JULIA'S POV
Lunes nanaman at nakakapanibago. Ang konti nalang namin. 18 nalang kami, bumalik si Marco, nakakalungkot dahil may mga kaibigan kaming nawala at ang sakit dahil bawat estudyante sa eskwelahan, kinasusuklaman kami. Nilalayuan. Iba na ang tingin nila sa'min, kami daw ang cursed generation ng Grade 10. Gusto man namin silang labanan pero kami pa din ang mapapasama dahil galit sa amin si Principal Spencer.
Ngayon, fourth subject na namin, ENGLISH TIME. Kakapasok pa lang ni Ms. Viola nang biglang tumunog ang speaker. Nag-panic kami at nagulat. Iniisip namin na baka maulit muli yung nangyari sa amin nung last time.
"Grade 10-Gold. Please proceed to the Conference Room now, thank you!"
Gumaan ang loob ko nang malaman kong si Principal Spencer lang pala yun pero kinabahan na rin dahil pinatawag kami sa Conference Room. Bakit kaya? Nakayuko kaming naglakad dahil bawat taong naririnig namin sa corridor, kami ang topic. Alam naming narinig din nila ang announcement ng principal, mainit talaga dugo niya sa amin at gusto niya kaming mapahiya. Grabe siya!
"Grade 10-Gold, maupo kayong lahat.", sabi ni Principal Spencer na nakaupo sa pinaka-center na upuan.
Nagsi-upuan naman kaming lahat.
"Principal, bakit po ninyo kami pinatawag?", tanong ni Jane.
"Kaya ko kayo pinatawag dito dahil nag-usap usap ang admin ng eskwelahang ito at may nabuo kaming isang malaking desisyon.", sabi ni Principal Spencer.
"Po?", sabi ni Kath.
"Desisyon? Ano po ang ibig ninyong sabihin?", tanong ni Nadz.
"Napagkasunduan naming i-kickout kayo sa eskwelahang ito.", sabi ni Principal Spencer.
"What?!", pasigaw na tanong ni Janella.
"Wala naman po kaming ginawang masama ah. Wala kayong karapatang i-kickout kami!", sabi ni Loisa.
"Eto oh, ibigay ninyo ito sa mga magulang ninyo. Ididismiss ko na kayo dahil magaayos kayo ng gamit niyo. Ihahatid na kayo ng bus natin pauwi sa mga bahay ninyo.", sabi ni Principal Spencer.
***
Dear Parents,
Good day! We would like to inform you that your child had been kicked out from our school due to being a suspect for killing and using of drugs. Please sign this notice and return to the adviser.
Mr. Spencer Manaloto
School Principal***
"Sir! This is unfair for us! Kami ang biktima dito.", sabi ni DJ.
"Nagbayad kami ng buo dito kahit mahal ang tuition, tapos pagbibintangan niyo kami sa kasalanang di naman namin ginawa?", galit na galit na sabi ni Mika.
"Kilala niyo ko Sir! Kumpare ka ni daddy, at alam mong hindi ko kayang mag-drugs lalo na ang pumatay ng tao!", umiiyak na sabi ni Liza.
"Gusto ko man maging fair pero naaapektuhan ang pangalan ng school dahil sa pag-aaral niyo dito. Check niyo ang website ng school at basahin niyo ang tweets ng mga tao.", sabi ni Principal.
"Maraming solusyon Principal Spencer. Halika na nga! Nasusuka ako dito.", naiinis kong sambit.
Pagalit akong tumayo at padabog kong binuksan ang pinto. May mga nakangiting estudyante sa harapan ko at alam kong pagtitripan nila ako dahil kasali ako sa cursed generation ng Grade 10. Yun nga, hinarang ako ng tatlong babae at may kasamang apat na lalaki. Tapos binato ako ng hilaw na itlog.
Tinitigan ko sila ng masama.
"Hindi naman halatang mahilig kayo sa itlog no'?", sabi ko sa kanila.
