Special Chapter: Sunshine's Lover

463 7 5
                                    

CEDAR BROOM FITZMAEL

"SUNSHINE?" PAGLALAMBING KO sa aking asawa. Niyakap ko siya nang mahigpit habang siya ay nakatingin lang sa laptop niya at nag-o-online shopping. Kailangan ko siyang lambingin! Baka sakaling makalimutan niya ang hinihintay niyang pag launch ng paborito niyang brand ng luxury bags.

"Huwag mo akong pipigilan," she replied, in her monotonous voice. Pindot lang siya nang pindot sa mouse habang ako naman ay pumipikit. Ayokong makita kung magkano ang pinamili niya at baka mahimatay ako! "Ano na naman 'yang binubulong-bulong mo riyan?"

"Wala naman, sunshine," pilit akong tumawa. "Okay lang ako."

She looked at me, raising her brow. "Don't tell me magagalit ka na naman sa i-pu-purchase ko ngayon? Alam mo namang once a year na lang ako bumibili nang ganito," she pouted. "Saka sinusunod naman kita. 'Di ba ang sabi mo, saka lang ako pwedeng bumili ng bag kapag binenta ko 'yong luma ko?"

Mahina akong tumawa saka tumango. "Sabi ko nga."

"Saka pera ko naman 'to. 'Di naman kita pagbabayarin."

"Ako na ang magbabayad," hindi ko naman siya hinahayaang gumastos. "Magkano ba?" saka ako sumimsim ng tsaa na hinanda niya sa 'kin.

"Fifteen million lang," aniya saka binalik ulit sa laptop ang kanyang atensyon.

Muntik ko nang maibuga ang aking iniinom. Agad akong lumunok pero nasamid lang ako. Hindi naman kami naghihirap para maging ganito ang reaksyon ko. Kung tutuusin, hindi sa pagmamayabang, pero kaya ko talaga siyang bilhan kahit pa isang daang piraso nang ganyang bag.

"Ang lalim naman nang iniisip mo? Hindi kita pinagbabayad, ah! Pera ko ang gagamitin ko. Kabibili lang ni Haze sa old bag kong worth twenty-five million kaya huwag ka ngang killjoy!"

"Ako na magbabayad," sabi ko. "Niloloko lang naman kita, sunshine. Alam ko namang responsable ka sa pagbibili nang mga gusto mo."

"Ako na," pagtutol niya.

"Kami na..."


NAPATINGIN KAMING DALAWA ni Elisha sa kung saan nanggagaling ang boses na 'yon saka kami nagkatinginan at mahinang natawa.

"Kami na ang magbabayad," our son, Eroz, uttered. Nakakapit lang siya sa braso ng kakambal niyang si Admon.

Sunshine crossed her arms then raised her brow. "At saan naman kayo kukuha ng pera, aber?"

"Mom, baka nakakalimutan mong Fitzmael kami," ani Admon saka mahinang tumawa. "Wala pa naman kaming mga asawa't-anak para magtipid."

"Or I'll ask Evean for money," sabat ni Eroz.

Lately, lagi niya ngang naku-kwento sa amin ang kaibigan niyang si Evean. Actually, ilang beses na kaming nag-plano na papuntahin siya sa bahay pero hindi nagtutugma ang free time namin sa free time niya.

"Lagi niya naman akong binibigyan," dagdag niya.

"Baka isipin ni Evean na namumulubi ka na!"

laughed. "Basta kami na lang ang magbabayad."

"Ako na sabi!" inis na sabi ni Elisha saka ngumuso. "Sa inyo na 'yang mga pera niyo!"

The Flower's Sunshine (Fitzmael 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon