Finale: Setting Sun

532 6 0
                                    

"ANG GANDA NAMAN ng gown na 'to!" masayang sabi ni Elisha habang tinitingnan ang kanyang sarili sa salamin.

"You're beautiful as ever," paglalambing ko sa kanya saka siya niyakap sa kanyang likod.

"And you look great with that suit!"

I chuckled. She was wearing a gown na gawa ng isa sa family friend namin na naka-base sa New York. Itim ang kanyang gown at meron pang terno na gloves. She looked like a princess.

While me, on the other hand, wore an all-black suit.

Kinuha ko ang isang itim na velvet box mula sa aking bulsa. Kinalas ko ang pagkakayakap sa kanya. Dahan-dahan niya akong hinarap. Saka ako lumuhod. Kailangan kong mag-propose bago ang kasal mamaya. Napaawang ang kanyang labi.

I was shaking while opening the box. I cleared my throat before I spoke. "S-Sunshine.... I know we've been through a lot, especially you. I want to make you happy for the rest of our lives," I said, taking a deep breath. "Will you be my wife forever?

A lone tear fell from her cheek while she was nodding. "Yes, my love! I will marry you!"

Nangingilid ang aking mga luha. Kinuha ko ang singsing at sinuot sa kanyang daliri. Agad akong tumayo at niyakap siya nang mahigpit. "I love you so much... Thank you, sunshine," I said, sobbing.

"Don't cry... aalis pa tayo," she said while wiping my tears. "Ipagmamayabang ko kina Zius mamaya ang singsing!" masaya niyang sabi saka ako pinaulanan ng mga halik sa pisngi.

"Picture tayo?" pag-aaya ko sa kanya.

Agad naman siyang tumango.

We took a mirror selfie. I was hugging her from behind. Her face was slightly tilted to the left side for me to have more access to her right shoulder, where I rested my chin. She held the phone in her left hand, where the engagement ring was located. While the other was caressing my face.

We looked like a model.

It was a subtle way to show that we're engaged. When you look closely at our photo, you can see the diamond ring. It stood out because she was wearing black gloves. It was shining... Like her.

It's perfect.


WE IMMEDIATELY WENT to the parking lot dahil ayaw naming ma late sa event. We greeted our driver for today, Sniper. "Bakit ikaw ang driver?" taking-tanong ni Elisha sa kanya.

"Invited din kasi ako sa event tapos inutusan ako ni Zius na sumabay sa inyo. Ayaw niyang wala kang bantay lalo na't maraming mga tao ro'n na hindi natin kilala," pagsisinungaling ni Sniper.

I just smirked. He was really good at lying.

Elisha nodded. "Sa bagay. Hindi ko pa naman dala ang baril ko."

Hinawakan ko ang kanyang kamay saka siya hinalikan sa ulo. "We'll enjoy this day, okay?"

She nodded.

"Ay, may nakalimutan pala ako sa unit niyo. Iyong invitation card," pagsisinungaling ko matapos ang ilang minutong pagmamaneho ni Sniper.

The Flower's Sunshine (Fitzmael 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon