LOISA'S POV
Natatakot ako! Ayoko ng ganito. Yung pinto! May nagbubukas. Nananaginip lang ako, hindi pwedeng mangyari 'to.
*FLASHBACK*
January 26, 2006 - 3:26 AM
"Walang hiya ka Dante! Anong karapatan mong lokohin ako.", sigaw ni mommy.
"Walang magtyatyaga sa'yo Emilia! Ang pangit-pangit mo na nga, ang KJ mo pa. Pasalamat ka nga natagalan kita ng pitong taon eh.", lasing na sabi ni daddy.
Lumabas ako ng kwarto at nakita ko sila Yaya Gie at Manang Laila na nasa harap ng pintuan nila mommy at daddy. Parang may pinapakinggan sila. May naririnig din akong sigawan mula sa kwarto ng parents ko.
"Yaya! Manang! Anong ginagawa niyo diyan?", tanong ko sa kanila.
"Ay naku bata ka! Pumasok ka na sa kwarto mo at matulog ka na.", sabi ni Yaya Gie.
"Eh bakit kayo nakikinig sa usapan nila mommy? Matulog na din kayo kundi isusumbong ko kayo!", sabi ko at natakot naman sila kaya natulog na din sila.
Pagpasok ko sa aking kwarto, nababagabag ako kung ano ba talaga ang nangyayari sa kwarto nila mommy. Walang tigil yung sigawan nila, kaya lumabas ako ng kwarto ko at binuksan ng kaunti ang pintuan ng kwarto nila. Nagulat ako sa nadatnan ko, yung baril ni daddy nakatutok kay mommy.
"Hon, wag mong gawin 'yan.", umiiyak na nagmamakaawa si mommy.
"Hindi! Kung hihiwalayan mo ko at isasama mo si Loisa, mabuti pang mamatay ka nalang!", sigaw ni daddy.
"Wag Hon please. WAAAAAAG!", sigaw ni mommy.
*BENG!
Nagulat ako kaya bigla kong naisara yung pinto. Napansin yata ni daddy kaya tumakbo ako ng mabilis papuntang kwarto ko at nilock ko yung pinto. Nagtago ako sa isang sulok na madilim at umiyak.
PILIT NA BINUBUKSAN NI DADDY YUNG PINTO. Kaya habang binubuksan ni daddy yung pinto, kinuha ko yung cellphone ko at tinawagan ko si Jane. Kasi yung bahay nya ay nasa kabilang kanto lang at pulis ang daddy niya. Pabulong lang ang mga salita ko.
Loisa: H-hello Jane...
Jane: Bakit Loisa? Anong oras na ah.
Loisa: I need your help Jane. Tulungan niyo ko, papatayin ako ni Daddy. Puntahan niyo ko dito sa bahay, help me.
Jane: What?! Sige sasabihin ko kay Papa na puntahan ka dyan.
Loisa: Sige bye.
"Loisa 'nak. Papasukin mo si daddy. Hindi kita sasaktan!", sabi ni daddy habang pilit na pinipihit ang doorknob.
"B-bukas ka nalang p-pumunta d-dito sa kwarto ko d-daddy. Natutulog na po a-ako eh.", sagot ko.
"May kukunin akong papeles 'nak.", sabi muli ni daddy. Papatayin niya ako.
"Bukas nalang ng umaga!", sigaw ko.
"Di bale may duplicate key naman ako eh. May paraan naman eh.", sabi ni daddy. Biglang tumigil si daddy sa pagpihit ng doorknob. Umakyat ako ng mabilis patungo sa ibabaw ng cabinet ko. Sana hindi niya ako makita dun dahil may nakaharang naman na kurtina eh. Maya-maya napansin kong nabuksan na yung pintuan ng kwarto ko at pumasok si daddy at hawak ang baril niya.
"Loisa, di ka sasaktan ng daddy. Lumabas ka na.", pagtawag sa'kin ni daddy. Tinakpan ko ang bibig ko at umiyak ako ng umiyak. Tumingin si daddy sa kinaroroonan ko. Palapit na siya nang palapit dito hangga't sa...
BINABASA MO ANG
Mansion of the Haunted 2
HorrorBabalik ang magkakaklase sa mansyon... May babalik... May dadagdag... May susunod pa bang mamamatay? O talagang buo na silang lalabas?