13: Archie Roncion

968 13 0
                                    

NAPAIGTAD AKO NANG buhatin ako ni Zius at pinahiga nang maayos sa higaan. Hindi ako umimik. Narinig ko siyang magsalita at kinakausap si Arron. "I'm sorry, Arron. Thank you,"

"Okay. Just don't shout at your sister again. Magpahinga muna kayo riyan at magluluto muna akong sinigang," tugon naman nito.

"Thanks, Arron," I murmured.

Madilim na nang akoy ginising ni Zius. Nakita kong naghahanda sila for our dinner. Naghain si Zius ng kanin at ulam para sa akin. Tahimik lang kaming tatlo.

I broke the silence then cleared my throat. "Zius, magtatrabaho na ako bukas. Dito ka lang, ah? And drink your meds."

He smiled at me and nodded. "I will. Don't worry."

Tumango ako. Bumaling naman ako kay Arron. "Pasensiya ka na talaga, Arron. Naabala ka pa namin."

"Sus. Wala 'yon. Magkatabi lang ang bahay natin kaya masanay ka na," aniya habang malawak ang ngisi.

Nagpatuloy lang kami sa pagkain hanggang sa natapos kami. "Ang sarap mo pala magluto," papuri ko sa luto ni Arron.

"Lagi kasi akong tinuturuan ni Mama sa pagluluto dati."

"Saan ang province niyo?"

"Sa Boljoon, Cebu. Kapag nakaluwag-luwag tayo, bisita tayo ro'n," suhestiyon niya.

I nodded. "Sure!"

Tumayo ako upang magligpit. Si Zius naman ay kinuha niya ang gamot sa paper bag at ininom 'yon.

"I'll wash the dishes," ani Arron.

"Hala! Huwag na!" pagtutol ko.

"Matulog ka na. May trabaho ka pa. Saka ikaw rin, Zius. Hindi pa okay ang pakiramdam mo," aniya habang nagsisimulang hugasan ang mga pinggan.

"Salamat, Arron. Sorry talaga. Babawi ako sa 'yo," ani Zius.

He chuckled. "Okay lang. May natira pang sinigang sa kaldero. Initin niyo bukas ng umaga."

Napangiti ako at tumango. "Salamat, Arron."

Nakaupo lang kami ni Zius habang naghihitay sa kanya. Pagkatapos ay nagpaalam na siya sa amin. Nagpapasalamat talaga ako kay Arron dahil kung wala siya, siguro ay wala na si Zius sa tabi ko ngayon.


NAPANGIWI AKO NANG marinig ko ang tunog ng alarm clock. Alas sais pa lang ng umaga. Nakatanggap din ako ng text mula kay Cedar na dapat ay bago mag alas otso ay nasa bahay na nila ako. Agad kong ininit ang sinigang saka ko ginising si Zius at sabay kaming kumain. Bago ako umalis, sinigurado ko munang nakainom na siya ng gamot.

"Sure ka bang okay ka lang dito? Call me if you need me.n" pag-aalala kong sabi sa kanya.

"Okay lang ako, Eli. Umalis ka na. Six fifty-one na," aniya.

I nodded. Agad kong binuksan ang pinto at lumabas. Napaigtad ako nang makita si Arron na nakasandal sa may gilid ng pintuan.

"Good morning, Eli. Aalis ka na?" bati niya sa akin.

I nodded. "Oo. Kanina ka pa ba riyan? What are you doing here? I thought wala ka pang work?"

"Sa susunod na araw pa ang trabaho ko. Ihahatid lang kita sa Bloom Village. Hindi ka naman marunong mag commute," aniya saka umiling.

The Flower's Sunshine (Fitzmael 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon