Chapter 13

1.7K 67 7
                                    

KAREN'S POV

Wala na si Devon. Salamat naman at kahit sa huling sandali ni Devon nakabawi ako sa kanya. Ang dami kong kasalanan sa kanya, at yung simpleng pagligtas lang sa kanya ang pwede kong magawa para sa kanya. Pero ginawa ko na ang lahat pero huli na pala, mamamatay pa din sya.

Ang totoo kasi niyan, bestfriend ko sila Devon at Kathryn. Pero ayaw ni Kath kay Devon. Pero nagka-away-away kami dahil sa isang pangyayari...

*FLASHBACK*

January 18, 2011 - 5:42 AM

"Hello Devon, asan ka na ba? Andito na ko sa gate oh.", sabi ko kay Devon na kausap ko ngayon sa cellphone, hinihintay ko kasi siya. Si Kathryn naman kasi nasa probinsiya nila ngayon, sa sabado pa ang uwi niya.

"Oo Karen! Hintayin mo ko.", sagot niya. "Manong Sam, malapit na ba tayo?", narinig ko tanong ni Devon sa driver niya. Narinig ko naman na umoo yung driver niya.

"Oo na. Basta bilisan mo ah. Pag ako nainis talaga iiwan na kita.", sabi ko.

At ibinaba na namin ang tawag. Umupo muna ako sa may bench sa gilid. At may lumapit sa'kin na dalawang babae, sila Myrtle at Alexa.

"Oh Karen. Sino hinihintay mo dyan?", tanong ni Alexa.

"Si Devon.", sagot ko.

Tumango sila at umalis na. Naguguluhan ako sa sitwasyon ko ngayon, sinasali ako ni Kathryn sa tropa nila pero ayaw nila kay Devon. Mabait naman yung tropa nila pero si Devon kasi. Hindi naman sa pagbabackstab... Pero Masama ugali niya. Maya-maya dumating na si Devon.

"Karen! Karen! May balita ako sa'yo! Good news to beh!", sigaw ni Devon.

"Oh ano nanaman yun?", tanong ko sa kaniya.

"Sinasali tayo ni Myrtle sa tropa nila! Sisikat tayo sa school. Iisnobin natin sila Kathryn hehehe!", pagbabalita niya sa akin.

"Ano?! Pag-iisipan ko muna kasi sinasali din ako ni Kath sa tropa nila eh.", sabi ko.

"Eh hindi naman sikat yun. Panget dun, malungkot. Dun kela Myrtle masaya kasi famous. Tsaka diba, ayaw naman sa'kin nila Kathryn, baka plastikin lang ako dun.", sabi ni Devon.

"Hindi ka naman nila sinasali eh. Ako lang. So ganun pala yun, gusto mo lang sumikat? Kung ganun pala edi kela Kathryn na lang ako sasali.", sabi ko kay Devon.

"WHAT?! Pag sumali ka kela Kath, hindi mo na ako bestfriend!", sigaw ni Devon.

"Wala namang ganyanan Devon!", sigaw ko din.

"Mamili ka! Ako o si Kathryn?!", tanong niya.

Napatulo ang luha ko at tumakbo ako palayo. Simula nun sumama na ako sa tropa nila Kathryn. Palagi kami gumagala at nagsasaya. Tumaas din ang grades ko simula nang sumama ako sa kanila. Naramdaman kong masaya pala talaga kapag may tropa kang madami. Pero isang araw, tumibok ang puso ko sa isa sa mga katropa ko, ang kasintahan ng bestfriend ko, si DANIEL PADILLA. Magmula nun lumayo ako sa kanila at sumama sa tropa nila Myrtle, Alexa at Devon. Pero nung andun ako sa kanila, hindi ko naramdaman yung kasiyahang naramdaman ko kasama sila Kathryn. Sumikat kaming apat bilang mean girls ng school. At naghiwalay kami nung field trip namin sa mansion na pumatay sa marami sa amin.

*END OF FLASHBACK*

ALEXANDER'S POV

Asan ba ko? Nawawala na yata ako. Kailangan ko silang mahanap. Magkakasama kami nila Cess, Xian at Sarah ngayon. Nagtago kami sa isang kwarto dito.

"Hoy Sarah, bakit sumunod ka pa dito?", sabi ni Cess.

"Pakielam mo ba!", sagot ni Sarah.

"Sumama ka na lang kay Andrea! Baka mamaya dahil sa'yo, mamatay pa kami.", sabi ni Cess.

"Ano bang problema mo?! Inaano ba kita, nananahimik ako dito eh.", sagot ni Sarah.

"Naiinis kasi ako sa mukha mo!", sabi ni Cess.

"Ano ba Cess! Kung ganyan ka lang, ikaw nalang yung magpakamatay! Nakakabuwisit ka na eh. Kanina ka pa sa kwarto nila Jane!", sigaw ko. Napakapapansin kasi, galit na galit sa mundo.

CLANK... CLANK... [A/N: kalansing ng kadena]

"Teka guys! Wag muna kayo maingay!", pabulong na sabi ni Xian.

"Bakit?", tanong ni Cess.

"May naririnig akong kalansing ng kadena.", sabi ni Xian.

"Kadena ba kamo?", tanong ko.

"Oo kadena.", sagot ni Xian.

Itinuro ko yung bandang pintuan. Dahil may napakahabang kadena dun.

THIRD PERSON'S POV

Unti-unting lumabas ang aparisyon ni Sophie sa pintuan at hinawakan ang kadena. Pumunta sa isang sulok ang apat para magtago pero kitang-kita naman sila ni Sophie. Iwinasiwas ni Sophie ang kadena at inihagis sa apat. Pumulupot ito kanilang leeg ng napakahigpit hangga't sa ang kanilang ulo ay... NAPUGOT.

NADINE'S POV

Kakamatay lang ni Devon sa harapan naming lahat. Tapos yung apat naming kaibigan hindi namin alam kung ano ang nangyari sa kanila. Si Axel naman nakita na namin at kasama na namin sya ngayon. Nakahiga ako sa lap ni James ngayon at kinakantahan niya na lang ako para mawala yung takot na nasa dibdib ko. Yun lang ang tanging nakakapagpaalis ng takot ko. Ang boses ni James.

Kami ni James ang nasa unahan kaya nasisilip ko ang nangyayari mula sa labas ng butas.

Napansin kong may apat na gumugulong mula sa labas. Sinilip ko kung ano yun, at sobra kong natakot nung nalaman ko kung ano iyon. Ulo iyon nila Xian, Alexander, Sarah at Cess. Sisigaw dapat ako pero tinakpan ni James ang bibig ko.

"Don't shout babe. Don't shout. Andrea might hear you.", sabi ni James at hinalikan niya ko sa noo.

"Nadz, kumalma ka. Anong nakita mo?", tanong ni Kath.

"Kath. Ulo! Mga ulo.", inilabas ko yung takot ko sa pamamagitan ng pag-iyak.

"U-ulo? Ulo nino?", tanong ni Miles.

"Ulo nila Sarah.", sagot ko.

"Sino sino sila?", tanong naman ni Jane.

"Silang apat na nawawala.", sagot ko.

"Andito na si Sophie. Kelangan na natin gumalaw!", suhestiyon ni DJ.

Nung sinabi niya yun, nagsimula na kami muli gumapang hangga't sa napadpad kami sa isa sa mga butas. Pumasok kaming lahat dito at isa itong library. Napakadaming libro pero hindi pamilyar ang lahat ng ito.

KATHRYN'S POV

NilIbot naming lahat yung library. Nung nasa dulo na ko, nakita ko nanaman yung portrait na sobrang pamilyar sa'kin. Yung portrait na nakita namin nung unang punta namin dito. Teka, parang may nakasulat sa ibaba ng larawan...

"OH MY GOD!"

____________________

Sorry po kung ngayon lang ulit nakapag-update. :)
Please leave a vote and comment. Sana po mag-comment po kayo and mag-vote para malaman ko kung ano yung reactions niyo. Salamat po! 😁✌️

-prinsipetimoteo. :)

Mansion of the Haunted 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon