"Magandang gabi, andito ako ngayon sa isang abandonadong mansyon. Isang mansyon na kung saan maraming patayan ang naganap. Dahil din sa mansyon na ito ay maraming eskwelahan ang nagsara. Ang Mansyon ng Pamilyang Andres. Ayon sa aking research, 15 years na ang nakalilipas magmula nang matapos ng isang grupo ng mga estudyante ang sumpa. Hindi kami sigurado kung totoo ito, pero titignan natin."
Naglakad-lakas ang host sa corridor, at nagpunta sa bandang gitna ng bahay. Inilabas niya ang kanyang mga gadgets na nakakapag-sabi kung mayroon bang presensya ng multo sa bahay na iyon.
"Sofia, Sophie... Andito ba kayo? Magparamdam kayo!", sabi nung host.
"Hahahahahaha!", narinig niya sa may bandang kaliwang tenga niya. Tumingin siya pero wala.
"K-kung andito kayo. Kausapin nyo ko. May nais ba kayong iparating?", sabi muli nung host.
"Hanapin mo ang libingan, at ang sikreto'y matatagpuan.", rinig niya muli ngunit ang mga ito ay bulong lamang.
"Ang sabi nila, hanapin ko daw ang libingan at ang sikreto'y matatagpuan."
Naglakad-lakad yung host hangga't sa may nakita itong isang malaking pintuan sa loob ng kwarto. Binuksan niya iyon at may mga puntod doon. May isang videocam sa lapag, nilapitan niya ito at pinanood.
***
"Hi! This is Julia. Hi guys!!!"
"HELLO!!!!", sigaw ng lahat.
"We are here again. Bibisitahin namin ang mga puntod ng classmates namin. Sobrang miss na namin sila. Parang kahapon lang nangyari ang lahat.", sabi ni Julia.
"Eto yung pinto diba?", tanong ni Janella.
"Oo. Halika na?", sabi ni DJ.
Pumasok sila sa loob ng pinto at nandoon na sila sa loob ng parang sementeryo.
"Mommy, is this where all your classmates died?", tanong ni Baby Sophia.
"No Baby. They all died by different accidents.", sabi ni Julia sa anak niya.
"Really? But those two women behind that tree are Lola Sophia and Lola Sophie, right?", tanong muli ni Baby Sophia.
Hindi pinansin nila Julia ang bata kaya pumunta ito palapit sa puno habang sila Julia ay nakatingin sa mga puntod.
"Mommy!", sigaw ni Baby Sophia.
"Bakit nanaman?!", medyo naiinis na tanong ni Julia.
"Lola Sophia asked me if I want to come with her.", sabi ni Baby Sophia.
"Lola Sophia!"
"GET AWAY FROM THAT TREE BABY!", sigaw ni Julia.
"Waaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhh!!!!!", sigaw ni Baby Sophia. Hinimatay yung bata at nagsilapitan sila Julia.
"Anak, gising ka. Please don't come with her. Mommy and Daddy will be sad.", umiiyak na sabi ni Julia habang nasa braso niya ang anak. Tumirik ang mga mata nito at nagsalita.
"Guys! Ako 'to!", nag-iba ang boses ni Baby Sophia.
"J-Jane?", sabi ni Kathryn.
"Oo guys. Julia, sorry sa paggamit sa katawan ng anak mo ah. Ang tagal na kasi eh, gusto lang namin kayong maka-usap."
"Oo Jane. Okay lang. Masaya na ba kayong lahat sa kinaroroonan nyo?", tanong ni Julia.
"We're happy. And we are a lot more happier since masaya na din kayong lahat. Nakakalungkot lang kasi hindi na namin na-experience yung magka-anak. Magkaroon ng sariling pamilya.", sabi ni Jane.
"I'm so sorry Jane.", umiiyak na sabi ni Kath.
"Bakit ka nagsosorry?", tanong ni Jane.
"Kasalanan ko kung bakit ka namatay. Kung hindi mo sana ako niligtas noon, buhay ka pa sana.", sabi ni Kath. Lumakas ang iyak ni Kath kaya't niyakap siya ni DJ.
"Wala kang dapat i-hingi ng sorry Kathryn. Pinili kong iligtas ka Kath. Alam kong hindi mo ginusto yung nangyari.", sabi ni Jane. "Saglit lang ah.", pahabol ni Jane.
Bumalik na sa dati si Baby Sophia. Niyakap niya si Julia.
"GUYS!", rinig nilang lahat. Tumalikod sila at nakita ang mga multo ng mga pumanaw nilang kaklase.
"Long time no see.", sabi ni Alexander.
Tumulo ang luha ng lahat at tumakbo sila para yakapin ang mga matagal nang hindi nakikita na mga kaibigan.
"Sige na magpapaalam na kami. Pero bago kami muling umalis at tuluyang lumisan, may isang kaming hiling.", sabi ni Jane.
"Ano yun?", tanong ni Juls.
"Isang group hug... At maipahukay ang mga labi namin at mabigyan niyo kami ng maayos na libing.", sagot ni Michelle.
"Yun lang ba?", tanong ni Liza.
Tumango silang lahat at sa huling pagkakataon, nag-group hug sila. At biglang namatay ang video.
***
"Ayon din sa aking research, kinabukasan nagpunta ang magkakaibigan sa pulisya at ikinwento ang lahat ng nangyari sa kanila. Naniwala naman ang mga pulis dahil marami na daw na insidente ang nangyaring ganun doon sa mansyon na iyon. Nagpunta ang mga pulis sa mansyon at hinukay ang mga puntod, nabigyan ng maayos na libing ang mga bangkay na natagpuan sa mansyon na iyon. Ibinalita din ito noon sa telebisyon at ang pinaka-pamagat ay... 'Ilang bangkay, natagpuan sa isang mansyon....'. At itong videocam, siguro ay naiwan dahil sa pagmamadali o maaaring nahulog at hindi nakita pagkatapos ng group hug."
____
Pinatay na ni Franco ang TV dahil tapos na din naman ang palabas.
"Hay naku! Sana hindi na ulit mangyari iyon.", sabi niya.
"Hindi imposibleng mangyari muli iyon...", narinig ni Franco na bulong ng isang babae mula sa likod niya.
Tumakbo siya papunta sa kanyang kwarto at nagtalukbong ng kumot.
THE END!
____
Maraming salamat sa lahat ng nagbasa. :)
HAPPY NEW YEAR!
BINABASA MO ANG
Mansion of the Haunted 2
TerrorBabalik ang magkakaklase sa mansyon... May babalik... May dadagdag... May susunod pa bang mamamatay? O talagang buo na silang lalabas?