18: Graduation

727 8 0
                                    

MAHIGIT DALAWANG LINGGO ang nagdaan. Naging abala kaming tatlo ni Zius at Arron sa training namin. May mga nagtuturo sa amin kung ano ang dapat gawin. Hindi kasi kaya ni Chase na maging hands on sa amin sa ganito dahil abala rin naman siya sa kanyang trabaho.

Sa loob ng dalawang linggo, lagi kaming umuuwi na may mga pasa o mga sugat. Ang sabi ni Chase ay masasanay raw kami kapag tumagal. Maaga akong ginising ni Zius dahil pupunta kaming supermarket upang mamili ng chicken wings at pang carbonara namin. Birthday kasi namin ngayon.

"Happy 22nd birthday, Eli," masayang bati ni Zius sa akin.

"Happy birthday, Zius. I love you," I said, smiling. Dahil binilhan ako ni Chase ng mga make-up, ilang araw na rin akong nag-aayos sa aking sarili. It made me feel better.

The E-girl me is back... but I'm still dead inside.


NANG MAKALABAS AKO ng kwarto ay nakita ko si Arron na may dalawang cake na dala at may nakasinding kandila pa. "Happy birthday sa inyong dalawa!" aniya saka nilapit sa amin ang cake na dala niya.

Nagkatitigan pa kami ni Zius at ngumiti sa isa't-isa. Diretso kong hinipan ang kandila dahil wala naman akong ibang hinihiling pa. Hindi naman matutupad kung hihilingin kong sana hindi namatay sina Mom.

"Pupunta muna kami sa mall, Arron. Mamimili lang kami ng handa natin," pagpapaalam ni Zius.

"Sige. Hihintayin ko kayo," aniya.

Pagkababa namin patungong parking lot ay pinagbuksan ako ng pinto ni Zius bago siya pumasok at nagmaneho. Habang nasa byahe kami ay sunod-sunod ang tunog ng aking phone. Malawak ang aking ngisi nang makita ang pangalan ni Amaris. Tinanggap ko ang FaceTime niya.

"Happy birthday, Elisha and Erazius!" masaya niyang bati sa amin. Bahagya akong lumapit kay Zius upang makita ni Amaris na nagmamaneho siya.

Malawak ang ngiti ni Imil na nasa tabi niya. "Happy birthday, twins!"

"Mali-late nang kaunti ang gift niyo, ah? Next week pa kasi ang uwi namin ni Imil," paliwanag ni Amaris.

I chuckled. "Okay lang kahit wala, Amaris. Masaya na kami ni Zius na naalala niyo ang birthday namin," ngumisi ako. "Anyway, how's your pregnancy?"

Pinakita ni Amaris ang kanyang baby bump.

Napaawang ang aking labi. "Omg! Halata na ang baby bump mo. I'm so happy! Congrats!"

"Thank you, Eli. Kapag nakauwi kami, visit kayo sa bahay, ah?" aniya.

I nodded. "Sure!"

"Ingat kayo and mag enjoy kayo," ani Imil.

"We will. Thank you," sabi ko bago pinatay ang tawag.

Binuksan ko naman ang messages at tiningnan kung sinu-sino ang nagtext sa akin.


Serene: Happy birthday, Ate.

Marcus: Happy birthday, Eli. I heard about what happened between you and Cedar. I hope you're doing okay now. See you sa school.

Catmint: Hi, Eli. I know we haven't talked much lately... What happened between Erazius and Lilac caused the rift between us. Lilac's my twin and I couldn't bear seeing her in pain. When Zius broke her heart, my heart was broken too. And I know you understand me. Thank you for being a good friend. Happy birthday, Elisha! I'm sorry.

The Flower's Sunshine (Fitzmael 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon