Remaining Students:
Lustre, Nadine
Bernardo, Kathryn.
Andalio, Loisa
Padilla, Daniel
Ocampo, Miles
Reid, James
Gil, Enrique
Dela Cruz, Mika
Barretto, Julia
Chiu, Kim
Salvador, Janella
Montes, Julia
Reyes, Karen
Soberano, Liza
Gumabao, Marco - EXCEMPTED
***
BARBIE'S POV
Pinunit ko ang pages ng journal ni Sophia simula sa October 6, 1974 hanggang sa huling sulat niya noong October 13, 1974. At pinalitan ito ng bagong sulat.
October 6, 1974
It's been a happy day, as always. 2 months ago nagkabati kami ng kakambal ko na si Sophie. Masarap talaga kasama yung kapatid ko na yun, akala niya wala akong pakielam sa kanya dati, pero ang totoo, mahalaga sa'kin si Sophie. Ngayon katabi ko siya at magkasundo na kami. Kahit na wala mang korte ang katawan niya kagaya ko, kahit mas mahal siya ng parents namin, pero atleast pinaparamdam niya sa'kin ang pagmamahal ng isang kapatid. Paulit-ulit sinasabi ni Sophie na mabait na ko pero hindi siya pinaniniwalaan. Haysss. Kasalanan ko rin naman.
October 7, 1974
Nakakatawa talaga kanina, pinuntahan namin si Sophie yung pinaglalaruan namin na playground dati. Umupo kami sa swing at nag-usap ng mga bagay na ginagawa ko sa school. Nakaramdam ako ng konting awa sa kakambal ko. Nakakainis naman eh, I created my name in school as a mean girl at ngayon sinasayang ko yung pagkakataon na pwede namang ibigay nalang kay Sophie. Pangarap pala ni Sophie na makapasok ng school. She deserves to go to school kesa sa'kin. Alam ko na gagawin ko para ma-try niyang makapasok sa school, magpapanggap siyang ako.
October 8, 1974
Success! My plan worked. Pag-uwi niya sa bahay, ang saya-saya niya, hindi mapapantayan ng kahit na anong halaga ang saya niya. Tinanong ko siya kung ano ang ginawa niya sa school, baka nabully. Pero hindi, nambully daw siya. Nanabunot, nang-away ng teacher at kung ano-ano pang bullying, kasi daw baka mahalata ang disguise namin. Tawa kami ng tawa kanina so bully pala talaga ako. Okay sige na, goodnight Journal.
October 9-11 hindi nasulatan ni Sophia ang diary nya kaya nilagay na agad namin sa 12.
October 12, 1974
Tuloy-tuloy pa din ang pagbo-bonding namin ni Sophie. Nakakalungkot lang dahil bukas dadalin na nila lolo at lola si Sophie sa America at dun na siya mag-aaral. Buong araw kami nagbond ni Sophie. At magtatabi kami ngayon ni Sophie sa pagtulog dahil matagal na ulit bago ulit mangyayari ito. Mamimiss ko ng sobra ang kapatid ko na 'to. Naiiyak nanaman ako. Sige na goodnight na journal.
October 13, 1974
Naninibago ako. Wala na dito ang kakambal ko. Namimiss ko na siya. Pero kanina lang bago ako pumasok sa kwarto ko, umiyak ako sa harapan nila mommy at daddy at sinabi sa kanila na gusto kong sumunod kay Sophie dahil sobrang miss ko na siya. At pumayag sila, bibilhan daw nila ako ng ticket bukas at makaka-alis din agad ako bukas ng gabi. Kahit mahal ang ticket ng biglaang booking, makasama ko lang muli si Sophie.
Binuklat ko ulit ang next page, hindi na note ang nakalagay kundi isang article ng dyaryo.
***
Oktubre 15, 1974
Eroplano mula Pilipinas papuntang Amerika, nag-crash
Ang eroplanong papuntang Estados Unidos na mag sakay na mahigit 100 pasahero ay nag-crash matapos ang ilang kilometro ng byahe. 10 ang nasabing nasawi sa insidenteng ito at marami pa ang hindi pa natatagpuan. Kasama sa nawawalang pasahero ang anak ng Pamilya Andres na si Sophia Louise Andres. Pansamantalang hinahanap pa ngayon ang mga nawawalang pasahero.
***
Matapos naming palitan ang mga sulat. Sabay-sabay naming inihagis ang journal ni Sophia sa apoy. Sana nga ay matapos na ito ng tuluyan.
__________
Last 2 Chapters for MOTH! 😁
BINABASA MO ANG
Mansion of the Haunted 2
HorrorBabalik ang magkakaklase sa mansyon... May babalik... May dadagdag... May susunod pa bang mamamatay? O talagang buo na silang lalabas?
