"WE ARE GOING somewhere," ani Cedar pagkatapos naming kumain.
Tiningnan ko ang aking itsura. Oversized hoodie ang aking suot kagaya ng suot ko kahapon pero iba ang design nito. "Do I need to wear something formal or okay na 'to?"
"Okay na 'yan. Pupunta lang tayo sa farm."
"Okay."
It was a thirty-minute drive. Nakita kong maraming tao ang nandito. Isa 'tong strawberry farm. Pumasok muna kami sa reception area. I was stunned with the interior design. It was a mixed of native and modern style.
"Good morning, sir. Mabuti naman po at nakabalik kayo rito," bati ng receptionist.
"Good morning. How's the farm?" ani Cedar.
"Okay naman po, sir. Ang dami pong strawberries ngayon," masiglang sabi ng babae.
Tumango si Cedar. "That's good."
PAGTAPOS NIYANG KAUSAPIN ang receptionist ay kumuha si Cedar ng dalawang basket at binigay sa akin 'yon. "Punuin mo ng strawberries 'tong basket," aniya saka umupo.
"Okay." Agad ko namang binitbit ang mga baskets saka masayang nagtungo sa farm. Mabuti na lang at malamig dito sa Baguio kahit na tirik ang araw. Tumingin ako sa gawi ni Cedar.
Nakakunot lang ang kanyang noo habang nakatingin sa akin. Para siyang hari na nakatingin sa kanyang lupain.
Hindi ko alam kung nakikita niya ba ako o hindi pero wala akong pake at inirapan ko siya. Bored na bored ako habang nag-pi-pitas ng strawberry. "Ano naman ang gagawin niya sa sandamakmak na strawberries?" Lumipat ako ng pwesto dahil gusto ko lang maiba. "Hindi naman gano'n kasarap ang strawberry, ah!"
Nakakunot lang ang noo ko habang naglalakad. Hindi pa nangangalahati ang isang basket. "Akala mo naman mauubos niya ang dalawang basket! Tsk!"
Napatingin ulit ako kay Cedar na malawak ang ngisi. Siguro ay nakikita niyang naiinis ako sa pagkuha ng mga strawberries. Agad kong tinaas ang aking middle finger para makita niya. Kinabahan naman ako nang biglang sumeryoso ang kanyang mukha.
KJ masyado. Tsk!
"Elisha?"
AGAD AKONG LUMINGON sa kung saan galing ang boses na 'yon. Napaawang ang aking bibig nang makita si Chase!
"I told you... Magkikita ulit tayo," he stated, smirking.
"What are you doing here?"
"Namimitas ng strawberries. It's my favorite fruit and I just heard you ranting about how mediocre it tastes," he replied, chuckling.
I shrugged then continued picking strawberries. "I'm just telling the truth!"
"Ouch! You're hurting me!" pag-da-drama niya.
Natawa naman ako. "Ano namang ginagawa mo sa Baguio? Nagbabakasyon ka?"
He nodded. "Quick vacation lang with my cousins. After years of looking, I finally found them."
"I'm happy for you."
"How about you?"
"I'm working," sabi ko saka ko tinuro si Cedar. "Kita mo 'yan? Boss ko 'yan."
"That's Cedar, right?"
I nodded. "You two knew each other?" I saw Cedar crossing his arms while looking at us. I shook my head.
BINABASA MO ANG
The Flower's Sunshine (Fitzmael 4)
Romance[VIOLENCE | TRIGGER WARNING | STRONG LANGUAGE] When Cedar Broom returned to the Philippines, his heart remained in England, weighed down by a recent breakup. His life felt cold, gloomy, and lonely. Then he met Elisha Gomez. She became his beacon of...