"Tutal mahilig din naman kayo sa itlog...", pinunasan ko yung mga itlog sa damit ko gamit yung kamay ko at lumapit sa kanila.
Pinagduldulan ko sa mga pagmumukha nila yung malansang itlog na binato nila sa akin. At pagkatapos ko sa babae sinipa ko naman ang maselang bahagi ng lalake.
"Ano masarap ba? Kayo masarap ba yung itlog na binato niyo sa'kin. Tikman niyo ah. At kayo, kamusta? Nabasag ko ba itlog niyo? Tumabi nga kayo!", sigaw ko sa kanila. Maraming nakakita nun, kaya gumilid na yung iba sa dadaanan ko.
Ayoko nang ginagalit ako kapag galit ako. Dumiretso ako sa dorm ng school at pumasok sa kwarto namin. Kinuha ko ang cellphone ko at dinial ang number ng mommy.
"Hello Julia, my daughter. Why?" MOM.
"Mommy. I'll go home na later." AKO.
"Huh? Did something happened? Tsaka why are you crying?" MOMMY.
"Mom. Na-kickout yung buong klase namin sa school. Binalikan kami ni Tita Sofia. I don't know what to do na." AKO.
"Ano?! Bumalik nanaman si Sofia?! Eh bakit kayo maki-kickout eh wala naman kayong kasalanan?" MOMMY.
"Who would believe na a ghost killed your friends?" AKO.
"Killed? Diba nakabalik na yung mga kaklase niyo?" MOMMY.
"Di ba kayo binalitaan ng school. Ilang days kaming nakulong sa mansyon! And now, 18 nalang kaming buhay." AKO.
Biglang naputol ang tawag namin ni mommy at biglang may nagsalitang isang pamilyar na boses.
"Juuu... Lia..... J..... Ulia....", sabi ng boses na nasa tawag.
Nagulat ako sa akin narinig kaya tinignan ko ang screen ng cellphone ko.
495. 495 ang number na nakalagay sa cellphone ko. Pinindot ko ang loudspeaker.
"4... 9... 5...", yun ang huling sinabi nung nakakatakot na boses ng babae at biglang tumawa ng napakalakas at nakakatakot.
Sa sobrang takot ko, naibato ko ang cellphone ko sa pader at napatakbo ako palabas ng kwarto ko. Bumaba ako ng hagdan pero napansin kong parang hindi ako nakakarating sa ground floor. Nasa hagdan pa din ako pababa ng third floor.
"Mahal kong pamangkin...", nakangiting sambit ni Tita Sofia.
Napalingon ako sa may hagdan at nakita ko si Tita Sofia na nakangiti ng malawak at may dugo sa mga mata.
"Tita! Wala naman akong kasalanan sa'yo ah.", nagmamakaawa kong sabi kay Tita Sofia.
"Wala akong pakialam! Papatayin kita!", sigaw ni Tita Sofia tapos biglang nawala ang ngiti niya, biglang bumagsak sa sahig ang kalahati ng bibig niya.
Napaatras ako sa sobrang takot dahil habang papalapit siya nang papalapit nagsisilaglagan ang mga balat niya sa katawan. Hanggang sa umabot ako sa bintana. Sumilip ako sa bintana at nakita kong swimming pool ang ibaba nito.
Dahil gusto kong makaligtas, tumalon ako sa bintana hanggang sa nahulog ako sa swimming pool....
____________________
Ano kaya ang nangyari kay Julia matapos niyang mahulog sa swimming pool?
Last 9 Chapters :)
-prinsipetimoteo.:)
![](https://img.wattpad.com/cover/21824946-288-k994355.jpg)
BINABASA MO ANG
Mansion of the Haunted 2
TerrorBabalik ang magkakaklase sa mansyon... May babalik... May dadagdag... May susunod pa bang mamamatay? O talagang buo na silang lalabas?