05: Sunflower

218 6 4
                                    

ILANG ARAW RIN akong nagmukmok sa bahay. Iniiwasan ko si Cedar. Nakapatay ang aking phone para hindi niya ako ma contact. Kahapon ay kinatok ako ni Zius dahil nasa labas daw si Cedar pero hindi ko siya hinarap.

Maaga akong nagising dahil unang araw sa klase ngayon. Pagkatapos kong mag ayos ay nakita ko si Zius na malawak ang ngiti. Kumain muna kami ng breakfast saka nagmaneho patungong Fitz. It's seven thirty in the morning when we arrived at the parking lot.

Paglabas namin ay ensakto naman ang sunod-sunod na pagdating ng mga sasakyan ng mga Fitzmael. Unang nagparada ay ang kotse ni Franco, sunod naman ay ang kay Marcus na kasama si Serene. Sumunod naman sina Cedar na kasama si Lilac at Catmint. Ang huli ay si Imil na sakay si Amaris.

Nakita kong agad na nagpaalam si Imil dahil ayaw niyang mahuli sa klase niya sa Austin. I smiled dahil nakita kong nakanguso si Amaris habang yakap-yakap si Imil. Nakita ko naman ang pagyakap ni Lilac kay Zius.

"Ang aga niyo namang maglampungan!" pang-aasar ni Catmint.

Natawa kaming lahat. Pagkaalis ni Imil ay sabay kaming naglakad paalis ng parking lot. Hindi ko alam pero parang instant celebrity 'tong mga Fitzmael. Halos lahat ay nakatingin sa grupo namin.

May ibang nagbubulungan. May ibang parang kinikilig. Marami ang nakangiti. Sino ba naman ang hindi masaya kung makita mo ang lahi ng mga 'to? Ang gaganda at gagwapo. Bonus na lang kami ng kambal ko.

"Catmint, can I borrow my sunshine?" bulong niya kay Catmint na narinig ko naman.

She nodded. "Sure. Pakibalik lang," malawak ang ngisi ni Catmint.

Nagpalit sila ng pwesto. Katabi ko na si Cedar.

"Sunshine, can we talk?" malambing ang kanyang boses. "Can I hold your hand?"

"Sure... for talking. No for holding my hand."

"Nagpunta ako sa inyo kahapon. I'd waited for hours..."

"Isn't it obvious, Ced? I'm avoiding you these past few days," seryoso kong sabi sa kanya habang naglalakad kami papuntang cafeteria.

"Please tell me what's wrong..."

Napahinto ako. Hinarap ko siya at tiningnan ang kanyang mga asul na mata. "You don't know what's wrong? You drunk-called me. You kissed me. You want me to call you Broom. The problem is, it wasn't meant for me but for your ex. You're giving me false hopes, Ced. We've been talking a lot lately and I'm scared that I might fall for you... I fucking hate attachments."

"Sunshine..."

"I will never be Kirsten, Ced. She's a model. She's so beautiful and perfect habang ako maganda lang. I'm not perfect," agad akong naglakad para makasunod kina Zius.

Naramdaman ko naman ang pagtabi niya sa akin. "Sunshine, pwede na ba kitang ligawan?"

I froze. Dahan-dahan akong napatingin sa kanya. "What the hell?"

He sighed. "She wants me back... that's the reason why she called. Hindi ako pumayag dahil gusto na kita. Sa mahigit isang oras naming tawag, ikaw lang ang naiisip ko. Kung ano na ang ginagawa mo o kung lasing ka na ba. Pagtapos ng call ay agad kitang pinuntahan but Lilac told me nauna na kayo."

I crossed my arms. "Hindi mo na ba siya gusto?"

He nodded. "Hindi na. Sobrang ganda mo tapos ang baba ng tingin mo sa sarili mo."

Umiling ako saka nagpatuloy sa paglalakad. "I can't help it."

Hinawakan niya ang balikat ko saka pinaharap sa kanya. "You came when I was at my lowest and I'm so sorry for hurting you but you're the girl that I like, sunshine. Liligawan kita hanggang sa pagkakatiwalaan mo na ako."

The Flower's Sunshine (Fitzmael 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon