DALAWANG LINGGO ANG lumipas. Patuloy pa rin ang date namin ni Cedar. Sabay kami lagi sa school, pati sa pag kain. Ngayong linggo ay nagsisimula na kami sa pagrereview dahil malapit na ang midterms exam namin.
May isang linggong preparation pa ako bago ang hell week namin. As per usual, nandito ulit ako ngayon sa labas ng building ng mga Engineering dahil hinihintay ko si Cedar. Tinext ko siya pero hindi niya ako nireplyan. Baka busy pa.
Habang naghihintay sa kanya ay binuksan ko muna ang aking iPad para makapagreview sa mga notes na nakasave dito. Agad kong pinatay ang iPad nang makita ko siyang papalapit sa akin. It's already seven thirty in the evening. Hindi ko namalayang naghintay ako ng three hours.
"I'm so sorry, sunshine. May group activity kasi kaming ginagawa," paglalambing ni Cedar.
Ginulo ko ang kanyang buhok at ngumiti. "It's fine, silly."
Tumingin siya sa kanyang relo. "But you've waited for three hours."
"It's okay. Tara na?" tanong ko sa kanya.
Nasanay na kasi akong siya ang kasabay kong mag dinner. Gano'n din si Zius. Ayaw na naming kumain sa bahay dahil nag-aaway lang naman ang parents namin at hindi na nila kami sinasaluhan kaya kami na lang ang nag-a-adjust.
Nauna akong maglakad pero nang mapansin kong hindi gumagalaw si Cedar ay agad ko siyang nilingon. "Are you okay?" malambing kong tanong sa kanya.
He nodded. Napakamot siya sa kanyang ulo. "Kailangan ko kasing umuwi ngayon nang maaga. Marami pa akong activities. Saka tatapusin ko pa ang mga plates ko. Sunod-sunod kasi sila kung magbigay."
I nodded, forcing a smile. "It's okay. Let's go home."
Tahimik lang kami sa byahe. Alam kong stress siya kaya hindi ko na kinukulit. Pagkarating namin sa labas ng bahay ay nagpaalam ako sa kanya bago pumasok. Nakita ko si Mom, Dad at Zius sa living room.
My brows furrowed when I saw my bags, jewelries and other expensive things na nasa lamesa. Hindi ko lang gamit 'yon kundi may mga gamit din ni Zius.
"W-What is happening?" takang tanong ko.
"W-We need to sell these things..." malungkot na sabi ni Dad.
"What?!" nagulat ako. "W-Why are you selling my things? Are we poor na?"
"Nag-pull out kasi ang mga investors sa business natin..." Mom said, her voice is breaking. "H-Hindi ko alam kung paano nangyari 'yon. They planned it. Plinano nilang makapasok sa company at manabotahe... May hinala ako na binayaran sila ng kalaban natin sa negosyo."
Hinilamos ni Dad ang kanyang palad sa kanyang mukha. He was shaking. "Baon na baon na kami sa utang. Kapag nagpatuloy 'to, baka ma-bankrupt na ang negosyo natin by the end of May. We still have two months."
Malakas ang buntong hininga ni Mom. "Paano tayo makakabawi? Lahat ng documents natin, nagkaroon sila ng kopya! Hindi ba't ikaw ang nag-hire ng assistant mo? Wala kang kaide-ideya na isa siya sa mga ispeya! Kahit hindi tayo baon sa utang, hindi na rin natin maitatayo pa ang negosyo!"
"I don't want to give up! Sobrang dami nating sinakripisyo para sa negosyong 'yon, Evette..."
"Matagal na kitang sinabihan na hindi ako komportable sa assistant mo pero hindi ka nakinig dahil sabi mo mabait siyang tao!" sigaw ni Mom.
"Please stop shouting!" boses iyon ni Zius.
Tumingala ako at sinusubukang hindi maluha. "Go on. Sell our things."
BINABASA MO ANG
The Flower's Sunshine (Fitzmael 4)
Romance[VIOLENCE | TRIGGER WARNING | STRONG LANGUAGE] When Cedar Broom returned to the Philippines, his heart remained in England, weighed down by a recent breakup. His life felt cold, gloomy, and lonely. Then he met Elisha Gomez. She became his beacon of...