JULIA'S POV
Limang araw na ang nakalilipas magmula nang pinauwi kami ni Principal Spencer sa mga bahay namin. Si Barbie ay nag-dropout na din at kasama ko siya ngayon. Sa facebook na lang kami mag-uusap-usap tungkol sa plano namin.
***
GROUP CHAT
Mika Dela Cruz: guys, ayaw akong payagan ni mommy.
Liza Soberano: ako din eh.
Karen Reyes: eh pano nayan?
Barbie Imperial: ang mga hindi makakasama ay hindi titigilan ng sumpa. Kaya gawin niyo ang lahat para makasama.
Julia Baldivia: Oo. Para hindi na ulit tayo mabawasan, nasundan na tayo ni Sofia kaya kailangan nating magawa ang orasyon sa lalong madaling panahon!
Daniel Padilla: Tama. Bukas kaya?
Johanna Celis: Mga anak, mama 'to ni Johanna.
Loisa Andalio: Hi tita. Asan po si Kiray?
Johanna Celis: wala na si Johanna. Wala na ang anak ko!
Kathryn Bernardo: Po?
Loisa Andalio: Ano po? Wala na si Kiray?
Daniel Padilla: Ha?
Miles Ocampo: Ano po?!
Julia Baldivia: Sht! Di yan totoo!
Barbie Imperial: Kiray! Di magandang biro yan!
Liza Soberano: WHAT?!
Mika Dela Cruz: >:( nakakainis ha.
Johanna Celis: mukha ba kong nagbibiro? Wala na si Johanna, pwede ba kayong pumunta rito ngayon sa Celis Memorial Chapel para maikwento ko sa inyo?Nagpaalam agad kami ni Barbie kay mommy at pinayagan naman niya kami. Pero kailangan kasama namin si Manong Opet, pumayag na kami para makapunta kela Kiray. Pagdating namin sa chapel andun sila lahat, mabuti naman at na-convince nila mga parents nila na payagan sila. Niyakap kami ng mama ni Kiray nang makita niya kami.
"Tita what happened to Kiray?", tanong ni Liza.
"Maupo muna kayo.", sabi ng mama ni Kiray.
Nagsi-upuan kami at nagsimulang magkwento si tita.
KIRAY'S MOM POV
"Apat na araw na ang nakalilipas magmula nang umuwi kayo galing sa Boarding School na yun; Bale kagabi lang ito nangyari..."
***
Flashback....
Nagluluto lang ako ng hapunan nung time na yun. Magkakaroon kasi dapat kami ng celebration para sa pagka-promote ng papa niya, tapos nakarinig ako ng kalabog mula sa taas. Kwarto ni Kiray ang nasa taas ng kusina kaya sigurado akong sa kwarto niya iyon nanggaling. Nagmadali akong umakyat kasama si Yaya Trix.
"Johanna! Anong nangyayari sa'yo dyan, are you okay?", tanong ko kay Johanna.
"Sophia, Tigilan mo na kami!", naririnig kong sigaw ni Johanna magmula sa loob ng kwarto. "Maawa ka Sophia! Wag mo kong papatayin! Utang na loob.", rinig na rinig ko ang iyak ni Johanna.
"Yaya Trix, kunin mo yung susi, bilisan mo.", utos ko kay Yaya Trix. Mabilis siyang bumaba para kahanin ang susi ng kwarto ni Johanna.
"Johanna, are okay? I'll get help.", sabi ko.
"Mama! Help me. Papatayin ako ni Sophia. She's here! Andito siya sa loob ng kwarto ko. Please hurry up!", takot na takot na sabi ni Johanna.
"Ma'am eto na po yung susi.", at binigay sa'kin ni Yaya Trix yung susi. Ngunit pagbukas ko... Huli na ang lahat.
"Ma, I love you ..", yun ang huling salita ni Johanna bago siya tuluyang mahulog mula sa bintana
"JOHANNA!!!!!!!"
***
JULIA'S POV
BINABASA MO ANG
Mansion of the Haunted 2
HorrorBabalik ang magkakaklase sa mansyon... May babalik... May dadagdag... May susunod pa bang mamamatay? O talagang buo na silang lalabas?