28: Him And His Loved Ones

598 8 0
                                    

CEDAR BROOM FITZMAEL

"ARE YOU READY to go home, sunshine?" malambing kong tanong sa pinakamagandang babae na nasa aking harapan.

She nodded. "Let's go home, lover."

I smiled from ear to ear. Kinikilig ako sa mga sinasabi o ginagawa niya. Kahit na maliit na bagay, sobra kong na-a-appreciate.

I love this woman... so much.

"Bakit ka naman nakangiti riyan?" boses niya ulit 'yon.

I shook my head and stood up. Kinuha ko ang bag na may lamang gamit niya simula no'ng na-hospital siya four days ago. Naglalakad na siya palabas ng kwarto. "Ang ganda mo," I said, almost blushing.

She turned around a little-enough to see me. She then smiled over her shoulder. "You're so handsome, lover. We're a perfect match."

Lumapit ako sa kanya. "Dapat lang. Kasi kung hindi tayo ang match, hinding-hindi ako papayag."


HINAWAKAN NIYA ANG aking braso habang naglalakad kami palabas ng medical facility ng L'azienda. Hindi ako pwede rito pero dahil sa emergency na nangyari ay pinayagan ako.

Nakita namin si Imil na naghihintay sa labas ng kwarto. Sinamahan niya kami hanggang sa makababa kami ng building. "Take care, love birds."

"We will. Thank you," sabi ko saka ko siya niyakap. Pinagbuksan ko ng pinto ang aking kasintahan saka naman ako nagtungo sa driver's seat. "Sunshine, inutusan ko nga pala si Lilac na dalhin ang mga regalo ko sa 'yo sa unit niyo ni Zius," panimula ko.

"Regalo? What gifts?"

I took a glance at her. "Ang dami kong mga regalo na gustong ibigay sa 'yo sa mga nagdaang taon. Alam ko namang hindi mo 'yon tatanggapin noon kaya inipon ko na lang."

"Really?" bakas sa kanyang boses ang sigla.

I nodded. "Yes."

"Ano naman ang mga regalo mo sa akin?"

Hindi ko siya inimik at nagpatuloy lang sa pagmamaneho.

"Broom, ano ang regalo mo sa akin?" pag-uulit niya.

I smirked. "Secret."

"Broom naman eh! Excited na tuloy ako."


ISANG ORAS DIN akong nagmaneho bago nakarating sa isa sa mga branch ng Bloom Hotels na pagmamay-ari ng mga magulang ko. Natutuwa ako dahil abot tenga ang ngiti ni Elisha habang nagmamadaling umakyat sa unit niya.

I badly want to take her home-in our house-but I made a promise to Zius-that I will marry her first.

Paglabas namin ng elevator ay hinawakan niya ang aking kamay at hinihila ako papunta sa unit nila. Nang makarating kami ay nakita ko si Lilac at Zius na walang imik sa isa't-isa. Sinadya kong utusan si Lilac para makapag-usap sila pero nabigo yata ako.

Matindi ang galit nila sa isa't-isa dahil parehas silang may rason kung bakit nangyari ang mga nangyari. Nakakalungkot. I forced a smile when I looked at Lilac. "Saan mo nilagay?"

The Flower's Sunshine (Fitzmael 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon