Chapter 4

2.1K 111 13
                                    

Haw haw readers! 😁

May request ako sa inyo... (Kung okay lang naman)

Mag-vote naman kayo at mag-comment sa mga updates ko. HAHAHAHAHA! Kasi parang nakakatamad magsulat ng story pag walang nagbabasa. 😳 (emote)

Osya, mahal ko naman kayo ehh, kahit konti lang nagbabasa. Maga-update na ko. 😝

Palagay ko maiinis kayo kay Karen sa chapter na 'to.

_______________

Loisa's POV

Ohh! Kayo pala. Hahaha! I'm Loisa Andalio, anak nila Mr. At Mrs. Andalio. By the way, andito pa din pala kami sa nakakatakot na mansyon na ito. To save our friends... And si Karen? Ayun hinatak na din ng multo. Katapat namin ang isang napakalaking pinto. Ano kaya laman nito? Ayokong mangielam baka ikamatay ko pa ang pangingielam ko.

Jane's POV

HAY! Papasukin ba namin tong pintuan na 'to o hindi? Nagdadalawang-isip pa kami. Pero sa huli, nanaig pa din na bubuksan namin yung pintuang big. Baka puntod din? Hinawakan ni Quen yung doorknob, dahan-dahan niyang pinihit at unti-unting binuksan. Sh*t ano 'to?

"OMG! Dito tayo nag-ghost haunting! Yung activity noon.", gulat na sabi ni Julia Barretto.

"Oo nga! Ito nga yun.", sabi ni Miles.

"Ibig sabihin, nakakonekta ang bahay na ito sa dulo ng kakahuyan?", tanong ni DJ.

"Posible.", pagsang-ayon ni Kath.

"Andito si Karen?", tanong ni Maris.

"Oo Maris. Kung dito nanggagaling ang sigaw, andito nga siya. Pero kung gusto pa natin siyang maabutan ng buhay, halika na.", pagyayaya ko.

Naglakad kami sa kakahuyan at hinanap kung merong bakas ni Karen dito. At sa damuhan nakita namin ang bag ni Karen. Paano namin nalamang kay Karen 'to? Malamang, kanya lang naman ang bag na may nakatahi na Karen sa gilid. Tuloy-tuloy lang kami sa paglalakad hanggang sa umabot kami sa ilog.

"Naka-abot na tayo dito sa ilog, pero oh my gee... We haven't saw any clues kung asan si Karen.", nagpapadyak na sinabi ni Janella.

"Wait... Guys tignan niyo, over there!", sabi ni Julia Montes habang may itinuturo na lumulutang na tao sa ilog.

Na-realize naming si Karen yun kaya nilangoy ni Quen ang ilog at dinala si Karen sa lupa.

"Paano ba 'to?", tanong ni Julia Barretto.

"Who knows how to CPR?!", tanong ni Janella.

"Ako...", sabi ni DJ.

Lumapit si DJ kay Karen at unti-unting inilapit ang mukha niya sa mukha ni Karen at ni-CPR niya ito.

*ubo ubo

"Guys....", yan ang unang salitang nasabi ni Karen pagmulat niya ng mata niya. Biglang niyang niyakap si... DJ?

Tinignan ko si Kathryn at mukhang nagulat siya sa ginawa ni Karen. Nag-crossarms na lang sya at nagkunwaring okay lang sa kanya.

"Halika na! Balik na tayo sa mansyon. Tapos na ang purpose natin dito.", sabi ni Kath.

Naglakad na kami papasok sa loob ng mansyon at pansin ko pa rin ang pagtingin-tingin ni Karen kay DJ. At pagtingin naman ng masama ni Kath kay Karen.

"Bie. San na ba tayo pupunta?", tanong ni Kath kay DJ.

"Dun ulit tayo sa lagusan Bie.", sagot ni DJ.

"DJ, pwe-pwede ba sa likod mo ako pupwesto mamaya? Kasi ba-baka kuhanin ulit ako ehh.", sabi ni Karen.

"Karen... I'm his girl so ako dapat yung nasa likod niya. So kung gusto mo yung malapit kay DJ dun ka sa unahan niya, okay?", nakangiting sabi ni Kath.

Natahimik si Karen sa sinabi ni Kathryn. Pumasok muli kami sa lagusan at si Karen dun sa harapan ni Quen pumwesto. Peyns! Hahahaha! Nayamot yata kay Kath.

"Guys look at that hole.", turo ni Maris sa isang butas.

Lumapit kami sa butas at pumasok sa loob nun. Bakit parang puro black lang ang nakikita namin, ang dilim!

"Waaaaaaaaahhhhhhhhhhh!!!!!!!!!!", dinig naming sigaw ng dalawang tao, parang babae at lalaki. Kinuha ko ang cellphone ko at binuksan ang assistive light.

"Si Karen at DJ... Nawawala?!", sabi ni Kath.

"I'm sure andito lang sila sa loob ng butas na ito.", sabi ni Julia Montes.

"Sige tara, hanapin na natin sila.", sabi ni Enrique.

Nagsimula na kaming maglakad sa dilim. Pero bakit ganun, medyo malayo ang nalakad namin wala pa din kaming nakikita na Karen at DJ. Hanggang sa marating namin ang bandang gitna. May malaking cabinet sa gilid nito. Dahan-dahan kaming lumapit sa cabinet at pagbukas namin nung cabinet nagulat kami sa nasaksihan namin. Sila Karen at DJ... Naghahalikan?!

"D-DJ?! Ka-Karen?!", naiiyak na sambit ni Kath.

"Nagkamali ka ng nakita Kath. She forced me to do that!", sabi ni DJ.

"She forced you? Pinilit ka lang, pero pumatol ka pa ding hayop ka! At ikaw naman Karen. Napaka-landi mo! Mang-aagaw!", umiiyak na sigaw ni Kath kela DJ at Karen.

"I'm so sorry Kath. Ayoko man, pinigilan ko Kath. Pero I really love your boyfriend! I really love DJ!", umiiyak na sabi ni Karen.

"Mang-aagaw ka! Sinungaling! Plastik! Papatayin kita!!!!!", sinasabi ni Kathryn habang pinagsasabunutan at pinagsasampal si Karen.

"Kathryn, tama na yan!", pamimigil ni DJ kela Kath at Karen.

"Shut the f*ck up DJ! Mas kinakampihan mo pa yang mang-aagaw na yan kesa sa'kin?!", sigaw ni Kath.

"Of course not Kathryn! You are my girlfriend so I am on your side. I will always be at your side! But Kathryn, wouldn't you let me explain first?!", tanong ni DJ.

"Alam ko ang nakita ko DJ. Sapat na yun. Mag-cool off nga muna tayo.", sabi ni Kath.

"What?! Kath no please...", pagmamakaawa ni DJ.

"Sinimulan mo. Pwes, tapusin mo.", matapang na sabi ni Kath.

"Oh my... Guys! Look at the class picture!", pagtawag ni Loisa samin.

Tinignan namin ang class picture buo na yung chest ni Sofia. Ulo na lamang niya...

_______________

Ayan, okay na muna yang UD na yan. Hahahaha!

Yoohoo! Mag-iwan naman kayo ng comments at vote ohh. Nakakatamad kasi minsan mag-UD ehh. 😞

Ayun, sige na.

-handsome prince/prinsipetimoteo

Mansion of the Haunted 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon