JULIA'S POV
Sino naman kaya ang kukuha ng pictures na kagaya nun bukod sa police? Eh ang kwento sa'min ni lolo, hindi naman sinabi sa pulis nila Tito Ferdinand yung pagkamatay ni Sofia. Inilibing lang daw si Sofia sa bakuran ng bahay na ito. Sino naman kaya ang kumuha ng larawang ito? Ano?! Para remembrance?
Tinignan ko ng mabuti yung picture at tinignan ko ang lugar ko na kinaroroonan namin ngayon.
"Guys we need to go. Bilisan niyo!", sabi ko sa kanila.
Inipit ko ulit yung picture sa likod ng notebook at dinala ko ulit yun.
"Bakit Julia? It looks like we're safe here naman eh.", tanong ni Janella.
"Mamaya ko na ipapaliwanag sa inyo. At alam kong hindi tayo safe dito kaya bilisan nyo na! Halika na bilis.", sabi ko sa kanila.
Pumasok muli kami sa butas at gumapang nanaman kami. Naghanap kami ng ibang lugar na pwedeng pagtaguan.
"Dito muna tayo.", sabi ko.
Tinanggal ko yung takip at pumasok sa butas. Pumasok kami lahat ng mabilis. Medyo malaki ang butas kaya kasya ang dalawang tao.
"Ang dilim naman dito, sigurado ka bang safe tayo dito Julia?", tanong sa'kin ni Mika.
"Oo. Dahil hindi alam 'to ni Sofia.", sabi ko.
"Huh? Paanong hindi niya alam eh bahay niya ito?", nagtatakang tanong muli ni Mika.
"Sila Sophie, Mama, Tito Ferdinand at Ako lang nakakaalam nitong lugar na ito. Secret ito kay Sofia, taguan ito ni Sophie. Dito sila naglalaro ni mama. Gusto kasi ni Tito Ferdinand na andito sa mama dahil sya lang ang nagiisang kapatid nito.", paliwanag ko.
"Huh? Akala ko ba ikaw ang pinsan ni Sophie at Sofia? Eh bakit sila naglalaro ng mama mo?", tanong ni Nash.
"Matanda na si Lolo Ronaldo nung nabuntis niya si Lola. Nung time na pinanganak si mama, 32 years old na si Tito Ferdinand. At buntis si Tita Katrina kay Sofia at Sophie. Kaya halos magka-age lang si mama at yung kambal.", paliwanag ko ulit.
Niyaya ko sila sa dulong parte ng kwarto.
"Guys sino may flashlight? May hahanapin lang ako.", sabi ko sa kanila.
"Julia oh.", sabi ni Karen.
"Thanks.", sabi ko.
Inilawan ko ang kwarto at hinanap ang secret door palabas ng bahay na ito. Lumapit ako sa pinto at pinihit ang doorknob. Ang sarap makita ang liwanag. Saktong pagbukas ko ng pinto biglang nahulog ang takip ng butas.
"Boom.", sabi ni Sofia na nakangiti pa din.
"Bilisan na natin!", sabi ni Jane.
"Pagkabilang ko ng lima dapat nakalabas na kayong lahat. Ang wala sa labas pagkabilang ko ng lima, I'm sorry.", sabi ni Sofia.
1....
Tumakbo palabas si Juls, Miles, Kim
2.... Nagsisiksikan na kaming lahat sa pinto para makalabas. Halos magpatayan na kami.
Nakalabas na ng pinto si Karen, Jane, DJ
3....
Nakalabas na Ako, Kath, Nadz, James
4....
Nakalabas na din ng pintuan sila Loisa, Kiray, Joshua, Liza
5....
Natulak palabas sila Enrique, Nash, Mika
At biglang nanlaki ang mata namin at nung mga naiwan sa loob. Biglang nagsara ang pintuan na nilabasan namin at bigla namin silang narinig na sumigaw ng malakas at umungol. Biglang may lumabas dugo mula sa ilalim ng pinto. At nagsitakbuhan na kami palabas ng gate ng mansion. Bukas iyon at hindi naka-lock. Tumakbo kami sa napakalayong lugar mula sa mansion. Hanggang sa napadpad kami sa isang kalsada.
