'S POV
Pagkahagis namin ng diary ni Sophia sa apoy, biglang nakaramdam kami ng antok at pumikit...
Pagdilat namin ay nasa isang salas kami at nandoon sila Fernando at Katrina. May hawak silang diyaryo at umiiyak.
"Magpakatatag ka mahal.", sabi ni Tito Fernando.
"Hindi ko naalagaan ng ayos ang isa nating anak.", sagot ni Katrina.
"Katrina, may sakit si Sophie kaya di natin masyado naalagaan si Sophia.", tumulo na din ang luha ni Tito Fernando at niyakap niya si Tita.
Nakita ko sa sulok si Sophia, nakatitig sa mga magulang niya at umiiyak. Lumapit kaming lahat sa kanya.
"S-Sophia....", tawag ko sa kanya.
"Hindi ko alam Julia. Hindi ko alam na may sakit si Sophie. Gusto kong yakapin sila mommy at daddy, Julia."
"Lapitan mo sila."
"H-hindi naman nila ako makikita.", sabi ni Sophia.
"Sophia, kung gusto mo may paraan.", sagot ko sa kanya.
Nag-isip siya ng paraan, sa tingin ko, naalala niyang nasa lumang panahon kami kaya bumalik na kami sa kasalukuyang panahon kung saan patay na ang mga magulang niya at si Sophie. Nagbalik na kami sa kasalukuyang panahon at nagising na kaming lahat.
Nasa labas ng bilog sila Sophia, Sophie at mga magulang niya. Magkaka-usap sila.
"Sophia, anak...."
"Mommy... Daddy... Sophia...", tumakbo si Sophia palapit sa kanyang pamilya at niyakap ang mga ito. Nang magyakap sila, nag-iba ang itsura ni Sophia. Naalis ang mga dugo na nakakalat sa kanyang katawan, umayos ang kanyang buhok at mukha, at ang damit niyang itim ay naging puti na parang binabad sa sampung balde ng Xonrox.
"Anak, we're so sorry.", sabi nila Katrina at Fernando.
Talagang naiba namin ang nangyari. Naisip namin, kahit pala anong gawin namin, hindi mababago ang nakaraan. Namatay pa din sila...
"No, I'm sorry. Everything was all my fault. Please forgive me.", umiiyak na sabi ni Sophia.
"Sophia!", nakangiting sigaw ni Sophie.
"Sophie, namiss kita! It's been so long since huli tayong nagkita.", sabi ni Sophia.
Ibang-iba ang Sophia na nasa harap namin ngayon. Tsaka dahil binago namin ang past hindi rin sila nagkita at nag-away bilang mga multo.
"I missed you too.", sabi rin ni Sophie.
"Mga anak, masaya ako dahil nagkabati kayo.", sabi ni Fernando.
"Hindi ako makapaniwalang mangyayari ito.", sabi ni Katrina.
Ngumiti si Sophia at lumapit siya sa amin.
"Maraming salamat sa inyo. Patawarin niyo ako sa mga nagawa kong kasalanan sa inyo. Alam kong hindi maibabalik ng sorry ko ang mga buhay ng nawala ninyong kaklase, pero sana dumating yung araw na mapatawad ninyo ako. Kathryn, Daniel pakisabi sa mga magulang niyo, I'M SORRY. Sige na, aalis na kami. Maraming salamat.", sabi ni Sophia.
"SOPHIA, saglit! Binago namin ang nakaraan mo, hindi ba dapat mababago din ang kapalaran ng mga kaklase namin?", tanong ni Kathryn.
"Nasa pintong iyon ang sagot.", nakangiting sabi ni Sophia na nakaturo sa isang pinto.
Nagpatuloy sa paglalakad si Sophia at ang pamilya niya patungo sa liwanag. Naglakad din kami patungo sa pintuan na itinuro ni Sophia. Pagpasok namin doon, ang liwanag. Nandito kami sa mga hukay at maraming mga puntod. Masayang naghahabulan doon ang mga kaklase namin. Nakita nila kami at lumapit sila sa amin. Tumulo ang mga luha namin, masaya kami dahil masaya na din sila.
"Guys!", sabi nila.
"B-bakit hindi kayo nabuhay? Hindi ba dapat mabubuhay kayo?", tanong ni Loisa.
"Loisa, maaaring nabago niyo ang nangyari kay Sophia pero ang patay mananatiling patay.", sagot ni Jane.
"Hindi namin maintindihan.", sabi ko.
"Eto ang kapalaran namin. Itinakda na iyon mangyari. Oo, nabago niyo ang nangyari kay Sophia kaya nabago niyo din ang kamatayan namin. Hindi si Sophia ang pumatay sa amin kung hindi iba't ibang aksidente ang pumatay sa amin. Hindi natin matatakasan ang kamatayan guys.", paliwanag ni Jane.
"Joshua, nakatakda din ba na patayin kita?", tanong ni Loisa kay Joshua.
"Huh? Hindi ikaw ang pumatay sa akin Loisa, nabangga ako.", sagot ni Joshua.
Naiba ang mga kamatayan ng mga kaklase namin...
"Guys, sinusundo na kami. Maraming salamat sa lahat, ha.", umiiyak na sabi nila.
"Sa huling pagkakataon, pwede bang mag-group hug tayo.", tanong ni Nadine.
Nag-group hug kami bago sila lumisan ng mundo. Naglakad na sila palayo, papunta na sila sa isang napakaliwanag na lugar. Habang kami, umiiyak at nagpapaalam sa kanila.
***
Lumabas na kami ng mansyon at bumalik sa sari-sarili naming mga bahay. Siguro ngayon makakatulog na kaming lahat ng mahimbing. Masakit ang nangyari pero kailangan naming tanggapin. Pero bago ako matulog, nagpost ako sa facebook...
"EVERYTHING HAPPENS FOR A REASON. :) - FEELING POSITIVE"
____________________
Tapos na ang kanilang paghihirap. :)
Next chapter: CHAPTER 25: EPILOGUE
BINABASA MO ANG
Mansion of the Haunted 2
TerrorBabalik ang magkakaklase sa mansyon... May babalik... May dadagdag... May susunod pa bang mamamatay? O talagang buo na silang lalabas?