NAGMAMADALI AKONG UMAKYAT sa kwarto upang maglinis ng katawan at magbihis ng pampatulog. Lumabas muna ako para tanungin si Zius kung kumain na ba siya. He said yes. Narinig ko ang busina sa labas. Napangiti ako dahil alam kong sila Mom 'yon.
Pagpasok nila ay agad naming silang sinalubong ng yakap. This time they were different. The looked tired and sad. Ang sabi lang nila sa amin ay tapos na silang kumain at pagod sila kaya gusto na nilang magpahinga. Hindi naman kami nangulit pa.
Bumalik na ako sa kwarto upang hintayin ang tawag ni Cedar. Hindi naman ako nabigo dahil biglang tumunog ang aking phone. Nakikipag-FaceTime pa siya. Tiningnan ko muna ang aking sarili sa salaman bago sinagot.
"Hi, sunshine..." nakangiting bati ni Cedar sa kabilang linya. Pumupungay na ang kanyang mga mata.
"Hi, Ced. Are you sleepy na?" malambing kong tanong sa kanya.
"Yes, but I want to talk to you," aniya habang nakanguso.
"We'll talk tomorrow, okay?"
Biglang tumahol si Cookie kaya agad ko siyang kinuha sa kanyang kama at tinabi sa akin. "Look at our child, Ced. He's big na," masaya kong sabi sa kanya.
Nakita ko ang pagkislap ng mga mata ni Cedar. "Can I see him tomorrow morning? I miss Cookie. Susunduin kita."
"Sure! Sleep na tayo?" Pag-aaya ko sa kanya.
Dahan dahan siyang tumango. "Goodnight, sunshine."
"Goodnight, handsome."
Bakas sa kanyang mukha ang pagkagulat. "Can you repeat that?"
"Goodnight, handsome..." I chuckled.
"Damn, you're making me blush..." pag aamin niya.
I just shrugged. "Well..."
"See you tomorrow, sunshine."
Pagkatapos naming mag usap ay binalik ko na sa kanyang kama si Cookie. Nakatulog na rin ako pagkatapos dahil sobrang pagod ko.
ALAS SINGKO PA lang ng umaga ay gising na ako. Agad akong naligo at nag-ayos ng aking sarili. Pinakain ko rin si Cookie at dinala ko sa baba para makapaglaro. Narinig ko ang tunog ng aking phone kaya agad ko naman 'yong binasa.
Walis: Good morning, sunshine.
Can we eat breakfast together?
Magdadala ako ng pagkain.
Ako: Sure! But you don't have to bring food.
Bring Lilac.
Zius will be happy.
Walis: Okay, sunshine.
We'll be there in 20.
Ako: Take care.
Habang naghihintay na maluto ang agahan ay ginala ko muna sa labas si Cookie. Ilang minuto rin kaming nanatili sa labas. Pagbalik ay ay nakita ko sina Mom na nagpa-pack ng food dahil doon na lang sila kakain sa trabaho.
"Mauna na kami, anak," pagpapaalam nila sa amin.
We nodded. Pag-alis nila ay napatingin kami ni Zius sa isa't-isa. Something's fishy but we couldn't tell what it is. Agad kong hinawakan ang aking necklace, napangiti ako dahil naaalala ko si Cedar. Malawak ang aking ngiti habang naghihintay sa kanila.
BINABASA MO ANG
The Flower's Sunshine (Fitzmael 4)
Romance[VIOLENCE | TRIGGER WARNING | STRONG LANGUAGE] When Cedar Broom returned to the Philippines, his heart remained in England, weighed down by a recent breakup. His life felt cold, gloomy, and lonely. Then he met Elisha Gomez. She became his beacon of...