Hanggang sa may dumaan na isang bus. Pinara namin yun, mabuti na lang at bakante pa ang mga upuan.
"Manong! Manong!", pagharang namin sa bus.
Napatigil ang bus at bumaba ang bus driver.
"Oh, napaano kayo mga neneng at totoy. May nangyari bang masama sa inyo?", tanong ni Manong sa'min.
"Opo manong. Napakasama po. May multo pong gustong pumatay sa'min. Maniwala naman po kayo. Nakikiusap po kami sa inyo, iligtas nyo po kami. Ihatid po ninyo kami sa Maynila at magbabayad po kami kahit magkano. Please po.", umiiyak na pakiusap ni Loisa.
"Ahm ano... Sige na, sige na. Sumakay na kayo. Bilisan nyo at baka maabutan tayo nung multo na gusto kamo kayong patayin.", sabi ni Manong.
"Maraming salamat po.", sabi ni Loisa. At pumasok na kaming lahat sa bus.
"Hay naku, mga kabataan talaga ngayon.", sambit ni Manong bago siya sumakay at paandarin yung bus.
10 AM. Nakarating kami sa dorm sa school at binayaran ng 5k si manong, ayaw niya pa ngang tanggapin pero pinilit namin siya. Madaling-madali kaming pumasok sa principal's office at galit na galit na sinugod ni Enrique yung principal.
"Sir Spencer! Anong kinalaman mo dito?!", tanong ni Enrique sa principal.
"What do you mean Mr. Gil?", nagtatakang tanong ni Sir Spencer.
"Sir, half of our classmates have been killed by a ghost in that Mansion of the Haunted. At napunta kami dun matapos umusok ng pampatulog sa classroom. Sa classroom nagsimula lahat sir, tas ngayon magmamaang-maangan kang parang wala kang kinalaman sa nangyari?", sagot ni Enrique.
"Ghost? Mansion of the Haunted? I don't know what you are saying. Nagdadrugs ba kayo? Tsaka ibig niyong sabihin namatay ang kalahati ng mga estudyante mula sa section niyo?", tanong ni Sir Spencer.
"Yes sir. At dahil po yun dun sa pinasabog niyong pampatulog sa classroom namin at dinala niyo kami sa isang mansion na once na naming napuntahan at pumatay sa mga kaklase namin. Alam niyo po yun diba? Yun nga dahilan kung bakit kami lumipat sa school na ito. Para safe kami? But I guess, this school is like our old school. Risking the lives of their students.", sabi ni Enrique.
"How dare you say that to me Mr. Gil? I'm the principal here so you have no rights to disrespect me! Wag kang magbintang dahil wala kaming ginagawang masama sa inyo dito. May patunay ka bang kasalanan ng school ang nangyari sa mga kaklase niyo? I know we are responsible for their deaths because they are residing here but walang ginawang masama ang school na ito para patayin ang mga kaklase ninyo!", galit na sabi ni Sir Spencer.
"So you mean, hindi kayo ang nagpasabog nun? At hindi kayo ang nagdala sa'min dun? Tas hindi kayo ang nagsalita sa speaker?", tanong ni Enrique.
"No! I cannot do that."
"Ehh sino?!", tanong muli ni Enrique.
SOFIA'S POV
"Hindi ako titigil hangga't hindi ko nakukuha sila Kathryn, Daniel at Jane. Susundan ko kayo, kahit saan, kahit kailan.", at ngumiti muli ako ng napakalawak.
____________________
Eto na po yung Chapter 16.
Lalabas na ng mansyon ang kilabot.
Subaybayan ang Last 9 Chapters ng Mansion of the Haunted. 😁
Thanks po. Please leave a vote and comment.-prinsipetimoteo. :)
![](https://img.wattpad.com/cover/21824946-288-k994355.jpg)
BINABASA MO ANG
Mansion of the Haunted 2
HorrorBabalik ang magkakaklase sa mansyon... May babalik... May dadagdag... May susunod pa bang mamamatay? O talagang buo na silang lalabas?