Jane's POV
Papasok na kami sa pangatlo sa huling butas. Unang pumasok ang nasa unahan, si Karen. Galit na galit pa din si Kathryn kay Karen.
"Anong kailangan natin dito?", tanong ni Karen.
"Kutsilyo na ipangsasaksak namin sa'yo kapag hindi ka nanahimik dyan. Wag kang maingay! Makinig ka nalang, buset ka.", sabi ni Kathryn.
"Uhm ano... Gento nalang, humanap tayo ng kahit anong bagay na alam niyong magagamit natin", sabi ni DJ.
"Sige sige.", sagot ko kay DJ.
Nagsimula na kaming maghanap ng kung ano-ano. Hangga't sa may nakitang susi si Ate Kim.
"Guys! May susi ohh.", tawag sa amin ni Ate Kim.
"Sige let's go. Yan nga yung kailangan natin dito sa butas na ito.", sabi ni DJ.
Isa-isa kaming lumabas sa butas. At pumunta kami sa huling butas, hindi pa din match ang susi.
"Guys, hindi match.", sabi ni DJ.
"Baka sa dito ohh.", turo ko katabing butas.
Sinubukan ni DJ ipasok ang susi at nag-match! Pumasok sila DJ, Kathryn, Quen, Ako at Julia Montes sa loob ng butas.
"Ibig sabihin susi ang kailangan nating hanapin dito.", sabi ni DJ.
Habang naghahanao kami ng susi. Natabig ko yung banga sa gilid kaya natumba ito at nabasag. Napansin kong may laman pala yung banga, nakita ko sa sahig ang isang envelope. Pinulot ko ito.
"Guys look ohh! May envelope.", pagtawag ko sa kanila.
Agad naman silang lumapit sa akin. Binuksan ko yung envelope at may laman itong papel at susi. Binuksan ko yung papel at binasa ko yung nakasulat.
_______________
Kung sino man ang makababasa nitong liham na ito, gusto kong malaman niyo na ang pamilya na nakatira dito ay may itinatagong malaking sikreto. Ang pamilya Andres ay isang pamilya na punong-puno ng misteryo. Kaya gusto kong matalo ninyo sila. Ako si Gloria Romero, isa ako sa mga kasambahay ng Pamilya Andres. At makatutulong ako sa pagpuksa sa kanilang pamilya. Gamitin ninyo ang duplicate na susi para makapasok sa pangatlong butas. Dun niyo makikita ang solusyon sa lahat ng inyong problema. Sa pagpunta ninyo sa loob ng panaginip, tawagin ninyo ako sa pamamagitan ng pagtawag sa aking pangalan at tutulungan ko kayo. Sapagkat wag ninyong puksain ang kakambal ni Sofia na si Sophie. Mabuti si Sophie at malayo ang loob niya sa kanyang pamilya. Dalian na ninyo bago maubos ang inyong oras.
_______________
Umalis na kami at pumunta sa pangatlong butas, sinubukan namin ang susi at nag-match na siya. SA WAKAS! Pumasok kami at kinuha na namin yung mahabang tali, ang sampung kulay dilaw na kandila, lighter, at ang susi sa pupuntahan naming lagusan para gawin ang ritual.
Pagkalabas namin, pumunta kami sa panghuling butas at binuksan na namin 'yun.
"Kath, whatever happens, I love you so much. I'm so sorry.", sabi ni DJ.
"Alam mo namang hindi kita kayang tiisin, diba DJ? Sorry mo lang naman hinihintay ko ehh. I love you too.", sagot ni Kath.
Sinindihan namin ang mga kanila at inayos yun ng paikot. Itinali namin sa isa't isa yung tali at humiga. Ilang minuto din bago ako nakatulog at boom!
_______________
Andito na kami ng mga kaibigan ko sa panaginip ko. At nagulat kami sa aming nasasaksihan. Nakahilera sila at umiiyak.
"Guys! Salamat at nakarating na din kayo. Tulungan niyo kami.", umiiyak na sabi ni Mika.
"Oo, tutulungan namin kayo.", sagot ni Kath.
"Gloria Romero, magpakita ka sa amin!", sigaw ni DJ.
At wala pang ilang segundo, lumabas din agad si Gloria.
"Salamat at nagtagumpay kayo.", sabi ni Gloria. May sinabing pabulong si Gloria at biglang sumulpot mula sa kawalan si Sofia at ang mga magulang niya.
"Yaya Gloria?", tanong ni Sofia.
"Ako nga Sofia. Asan si Sophie! Anong ginawa ninyo sa kanya?", tanong ni Gloria.
"Manahimik ka Gloria! Wala na si Sophie! Pinatay na siya ni Sofia. Kinalaban niya kami ehh. At sino naman yang mga bastardong mga kasama mo?", tanong ni Mrs. Andres,
"Sila ang tatalo sa inyo Katrina. Mga walang hiya kayo!", sigaw ni Gloria.
Lumapit si Mr. Andres at sinakal si Gloria. Malapit na siyang mamatay!!!
"Sa-sabihin n-ninyo a-a-ang n-nakasu-sulat s-sa li-likod ng pa-pa-pa-papel. Y-yun ang ma-makakapag-pal-palaya sa mga kaibigan n-nyo.", pagkatapos sabihin ni Gloria ang mga salitang yun, nalagutan na siya ng hininga.
Binasa ni DJ ang nakasulat sa likod ng papel.
"Sa pamamagitan ng kapangyarihan ko, pinapalaya ko si.... Liza!", sabi ni DJ. Biglang nawala si Liza sa kanyang kinalalagyan.
Pero habang nawawala ang mga kaklase namin sa hilera. Yung iba nawawala ng parang bula at yung iba parang pumapasok sa katawan ni Sofia.
"Sa pamamagitan ng kapangyarihan ko, pinapalaya ko si..... AHHHHHHHHHH!", sigaw ni DJ. Dahil biglang may mga ugat na pumulupot sa leeg ni Daniel at sinakal siya.
"Jane! Kunin mo yung papel at ituloy mo!", sigaw ni DJ.
Pulang-pula na si DJ pero parang maya-maya magiging violet na sya. Bumabakat na rin sa leeg niya yung mga ugat. Tinatanggal din ni Kathryn ito. Nahati na sila, nakuha na ni Sofia sila, Chie, CJ, Kristel, EJ, Jerome, Igiboy, Trina , Jairus at Yves.
"Sa pamamagitan ng kapangyarihan ko si... MIKA!!!!", nawala na lahat ng nasa unahan namin. Oras na para pakawalan si DJ at talunin ang pamilya Andres.
"Sa pamamagitan ng kapangyarihan ko, mawawala ang ugat na sumasakal kay Daniel Padilla!", sigaw ko.
Bigla namang ang mga ugat at napadapa si DJ at umubo-ubo. Nang makahinga na ulit siya ng ayos, nagtulong-tulong na kami.
"Hindi kami papayag na hindi namin kayo matalo.", sigaw ni DJ.
Kitang-kita ko pa rin yung mga ugat na bumakat sa leeg ni DJ. Kinuha ko yung rosary sa bag ko at si DJ kinuha niya yung holy water sa bag nya. Hinagis namin sa kanila ang rosaryo at binuhusan sila ng Holy Water.
"Sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Diyos! Hinihiling namin na manahimik na sila Katrina Andres, Ferdinand Andres at si Sofia Andres!", sigaw namin nila DJ at Kathryn.
Nawala naman ng parang bula sila Sofia at ang mga magulang niya. Biglang naman kaming nagising mula sa panaginip.
_______________
Pagkalabas namin ng mansyon, dumiretso kami sa bus at may narinig kaming ingay doon. Pagpasok namin andun na ulit sila. Buhay sila, pero nawala na dun ang katawan nila Chie, CJ, Kristel, EJ, Jerome, Igiboy, Trina , Jairus at Yves. Pumasok kami sa loob ng bus at niyakap namin ang isa't-isa. Pinaliwanag namin sa kanila ang nangyari at bumalik na din kami sa sari-sarili naming mga bahay.
_______________
1 week later...
Sa iisang school na kami nag-aaral. Dun na din sila napasok. Sisimulan namin ang bago naming buhay dito. NEW SCHOOL, NEW LIFE...
_______________
"Walang awa nila akong pinatay, walang awa din akong papatay....", mala-demonyong sabi ni SOPHIE ANDRES.
_______________
HAHAHA! Di pa tapos ang story. May bagong magaganap sa kanila. :)
Hindi pa tapos ang patayan, dahil andito pa si SOPHIE ANDRES, ang walang awang pinatay ng pamilya Andres. Ang lahat ng pumasok sa bahay ay madadamay, at ang lahat ng nasa loob ng klase na napuntahan ay madadamay. >:D
Please leave a vote and comment please. :)
-handsome prince/prinsipetimoteo
BINABASA MO ANG
Mansion of the Haunted 2
HorrorBabalik ang magkakaklase sa mansyon... May babalik... May dadagdag... May susunod pa bang mamamatay? O talagang buo na silang lalabas?