03: Drunk-call

236 6 4
                                    

NAPAIGTAD AKO NANG biglang tumunog ang aking phone. It was already four in the morning. Agad kong kinuha ang phone na nasa bedside table. I smiled when I saw Cedar's name on it. Napaupo ako bago siya sagutin. Napangiwi ako nang marinig ang kanyang background. Mukhang nasa club pa sila ni Imil.

"Yes?" agad akong tanong sa kanya.

I heard him sigh. "Baby, can we talk? I miss you so much. I told you that I didn't like long distance relationship but... I'm not happy without you. I'm so fucking sad, Kirsten. Come back to me, please? P-Please..."

Napaawang ang aking labi. I didn't know what to do. He drunk-called me and thought I was his ex? To all of the people in his contact list, why me? Malalim ang aking paghinga. I forced a smile and just shrugged the thought of it. I don't want to be sad.

"Baby... I can't forget you," aniya sa kabilang linya.

Hindi ako nagsalita dahil hindi naman ako ang kinakausap niya. It wasn't for me. Pinatay ko ang tawag at pinikit ang aking mga mata. Ilang minuto na akong nakapikit pero hindi pa rin ako makatulog. Malakas akong bumuntong hininga. Mukhang mapupuyat na naman ako.

Napagdesisyunan kong bumaba at uminom ng tubig. I saw Cedar's name on my phone again. He was calling me. Hindi ko iyon sinagot dahil naisipan kong pumunta na lang sa club ni Imil at kausapin siya. I mean, hindi ko siya kakausapin pero iuuwi ko na lang siya.

We're friends so it's no big deal. He was so thoughtful with his Christmas present for me so I'm just returning the favor, I guess? Agad kong kinuha ang susi ng kotse ko at saka lumabas. Hindi pa ako nakakalabas ng village namin nang bigla kong nakasalubong ang pamilyar na kotse.

Bumusina ako. Nakakunot ang noo ko nang sabay naming binaba ang bintana ng kotse namin at bumungad sa akin ang nalilitong mukha ni Zius.

"Where are you going? Madaling araw na, Eli," sabi ni Zius habang nakakunot ang noo.

Tinaasan ko siya ng kilay. "Where were you, huh?"

He sighed. "Galing ako sa bahay nila Lilac, okay? So ikaw? Saan ka naman?"

"I'll go to Imil's club. I'll be quick," tugon ko.

"And why are you going there alone?"

"Because I want to?"

"Eli..."

"Don't worry about me. Nandoon naman sina Marcus... You should sleep, later na ulit ang landi," tugon ko saka bumungisngis.

"Tsk! Okay, take care. Just text me, okay?"

I nodded. Sinara ko ang bintana at nagpaharurot papunta sa club. Fifteen minutes din akong nagmaneho bago nakarating. Pagkapasok ko ay hindi ko mahanap si Cedar dahil sobrang daming tao ang sumasayaw sa dance floor. Naisipan kong pumunta sa second floor sa kung saan nandoon ang mga malalaking couch.

Nakita ko ang gulat sa mukha ni Marcus nang makalapit ako sa kanila. "Why are you looking at me like that?" mataray kong tanong sa kanila.

Hindi nila ako sinagot nang bigla akong inakbayan ni Cedar. "Uwi muna ako."

Tumango lang siya at ngumiti sa amin. Naramdaman ko ang mahigpit na yakap ni Cedar sa akin. Medyo mabigat ang kanyang katawan pero nakakapaglakad pa naman siya. Binuksan ko ang pinto ng sasakyan ko at pinasok siya roon.

Hindi ko siya kinausap. I just saw him crying and calling his ex's name. He was in pain. Nang makarating kami sa labas ng bahay nila ay doon ko lamang siya kinausap.

The Flower's Sunshine (Fitzmael 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon