25: Things You Buried, Grows

594 5 4
                                    

DAHAN-DAHAN KONG binuksan ang aking mga mata nang mapagtanto kong nasa hospital ako. I immediately saw Zius na namumugto ang mga mata. "Hi, Erazius," I uttered, forcing a smile.

Agad niya akong nilapitan at niyakap. "I'm sorry, Eli. I'm so sorr-" his voice broke, sobbing.

"Uwi na tayo. I hate hospitals," sabi ko sa kanya.

He nodded. "Bumisita kanina si Hunter at Chase. Bibisita sila ulit kapag nakauwi na tayo."

"I'll call them later."

Ilang oras pa kaming nanatili bago kami pinayagang makauwi na. Ayaw ni Zius na maglakad ako kaya pinasakay niya ako sa wheelchair.

Nang makauwi kami ay nakita namin sina Chase, Hunter, Amelie at Arron na naghihintay sa amin. May mga pagkain at balloons pa silang hinanda pero bakas sa kanilang mga mukha ang pag-aalala.

Napangiti ako nang makita sila. "I'm alive. I'm okay."

Amelie ran towards me, then gave me a hug. "Thank God!"

"Sorry, naging busy ako lately." It was Chase.

"I'm sorry also. I was busy taking care of my sister," Hunter spoke.

I smiled then nodded. "I understand. Thank you and please don't worry about me. I'm fine."

Ayaw pa nilang umuwi at napagdesisyunan nilang matulog dito sa unit namin. Nagsisiksikan kami na para ba kaming mga sardinas. Gusto nilang makasigurado na magiging okay lang ako.

I'm grateful to have them in my life.


"MAS GUGUSTUHIN KO pang bantayan ang kasal ng kapatid mo kaysa maging bisita. Puro mga Fitzmael ang nand'on," sabi ko habang nagbabantay sa labas ng simbahan.

"I'm already here," sabi ni Sniper sa kabilang linya.

"I already have the clearer view of the CCTV footages nearby," ani Zius.

"I'm here inside. Nothing suspicious. They're all friends and family," sabi ni Archer.

"It will be a smooth wedding," I spoke. "Who would've thought that Adorn and Franco is the end game? What a small world talaga. Malas lang kasi sa Fitzmael nakasal."

Narinig ko ang biglang pag-ubo ng nasa kabilang linya. I bet it was Ren or Imil. Sila lang naman ang matatamaan.

"Ang boring naman," ani Sniper.

"Wala kang girlfriend, Sniper?" tanong ko.

"None. Why? Mag-a-apply ka?" aniya saka bahagyang natawa.

"Sniper..." malamig na sabi ni Ren sa kabilang linya.

"Sorry, boss. I was just asking," ani Sniper.

I was observing the place. "Everything's clear from my position..."

"Same with mine," ani Zius.


NANG MATAPOS ANG seremonya ng kasal ay agad kaming nagtungo sa reception. Dahil may ibang mga special agents do'n at safe naman ang lugar, hindi na kami nagbantay pa. Nilagay ko ang aking baril sa aking hita saka kami sabay na pumasok ni Zius at Sniper sa loob upang makikain.

The Flower's Sunshine (Fitzmael 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon