LUMIPAS ANG ILANG minuto ay tumayo na ako. Nilinisan ko muna ang sofa. Pinunasan ko 'yon ng bimpo na may sabon upang hindi langgamin. Tiningnan ko ang aking kaliwang kamay at mga hita. Pulang-pula na 'yon at masakit kung hahawakan.
Kinuha ko ang paper bags at maletang tinuro ni Cedar kanina. Pumasok ako sa kabilang kwarto at naligo. Binilisan ko lang ang pagligo dahil gutom na ako at masakit ang napaso kong balat kapag natatamaan nang kung ano.
Binuksan ko ang kanyang maleta at namili ng susuotin. Meron siyang hoodie na mukhang malaki sa akin kaya agad ko 'yong sinuot. Mabuti na lang at hindi sobrang ikli ng cycling na binili niya kaya komportable lang suotin.
PAGLABAS KO AY kinuha ko ang tray na nasa lamesa. Iyon na lang ang kakainin ko. Kumuha ako ng bagong ulam. Mabigat ang aking damdamin habang nakaupo sa lamesa. Sumisikip na naman ito. Naaalala ko na naman ang mga magulang ko.
Sa bawat pagnguya ay tumutulo ang aking mga luha. I'd imagined them sitting beside me. Mapakla akong ngumiti nang maalala ko kung paano titigan ni Dad si Mom.
They loved each other so much.
Wala akong tigil sa pagkain. Balak kong ubusin ang niluto ko dahil sayang naman kung itatapon. Punong-puno ang aking bibig. Uminom ako ng juice upang malunok 'yon.
Nabitawan ko ang basong hawak ko dahil nawalan ako ng lakas. I didn't know if it was just a hallucination or what but I saw their bodies... their dead bodies, where my mom was hanged in front of me and dad got overdosed holding the empty bottle.
I got scared but I couldn't move. I couldn't even look away! All I could do was to shout... and ask for help.
"N-No... P-Please... Help me. I-I can't do this..." I tried to close my eyes but they were still there when I opened it. "Help me! Please! Dad, Mom, it's too painful," agad akong napahawak sa aking dibdib. "T-This is too much... Please, s-stop torturing me. Please... C-Ced... H-Hel-"
NAGISING AKO DAHIL may humahaplos sa aking pisngi. Dahan-dahan kong binuksan ang aking mata. I saw a hint of worry in Cedar's face. Nilibot ko ang aking tingin. "What happened? Where am I?"
"Hospital. I went outside to buy ointment for your burn tapos pagbalik ko wala ka nang malay na nakahiga sa sahig," aniya sa mahinahong boses.
Marahan akong napapikit at bumuntong-hininga. "Can we go back na?"
"Are you sure you're okay? Anong nangyari?" takang tanong niya.
Nag-flashback ulit sa akin ang nangyari. I just shrugged it off. "Balik na tayo sa hotel, Sir."
"Okay," he said, sighing.
Wala kaming imik hanggang sa makabalik kami sa hotel. Nang makapasok kami sa unit ni Cedar ay agad akong nagsalita. "May ipag-uutos po ba kayo?" tanong ko sa kanya.
Umiling siya. "Bukas na lang. Magpahinga ka."
Hindi ako umimik. Umupo ako sa couch at nakatulala sa reflection ko sa salamin. Nangingilid ang aking luha nang makita ko ang aking sarili. Hindi ko na kilala ang sarili ko.
ANG AKING BUHOK na blonde ay may tumutubo ng black hair. Namumugto at namumula ang aking mga mata. Wala na akong ayos. Hindi na ako nakapag-make up at winged eyeliner na gustong-gusto ko noon.
All the things that I used to like; it was all gone.
"Elisha," mahinang pagtawag ni Cedar sa akin.
BINABASA MO ANG
The Flower's Sunshine (Fitzmael 4)
Romance[VIOLENCE | TRIGGER WARNING | STRONG LANGUAGE] When Cedar Broom returned to the Philippines, his heart remained in England, weighed down by a recent breakup. His life felt cold, gloomy, and lonely. Then he met Elisha Gomez. She became his beacon of...