I dedicate this chapter nga pala to @TashaDL . Grabe, nakakagana sumulat yung mga comments niya. ❤️ thank you very much. 😁
-NADINE'S POV
Namimiss ko na si James. Bukas pa kasi magsisimula ang first activity namin at yung ang muling paglabas namin mula sa kwartong 'to. Mabuti nalang at si Kathryn ang nakasama ko sa kwarto kasi matapang siya.
"Kath, ano bang nangyayari?", I asked her.
"Nadz, honestly di ko alam. Pero gentong-gento ang nangyari sa'min last school year. Hindi ko alam kung bakit lagi kaming naiinvolve.", sagot ni Kath.
"Kath, sa tingin mo makakalabas pa tayo ng buhay dito?"
"Oo Nadz. We need to stay alive. Think positive. Matulog na lang tayo para maayos tayo bukas."
"I don't think na makakatulog ako sa kondisyon natin ngayon. Kath! Anytime, pwede tayong mamatay!"
"I know. Pero we need to stay strong para mabuhay."
Tama si Kath. We need to stay strong. Humiga na kami sa kama at pinilit na makatulog.
JANE'S POV
Nagising kami ni Loisa nang biglang mag-ring ang alarm. Dali-dali kaming tumayo sa aming kama at isinuot ang aming sapatos. Tumakbo kami palabas ng kwarto at pumunta sa activity area. Naka-upo na kaming lahat sa kanya-kanyang desk na may pangalan din namin. Katabi ko si Ate Alex. Napansin naming may malaking box sa harap na nakapatong dun sa malaking table.
"Students, kung napapansin ninyo, may malaking box sa unahan. Sa loob niyan ay may laman na mga cellphones. Tig-iisa kayo. Ang blue box ay para sa mga lalaki at ang pink box ay para sa mga babae. Ang isang babae at lalaki na makakakuha ng cellphone na walang battery ay maari nang lumabas ng ligtas mula dito sa bahay na ito. Okay, maari na kayong kumuha."
Nag-unahan kaming kumuha ng cellphone, sino ba naman ang hindi magkakagulo, kaligtasan na ang pinag-uusapan dito. Sabay-sabay naming bubuksan ang likod ng cellphone kaya hinintay naming makakuha muna ang lahat. Kaya nung matapos nang makakuha at meron na ang lahat, nag-countdown kami.
3
2
1
OPEN...
Tumayo si Andrea. Nagtungo siya sa unahan. At walang lalaking tumayo. Sino ang nakakuha sa mga lalaki?... Dahan-dahang tumayo si Marco.
"Maaari ko ba 'tong ibigay sa iba? Hindi ko kayang iwan si Miles dito!", sabi ni Marco.
Napatayo si Miles at lumapit kay Marco, "ANO? No Marco! Kaya ko ang sarili ko. Lalabas ka ng ligtas.", maluha-luhang sabi ni Miles.
"Pero Miles, I cannot leave you here."
"Oo alam kong hindi mo kaya, pero you have to. Save yourself and I'll save myself. You deserve it Marco, you deserve it."
"Basta, ipangako mo na lalabas ka ng ligtas dito."
"I promise.", niyakap na ni Marco si Miles at pumunta na rin siya sa harapan.
Nagsalita nang muli ang speaker.
"Gumabao and Ophies! Pumunta na kayo sa front door and congratulations!"
Lumabas na ng front door sila Marco at Andrea. At maya-maya lang...
BOOM!!!!!!!!!
Nagtaka kaming lahat kung ano yun. Pagtingin namin kela Ate Vim, Manolo, Nichole at Ingrid, s-sabog ang mga ulo nila. Una, nagtataka kami kung bakit biglang nagkaganun. Pinigilan naming magkagulo sa loob, dahil sa oras na magkagulo kami dito, baka mamatay kami. Nagsalitang muli ang speaker at nagpaliwanag...
"Rule #4! Cellphones are not allowed during activity time. At yang mga pasaway na yan, ginamit nila ang cellphone na binigay ko sa kanila, kaya ayan. SABOG! Kaya kayo, learn to follow the rules."
----------
Ayan guys, sorry kung nalate ah. Busy kasi ako eh. Hahahaha 😂
BINABASA MO ANG
Mansion of the Haunted 2
رعبBabalik ang magkakaklase sa mansyon... May babalik... May dadagdag... May susunod pa bang mamamatay? O talagang buo na silang lalabas?