JANE'S POV
Grade 10 na kami ngayon. And yung mga naibalik naming kaklase... Guess what?! Classmate na ulit kami. Bumalik ulit kami sa dorm kasi after nung nangyari nung sembreak umuwi muna kami sa sari-sarili naming bahay. Yung mga nagbalik naming kaklase nag-home schooling sila para makahabol, ngayon babalik na sila sa normal school as a GRADE 10 STUDENT. Last year as a Junior High School. Next school year Senior High na kami!
"Good Morning!", bati sa'kin nila Maris at Loisa.
"Good Morning din.", bati ko sa kanila.
Nag-ready na kami at dumiretso na sa canteen. Ang gulo grabe. Magkakasama kami ng buong tropa sa isang table. Pinag-dugtong dugtong namin yung table gaya nung ginagawa namin dati sa jollibee or sa mcdo kapag kumakain kami.
After kumain, sabay-sabay na kaming pumasok sa classroom. Seatmates kami ni Michelle at Sharlene sa bandang likod ng room. Pumasok na din yung adviser namin para sa homeroom.
"Good morning class! Merong dadagdag sa klase niyo. She is a transferee dahil home schooling siya.", sabi ni Ms. Pia.
Pumasok naman ang isang pamilyar na babae. Ang ganda niya, chinita at may hugis ang katawan.
"Hi! Ako si Andrea Ophies. 17 years old. Sana ay maging close tayo.", pagpapakilala nung babae, ni Andrea.
"Okay Andrea, you may seat beside Ms. Reyes.", sabi ni Ms. Pia at itinuro niya si Karen.
Naglakad si Andrea patungo sa upuan sa tabi ni Karen.
_______________
KAREN'S POV
Naglakad patungo sa tabi ko si Andrea at umupo siya dun.
"Hi Andrea, ako nga pala si Karen. Pleased to meet you!", pagpapakilala ko sa sarili ko, nakipagkamay naman sa'kin si Andrea.
______________
NADINE'S POV
Well, may POV na ako. Hahahaha! Thanks. Ayun na nga, maya-maya habang nagsasalita si Ms. Pia sa unahan biglang pumasok si Kuya Nestor, and janitor ng school namin. May inilapag siyang box na malaki sa teacher's table.
"Ano yan Kuya Nestor?", tanong ni Ms. Pia.
"Iniwan po sa Guard House ehh. May nakalagay ng section mo Ms. Pia ohh. Grade 10 Section B.", paliwanag ni Kuya Nestor.
Pagkalabas ni Kuya Nestor ng classroom, biglang tumunog yung speaker. Isang nakakatakot at nakakakilabot na boses ang narinig namin mula sa speaker.
"Magandang Umaga Grade 10, Section B. May game ako sa inyo. Simple lang naman ang instruction at rules ng laro. Okay sasabihin ko na ha, sa loob ng box na yan ay mayroong 42 envelopes na naglalaban ng ribbon, 41 red ribbons and 1 black ribbon. Those who would get the black ribbon will receive... DEATH! Hahaha goodluck!", sabi nung speaker.
Isa-isa kaming kumuha ng envelopes sa box pero hindi muna namin iyon binuksan. Nung tapos na kaming kumuha lahat muling tumunog ang speaker.
"Grade 10, Section B you may now open your envelopes and raise your ribbons."
Sabay-sabay naming binuksan yung envelope at itinaas yung mga ribbons na nakuha namin.
"Oh my god!", naluluhang sabi ni Vickie.
"Gosh Ate Vim!", naluluhang sabi ni Nhicole sa bestfriend niyang si Vickie.
Ate Vickie got the black ribbon. Does it mean mamatay siya?
"So it's Ms. Rushton then. Hahaha! Pero syempre dahil unang game natin yan, practice muna yan at hindi ka pa mamatay Ms. Rushton!"
Matapos i-announce ng speaker yun, biglang may usok na pumalibot sa buong classroom. Then everything went black.
__________________
Yay nakapag-ud den. :)
Sorry kung matagal. Bawi ako promise.
![](https://img.wattpad.com/cover/21824946-288-k994355.jpg)
BINABASA MO ANG
Mansion of the Haunted 2
TerrorBabalik ang magkakaklase sa mansyon... May babalik... May dadagdag... May susunod pa bang mamamatay? O talagang buo na silang lalabas?