Hi @iraneri . Sorry sa late na update.
***
Remaining Students:
Lustre, Nadine
Bernardo, Kathryn.
Andalio, Loisa
Padilla, Daniel
Ocampo, Miles
Reid, James
Garcia, Joshua
Gil, Enrique
Dela Cruz, Mika
Barretto, Julia
Chiu, Kim
Salvador, Janella
Montes, Julia
Reyes, Karen
Soberano, Liza
Gumabao, Marco - EXCEMPTEDJULIA'S POV
"Guys. Hawak hawak tayo, whatever happens do not let go. I warn you never let go unless I told you. Maliwanag ba?", paliwanag ni Barbie.
Sumang-ayon kaming lahat at mahigpit na hinawakan ang kamay ng isa't isa at sabay-sabay na pumikit. Naririnig ko ang mga hikbi ni Miles at ang mahinang mga bulong ni Barbie.
"Dumilat na kayo pero wag niyong bibitawan ang isa't isa.", sabi ni Barbie.
Lumingon kami at nakita namin ang mga namatay naming kaklase, naiyak sila at magkaka-kapit din.
"Sama-sama nating tapusin 'to.", malungkot na sabi ni Michelle.
"Tama. Magkakasama tayo hanggang sa huli.", sabi ni Sharlene na halatang pilit ang mga ngiti.
"Guys, give us justice.", naluluhang sabi ni Jane.
Lahat kami ay umiyak na dahil nakita namin ang pagdurusa nila. Napakalungkot nila, kailangan naming bigyan ng hustisya ang pagkamatay nila.
"Julia, ang notebook?", tanong ni Barbie.
"Ayan sa tabi ko.", sagot ko.
"Hawakan niyo ako sa paa at wag nyong bibitawan ah, konektado pa din tayo.", utos ni Barbie.
Sinunod naman namin siya at kinuha niya ang notebook ni Sophia na nasa tabi ko at dinala sa page kung saan puno ng galit at poot ang mga nakasulat. Biglang pinunit ni Barbie ang pages na may mga masasamang nakasulat at itinapon iyon sa isang matibay na lata na may apoy sa loob. Pinagmasdan namin ang nasusunog na mga pahina at hindi usok ang lumalabas dito kundi parang isang anino ng babae. Nagulat kaming lahat ng pumasok sa katawan nila Loisa, Nadine at Kath ang mga anino at bigla silang napayuko at napabitaw sa kanilang mga katabi.
"Loisa, Uy Loisa anong nangyayari sa'yo?", inaalog ni Joshua si Loisa pero hindi magising.
"Nadine. Wifey... What's happening to you? Hey...", ginigising din ni James ni Nadine.
"Bie. Hey Bie. Ano ba? Nantitrip ba kayo? Walang ganyanan.", sabi ni DJ kay Kath.
"Isasama namin kayong lahat. MAMATAY KAYO!", sigaw nilang tatlo at sinakal nila sila Joshua, James at DJ.
JAMES' POV
"Isasama namin kayong lahat. MAMATAY KAYO!", the three girls shouted then they began choking our throats.
I-I can't breath. I feel like I'm out of air.
"N-nadine. P-please... Please stop. You're killing me."
"Loisa, nasasakal ako. Wag mong gawin 'to.", Joshua begged.
"B-Bie. Tama na. Alalahanin mo y-yung pang-pangako mo kay J-Jane.", Daniel told Kathryn.
We begged the but instead of stopping it, they continued and choked us more tightly. I looked at Daniel and Joshua. I saw Kathryn stopped and hugged Daniel, sa tingin ko she remembered her promise to Jane.
"I-I love you very much wifey. I know you can free yourself from that shadow.", sabi ko then I hugged her even it hurts my neck. After ilang minutes, she stopped and she fell into my arms.
We looked at Joshua and Loisa, pinipilit naming i-remove yung kamay ni Loisa from Joshua but she's so strong and Joshua might die in just a few more seconds.
"Hindi niyo ko mapipigilan! Papatayin ko 'to!", sigaw ni Loisa.
LOISA'S POV
Bakit ganun? Bakit hindi ko maalis ang kamay ko sa leeg ni Joshua. Mapapatay ko siya, mapapatay ko ang isa sa pinakamamahal ko. Hindi pwede. Kontrolado ng anino ang katawan ko at hindi ko mapakawalan ang sarili ko. Napansin kong tumigil na sila Kathryn at Nadine pero bakit ako, hindi.
"Loisa, tama na. Patay na si Joshua!", inaalog ni Miles yung katawan ko. Alam kong siya yun pero hindi ko ma-control ang buong katawan ko. Teka... Ano daw? Patay na si Joshua? Hindi! Hindi pwede 'to.
Biglang napapikit ako at napadilat at hawak ko sa leeg ang bangkay ni Joshua.
"J-Joshua... Joshua gising...", hindi siya nagigising.
"Loisa, patay na si Joshua. N-napatay...", hindi na natapos ni Liza ang sasabihin niya dahil pinutol ko ito.
"Ako ba ang pumatay sa kanya?", naluluha kong tanong sa kanila pero ayaw nilang sumagot.
"Sagutin niyo ako!!! A-ako ba ang pumatay kay Joshua?"
"Loisa....", hinawakan ni Kath ang balikat ko.
"M-mamamatay tao na ako? P-pinatay ko...... Pinatay ko si Joshua!!!", tumulo ang mga luha ko ng dire-diretso at hinampas-hampas ko ang aking ulo.
"Stop Loisa, stop. Hindi mo kasalanan. Wala kang kasalanan, tandaan mo 'yan.", naramdaman ko ang malamig na hangin sa likod ko. Nakita ko ang multo ni Jane sa salamin sa gilid, sya ang yumayakap sa'kin...
"Jane........", nakayuko kong sabi at umiiyak.
Inangat ko ang ulo ko at nakita ko si Joshua nakatayo na din kasama ng mga nawala naming kaklase.
"J-joshua...."
"Hindi Loisa, wala kang dapat i-sorry. Alam kong hindi mo ginusto yun. Sige na, ituloy niyo na ang pagtatapos nito."
***
Sorry po talaga sa mga naghintay ng matagal.
Last 3 Chapters...Chapter 23:
Babaguhin nila ang kapalaran ni Sophia.
Kapag binago kaya nila ang kapalaran ni Sophia, mababago din ang mga nangyari sa kanila?
Abangan niyo!-prinsipetimoteo.:)

BINABASA MO ANG
Mansion of the Haunted 2
HororBabalik ang magkakaklase sa mansyon... May babalik... May dadagdag... May susunod pa bang mamamatay? O talagang buo na silang lalabas?