JANE'S POV
"Ikaw?!"
"Oo ako nga Jane.", sabi nung babaeng nasa harapan ko.
"Bakit? Bakit ka nasa panaginip ko? Anong kinalaman mo sa mga nangyayari ngayon?!", tanong ko.
"Lahat! Ako ang may pinagmulan ng lahat. Kung dati si Sofia, ngayon ako.", pagkasabi niya nun bigla syang ngumiti ng nakakatakot.
"Ipaliwanag mo nga ANDREA.", sabi ko.
"Ako ang pinagmulan ng lahat ng ito. Walang awa akong pinatay nila mama, papa at Sofia. Ngayon, ako naman. Ako naman ang papatay kaya simula paggising mo magtago na kayo, wala nang rules. Pero hangga't andito ako, mamamatay at mamamatay kayo.", at unti-unting naglaho ang katawan niya kasabay ng aking paggising.
Pawis na pawis ako paggising ko. Umupo si Loisa at binuksan ang switch ng ilaw na nasa taas ng headboard niya.
"Jane, anong nangyari?", tanong ni Loisa na pupungas-pungas pa.
"Loisa, si Andrea. Siya ang pinagmulan ng lahat. Wala nang rules pero kailangan nating magtago sa kanya dahil hangga't andyan sya malaki ang pagasang mamatay din tayo.", sabi ko.
"T-teka muna Jane. Anong ibig mong sabihin? Andrea? As in Andrea Ophies?", naguguluhan nyang tanong.
"Oo Loisa. Halika na, kailangan natin silang sabihan na magtago na.", sabi ko.
Nagmamadali kaming tumayo ni Loisa at lumabas ng kwarto. Naiba ang itsura ng labas? P-parang ganito ang itsura nito nung niligtas namin sila Michelle. Una naming pinuntahan ang bedroom 1,2 and 4. Kaya walang 3 dahil yung ang kwarto namin. Pinuntahan namin lahat ng kwarto pwera lang sa bedroom 13, dahil wala nang tao dun. Kwarto yun nila Andrea at Nichole. Ang daming nagulat sa pagbabago ng itsura ng bahay lalo na yung mga nakarating na dito noon. Nagsama-sama kami sa kwarto namin ni Loisa.
"Guys napansin nyo? Yung itsura nung bahay, yun yung itsura nung first time natin naranasan 'to?", sabi ni Julia Barretto.
"Oo nga Julia. Ganun na ganun yun.", sabi ni Enrique.
"Ano bang nangyayari? Pwede bang paki-explain?! Jane?", naguguluhan na din si Ate Alex.
"Yeah. We cannot understand what you are talking about?", sabi rin ni Kuya Daniel. [A/N: Pag may Kuya it means yung Matsunaga]
"Nananaginip ulit ako.", sabi ko sa kanila.
"ANO?!", gulat na tanong ni Kath.
"So what? Lahat naman tayo nananaginip ah. Anong incredible dun?", tanong ni Cess.
"May kakayahan si Jane na managinip na konektado sa nangyayari sa atin ngayon.", masungit na sabi ni Karen kay Cess.
"Tama si Karen. At napanaginipan ko si Andrea Ophies. Sabi niya wala na daw rules pero magtago na daw tayo nang magtago dahil hangga't andyan sya hindi nya tayo titigilan. Papatayin niya tayo.", paliwanag ko sa kanila.
"As in yung classmate natin na Andrea Ophies?!", nagulat sila lahat.
"Oo, si Andrea.", sabi ko.
"Now I get it guys! Andrea Ophies is related to Sofia Andres, Ferdinand Andres and Katrina Andres!", biglang sigaw ni Alexa.
"Shunga ka ba?! Ang layo ng Ophies sa Andres ah?", pambabara ni Devon.
"Mas shunga ka. Arrange the letters of Andrea Ophies. Yung A ng Andrea sa dulo palitan mo ng S tapos yung S sa Ophies ilagay mo sa unahan. Mabubuo mo ay Andres Sophie. Pag binaliktad mo yun magiging Sophie Andres! Tangang 'to.", paliwanag ni Alexa.
"Sophie Andres? Diba siya yung sinasabi ni Lola Gloria?", tanong ni Miles.
"Ahh oo nga no'?! Pero diba sabi niya mabait na bata daw si Sophie? Pero bakit niya tayo gegentuhin?", tanong ni DJ.
"Sabi sa'kin ni Sophie sa panaginip ko, walang awa daw syang pinatay ng mama, papa at ate niya kaya walang awa din siyang papatay.", sabi ko sa kanila.
"Nanay nya si Katrina. Tatay nya si Ferdinand at Ate niya si Sofia!", sabi ni Kathryn.
Pagkatapos sabihin yun ni Kathryn biglang may nag-ikot nang nag-ikot ng doorknob buti naka-lock. Pinipilit buksan nung nasa labas yung pinto, sobrang takot na takot na kami. Umiiyak na yung iba naming kasama. Tinignan ko si Loisa at umiiyak siya, niyakap ko siya nang mahigpit dahil sigurado ako, naalala nanaman niya. Naalala nanaman niya ang kanyang... Mapait na nakaraan.
____________________
Ano nga kaya ang mapait na nakaraan ni Loisa? ABANGAN SA NEXT CHAPTER.
Vote and Comment ah. 😘-prinsipetimoteo. :)
BINABASA MO ANG
Mansion of the Haunted 2
HorrorBabalik ang magkakaklase sa mansyon... May babalik... May dadagdag... May susunod pa bang mamamatay? O talagang buo na silang lalabas?