21: I Long For You

808 8 0
                                    

PINANLIITAN KO SIYA ng mata. Kahawig na kahawig niya si Sweetheart. "You're not Sweetheart," I uttered.

"I'm not," aniya saka ngumiti. Inilahad niya ang kanyang kamay. "I'm Graky May Acri. Chase's cousin and Sweetheart's twin sister."

Napaawang ang aking labi. Tinanggap ko ang kanyang kamay. "I'm E-"

"Elisha Gomez. Chase keeps on talking about you," tiningnan niya si Chase at inirapan.

Umiling-iling ako saka tumingin kay Chase. "Ang lakas naman pala ng tama mo sa akin! Yieeee!" pang-aasar ko sa kanya.

Malakas kaming nagtawanan. Lumapit si Graky kay Chase. Nilagay niya ang paper bag sa lamesa. Napailing-iling siya. "Nag-away na naman kayo?" masungit na tanong ni Graky.

Nagkatinginan si Hunter at Chase. Tinuro ni Chase si Hunter. "He punched me..."

Agad namang sinabunutan ni Graky si Hunter. "I hate you Kuya!" sigaw niya habang malakas niyang hinihila ang buhok nito.

Tawa lang nang tawa si Chase habang si Hunter naman ay napapangiwi pero hindi naman siya nanlaban. Hinayaan niya lang si Graky.

Napangiti ako. One thing is for sure about them, they never hurt women... as they should.

Nang huminto si Graky ay tumulong ako para bihisan namin si Adorn. I hope hindi niya maalala ang nangyari ngayon. Nakita naming umiinom sina Chase at Hunter sa sala. Dahil nabitin ako sa pag-iinom kanina ay agad akong tumabi kay Chase. Si Graky naman ay tumabi kay Hunter at kumuha rin ng beer.

Ilang minuto ang nagdaan nang magsalita ako. "Paano kayo nagkita ni Sweetheart? Ang alam namin ay orphan siya," sabi ko sa kanya bago tinungga ang bote ng alak.

She smirked. "It was I think two years ago? Valentine's day noon sa Fitz University," she smiled. "May nagkakagusto kasi sa akin no'n, si Edhiel. Gusto niyang magpakasal sa akin sa marriage booth. Nakailang bayad na ako dahil refuse ako nang refuse at ayaw niyang tumigil kaya hinabol ako ni Amelie..."

Hunter stilled. "Amelie Santiago?"

She nodded. "You know her?"

"Yes," aniya.

She smiled. "Siya kasi ang Vice President ng Student Council noon. Tapos timing naman na pumunta sina Imil kasama si Sweetheart at Ary. Since magkamukha kami, si Sweetheart ang nakasal kay Edhiel. While I was running away, naabutan ako ni Amelie..."

Napaawang ang aking bibig. Hinayaan lang namin siyang mag kwento. Grabe! Tinadhana silang magkita that time.

"Dahil paubos na ang allowance ko, pumayag na lang ako. Pagpunta namin sa marriage booth, ayun na ang nangyari. Alam mo, naiinis talaga ako kay Edhiel pero I'm also grateful nang dahil sa kanya nagkita kami," dagdag ni Graky.


MY BROWS FURROWED when I remembered something. "So, it's you, huh? Ngayon ko lang naalala, may muntik nang makabangga sa aking babae kasi hinahabol ni Amelie noong Valentine's Day. Na-amaze nga ako kasi ang unique ng pangalan but I forgot about it," I flicked my tongue. "What a small world, Graky."

She chuckled. "Really? Yeah. What a small world nga."

Ngumiti ako. Naaalala ko ang memories namin ni Cedar noong Valentine's Day. Napalaklak tuloy ako ng maraming beer. Binuksan ko ang aking phone at napangiti nang makita ang picture ni Cedar na kuha ko kanina. Para naman akong creepy stalker nito.

The Flower's Sunshine (Fitzmael 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon